Chapter 24

179 19 6
                                    

/Loving Regine Chapter Twenty-four/

MALALIM na ang gabi at hindi pa makatulog si Ogie. Nasa sala siya at umiinom ng beer. Natigil siya at tumingin sa direksyon kung saan naroon ang guest room.

Nanakawin na naman niya ang gabing ito upang kausapin ng palihim ang asawa.

Nang makapasok siya ay nakita niya agad ang asawa. Nakatagilid itong natutulog. Katulad noong isang gabi ay umupo muli si Ogie gilid ng kama ni Regine at hinaplos ang buhok ng asawa.

"Hindi ka pa rin nagbabago."sambit ni Ogie"Mali pala ako, nagbago ka na pala ng minamahal."napalunok pa siya"Ano'ng gusto mo? Ibigay ang kalayaan mo?"

Naramdaman ni Ogie na ilang segundo na lang ay babagsak ang kaniyang luha.

"Hindi ko kaya,Mahal. Ang hirap ng hinihiling mo. Ano 'to,after seventeen years of being together and eleven years of being tied to me, ngayon mo lang naisipang sumuko?"

Agad na pinunasan ni Ogie ang kaniyang luha. Napapahikbi na rin siya.

"Hindi ako sumuko na subukan kang mahalin sa loob ng pitong taon. Noong araw mismo nu'ng kasal natin,nag-iba ang buhay ko."

Napangiti si Regine ng maalala ang isa sa mga sinabi ng kaniyang ina dati.

"Nga pala..."he smiled"Ang sabi kasi ni Mommy sa akin,you have the freedom to choose para sa pangarap mo. And,I chose you. Kasi,ikaw ang pangarap ko."

Muling napaiyak si Ogie.

"Pero,kung ang mga desisyon mo sa buhay ang makakapagpasaya sa'yo. Siguro, kailangan kong pag-isipang mabuti ang gagawin ko. Alam kong pagod ka ng ipaglaban ako. Pero,isa lang ang natitiyak ko, ako lang ang gusto mo,ako lang ang mahal mo,ako lang ang asawa mo. Thank you for teaching me how to love you,hon."

Bigla na lang naipikit ni Ogie ang kaniyang mata. Inaantok na siya at dahil ito sa kaniyang kalasingan.

Kinabukasan. Ininat ni Regine ang kaniyang kamay nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata ng maramdamang may nahawakan siya. Dahan-dahan siyang napatingin sa kaniyang katabi.

"Aghhhhh!!!!"sigaw ni Regine

Napabalikwas naman si Ogie ng marinig ito at nahulog siya sa kama.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!"sigaw na tanong ni Regine

Dumadaing si Ogie habang papatayo. Masakit ang kaniyang likuran.

"Salamat ah?"sambit ni Ogie

"Ano'ng ginagawa mo rito?."mariing tanong ni Regine

"Malamang nakatulog."tugon naman ni Ogie at hindi binabalingan ng tingin ang asawa.

"Lumabas ka na."walang emosyong saad ni Regine

"Talaga."

At kaagad na nag-martsa si Ogie palabas ng guest room. Sighed. Iyan na lamang ang nagawa ni Regine. Tumayo si Regine at binuksan ang bintana.

Nang makita niya ang tirik na tirik na araw ay may naalala naman siya...

"Ang sabi kasi ni Mommy sa akin,you have the freedom to choose para sa pangarap mo. And,I chose you. Kasi,ikaw ang pangarap ko."

Napasandal siya sa pader at dumausdos siya pababa sabay iling-iling ng ulo.

"Ipaunawa mo naman sa akin. Hindi sapat ang salita lang, Ogie. Mahalaga rin ang action. Uso 'yon,try mo. Ikaw rin,bahala ka." Sabi niya.

Dumako naman ang tingin niya sa pintuan ng bumukas ito. Napatayo siya ng makita si Chin.

"Okay lang po kayo,Ma?"Takang tanong ng dalaga

"Ah-oo--oo naman. Okay."ngumiti siya

"Ready na po ang breakfast. Kain na po kayo ni Sir?"

Umiling si Regine bilang sagot"Mamaya na lang 'pag tapos na siya. May-aayusin pa kasi ako rito."

"Sige po."

Kaagad na iniwan ng dalaga ang amo. Nagtungo naman si Regine sa cabinet at kumuha ng mga damit roon. Kinuha niya rin ang kaniyang travel bag at nilagay dito ang mga damit.

"Kung ang iwan ka ay ang makakapagpaliwanag ng iyong isipan,gagawin ko. Ikaw na ang bahala sa bahay na ito. Sana sinabayan mo man lang akong bumuo ng mga ala-ala rito. "

Sighed. Bumalik din si Chin sa kaniya at sinabing umalis na si Ogie. Kaagad naman na lumabas si Regine at kumain.

Pagkatapos niyang kumain ay agad itong naligo at nagbihis. Nasa sala siya at napatingin sa kwarto sa taas. Mali...

"Mali ba ang gagawin ko,Chin?"tanong ni Regine sa dalaga

"Po?"

"Mali ba ang bigyan siya ng space? Ang hayaan mo na siya?"

"Ah-e-sino po?"

"Chin,aalis ako ngayon. Pupunta ako ng Bulacan. Huwag mong sabihin kahit kanino ah?"pakiusap ni Regine

"Ma?!Bakit naman?"

"Pupunta ako roon ng may purpose."

Sorry for lying.;she thought

"Pa'no po si,Sir?"tanong ng dalaga

Sa totoo lang,hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung tama ba itong mga desisyon ko sa buhay. Mukhang nagiging selfish na ako e. Pero hindi. At tama si Ogie,may kalayaan tayong pumili ng gusto o pangarap natin. At sa tingin ko,ito ang tama. Ito ang kalayaan naming dalawa.;Ang mahabang sagot ni Regine sa kaniyang isip.

"Si Yngrid na ang bahala sa kaniya." At ito ang nasambit ng kaniyang bibig.

Ngayon ang schedule ng unang chemotherapy ni Regine. Pina-aga ito ni Lea dahil pupunta siya ng Ibang hospital next week para sa isang event.

Loving Regine (Love Series #1)Where stories live. Discover now