Chapter 27

766 13 2
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

                 Malayang naimulat ni Alyeshia ang kanyang mga mata ng maramdaman niya ang ilang pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam ng tensyon kung ang mga diyos at diyosa mismo ang nakatingin sayo hindi ba?

Nasa Garden of truths muli ang babae. Hindi naman kasi talagang sinasadya na mapunta siya dito pero wala ng nagawa ang mga dyosa at diyos kundi ang mapabuntong hininga at samaan ng tingin ang may gawa na walang ibang diyos kung hindi si Lord David. Hindi pa naman kasi dapat ngayon pero ang 'di sinasadyang pagpunta ng dalaga na rin ang nagiging dahilan upang gawin na nila kay Alyeshia ang dapat gawin at iyon ay ang turuan siya. Turuan kung paano gamitin ang mahika.

"Finally, again. You're awake." nakangiting wika ni Malvolia, ang diyosa na may ari ng kapangyarihang tubig at apoy.

"Mukang naapektuhan mo talaga ang buong sistema ni Alyeshia, David. Ang tagal ng tulog eh. Sabagay, sino ba naman ang hindi masisiraan ng sistema kung ikaw ba naman ang bubulong, diba?" nakangising mapang-asar na saad ni Ireya Malou, ang may-ari nang kapangyarihang Spell at Curse. Ang matinding kaaway ni David Jolon, ang diyos na may mala-diyosang puso at walang iba kundi ang diyos ng mga halaman.

"Shut up, Sumpa. Kung ipagkukumpara tayo, mas ikaw pa ang nakakasira nang sistema pag nakita, pano ba namang hindi eh mukha mo palang, alam ng ka-sumpa-sumpa." ganti ng diyos. Napailing nalang ang ibang mga diyos at diyosa sa nasaksihan. Sabagay, hindi na rin naman sila magugulat kung magbabatuhan na mamaya ang dalwa ng mahika mamaya, hindi naman kasi lilipas ang isang oras na hindi magbabangayan ang dalwa.

Who wouldn't thought that even though the God and Goddesses are like this? Miski nga si Alyeshia ay nakanganga habang pinapanood ang dalwang diyos na nag-aaway na.

"A-ahh....." muling naitikom ni Alyeshia ang kanyang bibig ng walang salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig.

"Ah, pagpasensyahan mo na sila Alyeshia, mukhang hindi na naman nakainom ng gamot ang dalwa" agad napalingon si Alyeshia sa babaeng nagsalita. Nanlaki pa ang mata nito ng makilala ang diyosa, isang Helayna Meddy ba naman ang kumausap sayo diba? Isang tanyag at hinahangaang diyosa ng mga mangagamot si Helayna at literal na kilalang kilala ang diyosang ito sa mundo ng Mohia.

Gulat pa rin ang buong pagkatao ni Alyeshia, na-realize nya na kasi na nasa Garden of truths siya. Hindi ito makapaniwala at nakangangang pinagmamasdan lang ang mga nasa harapan niyang makapangyarihang mga nilalang. Batid din nito na mahigit nasa labing dalwang diyos at diyosa ang kasama niya mismo kaya't hindi niya mapipigilang mapalunok ng laway.

Ang alam niya, ang huling kasama nito ay ang kapatid ng male lead na napuntahan niya sa isang nobela. Hindi niya parin kasi tanggap na totoo ang nangyayari sa kanya, malay mo, nananaginip lang siya diba?.

"A-ano pong meron? May kasalanan po ba ako?" mababakasan ang lito at kaba sa boses ng dalaga pero isang ngiti lang naman ang natangap niya sa mga ito.

"We're sorry for this sudden meeting of us. . . Young lady. Hindi naman kasi dapat ngayon ang pagkikita natin pero, hindi na namin palalagpasin pa ito, besides mas maganda na kung ngayon na natin agad masisimulan ang iyong pagsasanay." mahabang litanya ni Revoir Liet. Dahil ito naman ang nagsisilbing pinuno ng lahat ay hinayaan nalang rin ng mga diyosa at diyos na si God Revoir narin ang magpaliwanag sa dalaga ng lahat. Nag-umpisa ng magpaliwanag ang Diyos ng liwanag kaya walang ibang nagawa si Alyeshia upang makinig. Mukhang hindi nga ata siya makakaatras dahil seryoso ata talaga ang mga nasa harap niya ngayon. Napapangiwi nalang siya at may pagkakataong pinupunasan nito ang mga namumuong pawis sa noo. Ramdam din niya ang malakas na tibok ng puso nito at ang saya at kabang kanina niya pang nararamdaman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroWhere stories live. Discover now