Chapter 17

174 17 2
                                    

/Loving Regine Chapter Seventeen/

PUMAYAG na lamang si Ogie sa gusto ng asawa na diyaan lang si Lea. Naging tahimik sila pagkatapos nun. Nang mainis si Regine sa katahimikan ay...

"Ano ba talaga ang kailangan mo?"she crossed her arms

"Ito lang talaga e."tinaas niya ang kaniyang dalang plastic bag na may laman na cup ng ice cream.

"Sorry?"

"Ah-ano kasi e-pa-thank you ko lang dahil sa ginawa mo sa akin kaninang madaling araw."

"Thank you is enough."

"E 'di ba favorite mo 'to? Avocado Flavor 'to oh."sabay pakita niya sa sulat.

"Sorry but please, understand me. No sweets for now. That's it. Wala ka na bang gustong sabihin?You can leave now."

"Ha?"ito ang ang naitugon ni Ogie sa mahabang paliwanag ng asawa

"Hindi pwedeng mapuruhan sa tamis."smiled

"Ba-bakit?May sakit ka?"bakas sa kaniyang tono ang pag-aalala.

Dahil dito ay napakurap si Regine ng ilang beses at ka-agad na umiwas ng tingin sa asawa.

"W-wala naman,sige na,umuwi ka na lang."hindi niya pa rin nililingon ang asawa.

Ogie just nodded"Napansin ko kasing,naroon sa bahay ang kotse mo,sunduin kita mamaya?"he insisted

"No,thank you.Besides,nandito naman sila Lea,baka kailangan ka ni Yngrid."

"Are you sure?"

"Kailan pa ba ako hindi naging sure sa mga sinasabi ko?"dahil sa pangungulit ni Ogie ay tumaas ang pressure ng dugo ni Regine.

Napansin ito ni Lea"Ah,Ogs. You go ahead na siguro."

"Yes,I will. Sayo na 'to?"

"Ah,no thanks. It's not my favorite naman."saad ni Lea

Nang makalayo si Ogie ay agad na pumasok si Lea at pinaupo si Regine saka siya umupo.

"Ano 'yon ha?"tanong ni Lea

"Ano?Ang ano ba?"naiinis na tugon ni Regine

"Ano'ng nangyari sa kamay niya?Sinaktan mo siya?"

"Wow?So nag thank you siya sa akin kanina kasi sinaktan ko siya?"she scoffed"Hindi 'no! Tanga lang 'yon. Gago."

Kanina pa talaga mainit ang ulo ni Regine.

"Ah,nag-away kayo?"

"Hindi,okay?!Tanga nga lang 'yon."nagtitimpi na saad ni Regine"Bakit pa ba ako magpapaliwanag e hindi mo ako na-ge-gets. Sumasakit na ang ulo ko. Lumabas ka na nga."

"Hay nako! Nakalimutan ko nga pala na nakikipaglaban ka sa sakit mo."Lea sighed

"Buti naalala mo pa."Regine rolled her eyes"Kaya pwede ba,lumabas ka na."

Inatupag muli ni Regine ang kaniyang laptop. Sinara naman iyon ni Lea.

"I have an idea."saad ni Lea

Regine just gave her a 'Ano?' look.

"Since,hindi ka na tumatanggap ng mga operasyon,you stay in your house at doon mag-relax ka. Bibisitahin ka namin doon from medications. Is it okay?"

Ngumiti si Regine. Napangiti naman si Lea.

"No."patay-malisya na saad ni Regine

"Ay,ang sama talaga ng ugali."bulong ni Lea pero dinig iyon ni Regine

"Hoy, Cassanova. Hindi ako ma-re-relax doon dahil napaka-boring doon. Napakatahimik. Walang saya. I hate that house. May alam ka bang condominium? 'Yung malapit lang sa inyo."

"Shut-up."Lea rolled her eyes and crossed her arms

"Kung sa bahay niyo na lang kaya muna ako?"sumilay ang malapad na ngiti ni Regine

"Big no. Nahihirapan na nga ako kay Aga tapos dadagdagan mo pa?"

"What do you mean?"Takang tugon ni Regine

"Wala. Just relax sa bahay niyo okay?Kapag bukas pumasok ka pa dito--"

Natigil siya ng itaas ni Regine ang transparent plaque sa kaniyang mesa na may nakasulat na...

Dr. Regina Villarama
Medical Director

"Sabi ko nga,I am just an employee."kagat labing sabi ni Lea"Bye."ka-agad siyang tumakbo palabas ng kwarto ni Regine.

Ibinalik ni Regine ang bagay na iyon at iniling-iling ang kaniyang ulo ng ilang beses.

Nang masigurong wala na si Lea malapit sa  opisina niya ay kinuha niya ang frame na nasa left side ng table niya. Frame nila iyon ng asawa niya.

Noong araw ng kasal nila. Kinuha niya ito at hinaplos. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil sa isang senaryo na nais niyang alalahanin...

"Sana balang araw,ako nalang,ako,ang sarili ko at ang kaluluwa ko ang mahalin mo,sana matutunan mo akong mahalin ngayong magiging mag-asawa na tayo."tumulo ang luha ni Regine sa senaryong ito.

At sa totoo rin ay,naluha siya habang nakapikit.

"Hindi ko gusto pero sisikapin kong turuan ang puso kong mahalin ka, Reg." Ang pangakong iniwan ni Ogie sa araw ng kasal nila.

Hanggang ngayon pinanghahawakan pa iyon ni Regine,pero parang nakalimutan na iyon ni Ogie. Kaya,mas maiging si Regine na mismo ang unang bumitaw,since siya naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.

Kung bakit hindi siya masaya,kung bakit nag-su-suffer siya sa marriage nila.

"I think,ito na ang huling beses na kikiligin ako sa'yo,Ogie. Nararamdaman ko ng mahina ako puso ko. Epekto siguro ito ng sakit ko. Sana maging masaya ka sa magiging desisyon ko."

Ka-agad niyang nilagay sa pinakaibabang drawer ng table niya ang frame na iyon.

"I'm sorry kung pinilit pa kita kahit alam ko namang walang pag-asa."she sobbed"K-kahit kailan hindi mo kayang turuan ang puso mo na mahalin ako dahil ang katotohanan, naghanap ka na ng iba kahit nasa harap mo ako."

Napa-face-palm si Regine dahil sa mga luha niya. Habang si Ogie naman ay tulang naglalakad palabas ng hospital. Actually,nasa hallway siya.

He heard everything. Kanina kasi noong nasa parking lot na siya ay may nakalimutan siyang sabihin kay Regine. Hindi niya inasahan na,pagbalik niya. Ang mga rebelasyon at masasakit na salita ang narinig niya mula sa bibig ng asawa niya.

‘Naghanap ka na ng iba kahit nasa harap mo ako.’ ito ang tumatak sa isipan ni Ogie. He felt something pain in his heart kanina habang sinasabi ito ni Regine.

Naalala niya pa ang ‘Epekto siguro ito ng sakit ko. ’ dahil dito ay maraming katanungan ang naglalaro sa kaniyang isip, katulad ng...

May sakit siya?

Ano'ng klaseng sakit?

Curable ba 'yan?

Sa puso?

Oh joke lang 'yon?

Pero,nang maalala niya muli kong paano iyon i-deliver ni Regine,ramdam niyang totoo ang mga iyon. Ramdam ni Ogie na hindi iyon biro lamang.

Natigil si Ogie sa kakalakad ng may bumunggo sa kaniyang balikat.

"Ogie?"

"Lea?"nanlaki ang mga mata ni Ogie dahil sa nakita niya si Lea

Ito na ang tamang pagkakataon para malaman ang lahat ng sekreto ni Regine. Kaibigan ni Regine si Lea kaya imposibleng wala itong alam sa kalagayan ni Regine.

Hinila ni Ogie sa Lea sa isang sulok na wala masyadong tao.

"Ano ba?"

"I want you to be honest,Lea. Matalik kang kaibigan ni Regine,alam kong alam mo bawat kilos niya,basta tungkol sa buhay niya."natatarantang saad ni Ogie

Napa 'Ano ba ang pinupunto mo?'  na lamang si Lea.

Loving Regine (Love Series #1)Where stories live. Discover now