Chapter 22

671 21 1
                                    

A/N: Clichè moment ahead HAHAHHAHA enjoy reading.

CHAPTER 22: ALMÌYREÓ THE PALACE

ASHLEIGH P.O.V.

Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong tumigil ang sinasakyan namin.

Namula pa ang pisngi ko ng mapagtantong nakasanday pa rin ako kay Veighn. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakasanday sa kanya dahil ng silipin ko ito ay tulog din ito.  Napalingon pa ako sa PD/PA niya pero tumango lang ito sa akin.

Sumilip pa ako sa windhshield ng mapansing nasa loob kami ng di pamilyar na lugar. Malawak at maraming bagay ang mga nakatayo pero diko makita ng ayos dahil tinted ang sinasakyan namin plus gabi na kaya madilim.

I guess nasa Palace of Almìyeró na kami, kung saan si Veighn lumaki. Tumitig pa ako ng sandali bago humarap kay Veighn at ginising.

"Young Master, wake up" saad ko at sinamahan pa ng yugyog. Pero dumaan lang ang dalwang minuto pero di pa siya nagmumulat. Napabuntong hininga ako at inalog ulit siya-nagbabakasakaling gumising na.

"Pstt. Young Master Veighn, wake up. Nandito na tayo sa palasyo niyo" bulong ko. Tinutok ko pa sa tenga niya ang bibig ko pero di parin gumigising. Ilang minuto ko yon ginawa kaya nakaramdam ako ng inis.

Hayop, ganto ba talagang kahirap gisingin ang lalaking ito? Umpogin ko kaya siya?

"Hey, Mr. PD slash PA ni Young Master. Can you wake him up? I already use all of my energy just to wake him up. Im tired" naiiritang saad ko at tumingin sa lalaki. Umiling lang siya kaya napakunot ang noo ko.

"Pasensya na po Lady Formentero, wala po kase ako sa position para po gisingin ang mahal na prinsepe." nakangiting saad nito kaya nangunot lalo ang noo ko. Ano daw?

Hindi nalang ako umimik at umirap ng palihim. Naiinis namang binalik ko ang tingin kay Veighn pero naglaho ang inis sa itsura ko ng mapagmasdan ang mukha nito. Bakas rito ang pagod kaya naawa naman ako, pero mas lamang parin ang pagka-gwapo niya!

Ano bang pede kong gawin para magising siya? Lahat na ng pede kong sabihin sa kanya kanina nasabi ko na. Hmmp!

Aha! Alam ko na HAHAHA bakit ambobo mo talaga Ashleigh! Kung kanina mo pa inisip to edi sana kanina pa kayong nakababa sa kotse.

"E-ehem... A-acel.... Acel, wake up. We're here na Acel ko, hmm" malambing kong saad at niyogyog siya ng mahina. Napangiwi pa ako dahil sa aking sinabi.

Shocks! Kahiya yon.

Napabusangot naman ako ng wala pa ding reaction ang tulog na si Veighn. What if gamitan ko siya ng magic ko? Hmm, nice. Matry nga.

"Ayaw mong gumising Acel ha. Pwes tatapunan nalang kita ng tubi—"

"Im awake. You don't need to throw me your water" pagputol ng lalaking ito sa sinasabi ko. Napahiya pa ako kase narinig niya yung sinabi ko pero binaliwala ko lang yon at inirapan siya.

Psh, buti naman at gising na ang mahal na prinsepe at saka wala akong water no!

"You're so tagal mag wake up ha! Kanina pa kaya tayo nandito sa tapat ng palace nyo" mataray kong saad at sinalubong ang titig sa akin ni Veighn.  Umismid lang naman ito bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Lumabas na rin naman ako ng pagbuksan ako ng PD nya.

Nakita ko pa siyang umismid pero diko na pinansin.

Minutes had passed and we are here now inside their palace. Just by looking at it you can say that this is so elegant. The chandalier, furniture, paintings and their other things that so beautiful. Marmol din ang sahig kaya nakakahiyang umapak huhu.

"Welcome back, Second Young Master on your home" bati ng mga babaeng nakasuot ng maid dress na pinatungan ng apron kaya napatingin ako isa isa sa kanila. They are so dami like mga twenty!

Sabay sabay silang nagyukuan tuwing nadadaanan namin kaya napatingin ako kay Veighn na seryosong naglalakad. Kukulbitin ko na sana siya ng may naramdaman akong matalim na titig.

Ito na naman yung feeling na to ha! Kinakabahan nako!!

Napayuko nalang ako imbis na hanapin ang mga matang tila gusto akong kainin ng buhay. Naramdaman ko pang nagtaasan ang mga balahibo ko kaya napahawak ako sa mga braso ko saka hinimas. Deretso lang namang naglalakad si Veighn kaya sumusunod lang ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta dahil nakakadalwang akyat na kami ng hagdanan.

"Young Master Veighn, saan tayo pupunta?" tanong ko at namamanghang tumitingin sa paligid. Bawat nadadaanan kasi namin ay purong may design kaya napapanganga nalang akong pinagmamasdan ito.

"On my room" simpleng saad nito kaya napalingon ako sa kanya agad.

"What? Eh ako, saan ako?" tanong ko at sinabayan siya sa paglalakad.

"You're going with me"

"Ha? Pero saan ako matutulog?"

"My room" maikling saad nito kaya napaawang ako ng bibig. Anooo? Eh ang dami dami kaya naming nadadaanang kwarto tapos sa iisang room lang kami mag sstay? Over my dead body!

"W-what? .. Why? Marami naman ata kayong guest room so why sa kwarto mo pa ako?" i ask. Lintik naman! Ano bang nasa isip niya? Ano kami mag asawa?

"Our servant said that the guest room are not done cleaning. So you don't have a choice but to share a room with me." mahabang saad nito kaya napanganga ako. Weee? Wow!grabe ha! Eto lang yung palasyong walang malinis na guest room eh andami nilang maid ha!

"B-but Young master— I said it clear. I don't want to repeat what did i say a minute ago. If you don't want to sleep on my room then don't" malamig na saad nito na pumutol sa sasabihin ko. Napa face palm nalang ako kase hindi naman yun yong sasabihin ko.

Wala naman akong sinabing hindi ako makikishare ng room! Tatanong ko lang naman kung pupuntahan pa ba namin ang Daddy at Mommy nya!

"Sabi ko nga" tanging nasabi ko at nanahimik na. Mukha namang wala na siyang sasabihin dahil napagod ata kase andami niya nang nababanggit na word maghapon. Bubulong bulong ako habang nakayuko kaya ng hindi ko napansin ay tumigil na pala sa paglalakad si Veighn at naumpog ako sa likod niya, napaatras pa ako ng kaunti dahil ang tigas ng likod niya. Napahawak pa ako sa aking noo upang himasin ito at nakangusong nakatingin sa likod ni Veighn.

Tumigil kase ito sa paglalakad kaya nabunggo ako sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na nasa harap kami ng isang pinto. Eto na ata ang kwarto niya kase binuksan niya ito at pumasok. Sumunod naman ako kaagad at sinara ang pinto.

Pinalibot ko naman muna ang aking tingin sa kanyang kwarto. Nanlalaki ang mata ko dahil sobrang linis at organized ng mga gamit. Gray and white ang theme color ng kwarto na masarap tingnan at di masakit sa mata. King size bed ang higaan niya at may sofa pa siya sa may bandang tabi ng pintuan. May mini table pa siyang katapad ng sofa at walk in closet naman at ang nasa tapat ng kaniyang kama. Base sa aking observation ay pinto naman ng cr iyong kulay puti sa dulo. May lamp din siya sa tabi ng kama at the rest ay gamit panglalake na.

Napalunok pa ako ng laway ng mag umpisang pumasok ng cr si Veighn kaya hula ko ay maliligo ito. Mag aala-una na rin ng madaling araw kaya nakakaramdam ako ng antok. Lumapit nalang muna ako sa may sofa at doon ibinagsak ang sarili ko, dito ko nalang muna hihintayin si Veighn para ako naman ang susunod na maglilinis ng katawan bago matulog.

Nang makaupo ako sumandal ako at napahinga ng malalim. Pinikit ko rin ang aking mata ng makaramdam ako ng pagod. Ilang minuto akong ganon ng hindi ko nalang namalayan na tuluyan akong nakatulog.  Naalimpungatan lang ako ng makaramdam ako na parang binuhat ng kung sino pero diko na yon pinansin dahil wala naman akong nararamdamang panganib kaya bumalik nalang ulit ako sa pagtulog. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko ang malambot na bagay na nadaganan ng aking katawan at ang malamig na boses na nagpakalma sa akin.

"Sleep tight, my sweet Forrie"

UNNOTICED.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroWhere stories live. Discover now