Alternate Ending

186 10 2
                                    

NOTE: Alternate Ending is a another epilogue or ending of a story.

"...I now pronounce you, husband and wife."

Umugong ang palakpakan sa loob ng simbahan. Nag thumbs-up naman ako kay Yngrid. Sinuklian niya ako ng isang ngiti at thumbs-up din.

Pagkatapos ng kasal ay nasa reception na kaming lahat. Umani ng pagbati ang dalawa at kasama na ako doon. Masaya ako para kay Yngrid.

"Ogs!"papalapit sa akin si Yngrid kasama ang asawa niya

Tumayo ako saka siya sinalubong ng halik sa pisngi.

"Congratulations again. You deserve him."aniko

"Yeah, it's because,you don't deserve me,Ogs. Aside from,I became a mistress--not at all? I ruined your relationship with Reg--"

"No. You didn't, Yngrid. Ang totoo niyan, you're the reason why I love her even more. Thanks." Nakipag-fist-bump ako sa kanya. Tropa lang.

"Sus!"aniya"Oh sige, sasalubungin lang namin si Kuya. He's on their way na rin daw e." Still a conyo.

"Sige."tanging sabi ko at umupo ulit. Uminom ako. Wine.

Dumating na pala si Yael. Wait? He's on their way?

Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako upang sagutin ang tawag. Well,CEO things. I did it. At naging inspirasyon ko si Regine. I want her to be proud of me.

Nakasalubong ko si Yngrid at ang asawa niya,kasama si Yael at--bata?

Ano ba 'to? Nagkatuluyan kaya silang dalawa? Ako lang ba talaga 'yung umaasa na pwede pa kami ni Regine?

Nasapo ko ang aking noo at binigyan ng daan ang apat. Nakatalikod ako sa kanila saka ako naluha dahil sa pag-o-over think ko. Paano kung totoo nga?

Nag-ring muli ang cellphone ko kaya sinagot ko na ito.

"Hello?"

[Sir,may problema po.]

"Pwede ba,huwag ngayon."kalmado kong saad

[S-sige po,Sir. Gagawin po namin ang lahat upang masolusyunan ang problema rito. Pangako ho at hindi ito makaka-abot sa iyo.]

Ano raw?

"Thank you."

Binaba ko ang cellphone ko at saka ito pinasok sa aking bulsa. Napatingin ako sa aking wristwatch,ito ang ibinigay ni Regine sa akin. Kagaya ng sabi niya,sa birthday ko ito binuksan,na ikinaiyak ko lalo na noong nakita ko ang presyo.

Nabalik ako sa aking wisyo.

Past 8pm na pala. Kailangan ko ng umalis dito. Wala naman na akong hihintayin pa.

Tapos na.

Matapang ka,Ogie. Tanggapin mo lahat ng ito,harapin mo!Karma 'to sa'yo. Nasa'yo na, hinayaan mo pang umalpas.

Woohhh.

Napabuga ako ng hininga at naglakad na. Pero no'ng makita ko ang isang napakagandang babae na kalalabas lang ng kotse ay napahinto ako at nagtago.

She looks stunning.

She's beautiful,I can't deny it.

God damn this lady!

Nakagat ko ang ibabang parte ng aking labi. Napa-iling ako ng maalala na,may anak na pala sila ni Yael. Pero hindi halata! Ang totoo,mas lalo siyang sumikse ngayon.

She looks a korean lady. She looks from Korea!

Her hair went blonde.

Nang masigurong nilagpasan niya na ako ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Loving Regine (Love Series #1)Where stories live. Discover now