Chapter 4

1.8K 57 9
                                    

CHAPTER 4 - Embarassing moment

Alyeshia P.O.V

Nanigas ako sa aking kinahihigan ngayon.

Alam ko namang pogi sya pero putangina bakit kailangan pang katabi sa higaan. Huhuhu ano nalang sasabihin ng iba pag nalaman nila to. Ako ang echosera at naghahabol, ex fiance ko na nga tapos malalaman pang katabi ko sa pagtulog huhu help me lord balik nyo nako sa real word. Promise po magpapakabait nako, di na ako magiging shunga-kunti nalang.

Tahimik lang akong nagdadasal sa tabi ng bwisit na male lead na ito ng bigla ako mapatigil ang hininga ng tuluyan.

"Don't move. " maotoridad ngunit husky nyang sabi sa akin. Kusa akong tumigil sa pangangatog at lalong nagpipigil hiningang nakastraight body sa paghiga habang ang kamay nya ay nakadagan padin sa tiyan ko.

"I just said don't move, i don't say stop breathing." huling sabi ni Veighn bago bumangon sa higaan at dumeretso sa pinto dito sa loob ng kwarto. Panigurado akong cr yon dahil nakarinig ako ng tulas ng tubig.

Napabuntong hininga ako ng malakas dahil nakasanghap ulit ako ng hangin dahil sa di ko inaasahang pangyayari kanina. Daig ko pa ang kinidnap at hiningan ng ransom ay.

Bumangon ako para di naman ako maabutan ng male lead na nakahiga sa kanyang malaking kama na parang kanina ay pinagsisiksikan namin na animoy napaka liit lang nito.

Namumula ang pisnge ko. Ramdam ko iyon dahil nagiinit ito. Hinawakan ko ito sabay pisil at nanggigigil na pinagsabihan ang sarili.

"Tanga kaba Ashleigh wag ka ngang kiligin to para simpleng tabi sa higaan para ka ng gaga" mahinang usal ko dahil baka may makarinig sakin. Malay nyo may spy pala dito edi nayari na,Hays grabing buhay to.


Hinintay ko lang matapos si male lead sa cr dahil maghihilamos ako. Mahigit isang oras ata akong naghintay bago ko marinig ang pagpihit ng seradura ng pinto.

Buti naman at natapos din, daig pang babae kung maligo dinaig pako ay. Wala pangang sampong minuto akoy tapos na tapos siya isang oras! This is not acceptable.


Diko nalang siya pinansin at diretsong pumasok na sa loob ng cr. Impyernes ha, ambango ng loob. Parang gusto ko nalang ditong manirahan, chareng lang.


Naghilamos lang ako at nagtootbrush (may bago kaseng toothbrush sa gilid kaya kinuha ko na, mukha naman syang bago kaya ginamit ko na) pagkatapos ko ay lumabas nako ng banyo. Naabutan ko pa si Veighn na ngayon ay nakatayo ng tuwid at seryosong nakatingin sa sapatos nya. Gusto nya atang patayin sa tingin yung sapatos parang may galit eh.

Nang humakbang ako para lumapit sa kanya ay agad itong nagangat ng tingin sa akin. Sa sobrang lalim ng tingin nya na tumagos pa sa kaluluwa ko ay kinabahan ako bigla.

"You must be hungry right now. This is my fault i let you sleep last night" umiigting ang pangang sabi nito. Anong kinagagalit nya?porket di lang napakain, grabe na talaga sya.

"Ano ba okay l-lang naman hehe" pampalubag loob kung saad pero tinitigan lang ako ng matalim at agad hinila palabas ng kwarto.

Eto na naman kami sa part na kakaladkadin nya ako patungo sa hindi ko alam kung saan pupunta. Pwede nya naman akong kausapin ng matino, susunod naman ako. Like di na nya kailangan mang kaladkad diko naman siya tatakbuhan.


Mga ilang minuto ulit kaming naglakad bago nakarating sa isang silid na puro pagkain ang nasa loob. Ito na siguro ang kusina nila, grabe super lakiii tas ang dami pang foods! Iba't ibang putahe!.


Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na umupo sa isang bangko na walang tao at agad ng umupo. Diko na pinansin si Veighn at agad na kumuha mismo ng pinggan at kutsara. Grabe parang isang taon akong hindi kumain, ganadong ganado ako right now!


Akmang kukuha nako ng ulam at kanin ay biglang may tumikhim kaya wala ako sa oras na ibinaba ang hawak na sandok. Paglingon ko sa paligid ay nakita ko ang mga gulat na mata na nasa tapat ng hapag kung saan sa akin lahat nakatingin.


Anak ng Pusang galaa.

Nakakahiyaaaaaaaaaaaaaa!




THIRD PERSON P.O.V.

Flashback:

Matapos makatulugan ng dalaga ang pakikipagtalo sa sarili ay isang misteryosong lalaki naman ang nanonood sa kanya simula nung dumating ang babae kanina. Mababakas sa mukha nito ang galit at selos marahil ang babaeng kanyang ginugusto ay nasa puder ng kaniyang matinik na kalaban. Gustohin man niyang ilayo ang dalaga dito ngunit hindi nya magawa dahil madaming nakaarmadong mga lalaki ang nakapalibot sa buong mansion upang mag manman. Dahil sa sobrang poot ay nagiwan ito ng katagang nakakakilabot na nakakapagbigay kaba sa buong pagkatao.


"Maaangkin din kita, mahal kong Alyeshia. Hintayin mo lang ang tamang oras at araw dahil pag dumating yon wala ka nang kawala sa akin. I'm going to cage you and make you pregnant with my child. "

His last word before he left.


Alyeshia P.O.V.

Tulala ako ngayong nakadungaw sa bintana ng kwarto ko matapos mangyari ang bagay na ayaw ko ng maulit ulit sa tanang buhay ko. Ipinahiya ko lang naman ng sobra ang sarili ko sa harap ng buong pamilya ng male lead kaya eto ako ngayon, tulala at ayaw ng mabuhay pa.

Putangina bat kase ang bobo mo Ashleigh! Nakakahiya kaa!.

-
Done chapter 4. Sorry for long update, busy po kase ako masyado eh! Thankyou din pala sa mga nagbabasa at naghihintay ng bawat update ko kahit matagal.

Short update lang pala to HAHAH sorry talaga

Unnoticed.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroWhere stories live. Discover now