Chapter 18

663 16 0
                                    

A/N:  Sorry sa matagal na ud, nag lolose kase yung kuryente namin kaya matagal ako bago ma full tas mahina pa signal. Enjoy reading.



CHAPTER 18: God and Goddesses



ALYESHIA P.O.V.


Yes! I'm back. Again.


"What did you feel right now? Young lady?" tanong uli nung lalaking naka white coat. Siya yung lalaki nung isa ah! What his name again? Nabanggit ba sya sa Novel?



"Im okay na po, Mr. Ano bang nangyari?" pagkukunwating tanong ko at umacting na parang walang alam. Nagkatinginan naman sila pero si Veighn lang ang hindi. Seryoso ang titig sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.



'what?' i mouth on him. Hindi naman to umimik at seryoso lang na nakatitig sa akin. Ibinaling ko nalang sa iba ang tingin ko. Nasa kwarto parin pala ako ng mansion ni Veighn, akala ko nasa bahay nako ni Alyeshia—ay ako pala.



"You have your own awakening My lady. So, anong nararamdaman mo. May nagbago ba?" tanong ni Mr. Naka white coat kaya pinakiramdaman ko ang sarili ko.



Hmm, wala namang nagbago ah. Normal pa rin ang pakiramdam ko.


Pumikit ako para sana pakiramdaman ang sarili ng biglang may mainit na dumaloy sa buong katawan ko sanhi ng pagbigay ng kakaibang sensasyon sa akin.



"WAHHHH ang initttt" sigaw ko at nagmulat. Nagulat nalang ako ng biglang nawala nawala sina Veighn pati si Kenjie at si Mr. Nakacoat.






Nasaan ako?


Ipinalibot ko naman ang tingin ko. Purong hardin at mga bulaklak lang ang nakikita ko, sobrang aliwalas ng lugar na ito dahil punong puno ng buhay ang mga halaman. Marami ding iba't ibang uri ng puno ang narito na nakaayos ang tanim, ganon din ang mga bulaklak. Nagumpisa akong humakbang para maghanap ng tao pero may bigla nalang lumitaw sa harap ko.



"AHHHHHH" sigaw ko at tatakbo na sana pero hinawakan ako sa damit. Nagkukumawala naman ako dahil nakaramdam ako ng panganib.




Ano ba! Kakarating ko lamg ulit sa novel tapos panibagong engkantro na naman, kelan ba ito titigil?jusko naman. Ang malas-malas ko na ata.



"Calm down. I am not going to hurt you." malamlam na saad ng kung sino kaya napatingin ako dito. Wow. She's so beautiful. Kusang kumalma ang nararamdaman ko at manghang pinagkatitigan siya. Nakangiti lang naman ito sa akin.



Mas matangkad siya sa akin ng konti. Wavy hair din ang buhok nya at kulay pula, matangos na ilong, magandang labi, mapupungay na mata na pinagsamang red at blue at mahahabang pilik mata. May nakapatong ding korona sa ulo niya na ang design ay tinik. Naka blue-red gown siya na off-shoulder at maihahalintulad mo ang kulay ng suot nya sa flag ng pilipinas.



Kulang nalang ay yellow para tuluyang flag na sya! Joke lang.



"I am Malvolia Sidere and i am the goddess of water and fire" pakilala nito kaya napanganga ako. What! Isang goddess ang nagpapakilala sa akin? Pero teka diba sa mythology si Poseidon ang hari ng tubig? Pero bakit water si Goddess Malvolia?




"Poseidon? Who's that?" biglang tanong ni Goddess Malvolia kaya napanganga ako. Nababasa nya utak ko?



Sasagutin ko na sana siya ng unahan ako ng kung sino.




"Hays, excited so much Goddess Malvolia? You forgot us again" saad ng kung sino at bigla namang nagsilitawan ang lalaki at babae sa gilid ni Goddess Malvolia Sidere. Nanlalaki ang mata at di makapaniwalang napatingin ako sa kanila. May ibang busy sa pakikipagusap at yung iba naman ay inaasar si Goddess Malvolia like hi, andito po ako! Isa po akong naliligaw na tuta.



Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora