Chapter 20

206 21 7
                                    

/Loving Regine Chapter Twenty/

MAGHAPONG nakaupo si Regine at patuloy pa rin sa pananaliksik. Kahit papa'no'y may nakalap na naman na siya. Magiging madali na iyon para sa kaniya. Ala y sinco ng hapon ay nagpaalam na siya sa kaibigan niya upang magtungo ng Laguna.

Nang makarating ay naupo muna si Regine. Dala niya rin ang card at ticket na ibinigay ng sobrang anonymous na taong 'yon. Naparito siya upang personal na pasalamatan kung sino man iyon.

Hindi pa kasi sure kung si Yael ba ito.

Gumabi,naghihintay pa rin si Regine dito. Naramdaman niya ang pagtulo ng tubig na mula sa taas. Uulan na naman. Nang masundan ang patak ng ulan na iyon ay nag-atubiling tumayo si Regine, natigil lamang siya ng makita ang matangkad na teddy bear sa kaniya.

Mascot. Ibig sabihin,may tao sa loob nito.

"Miss Villarama, right?"

Naningkit ang mga mata ni Regine. Napaka-pamilyar ng boses niya kay Regine.

Hinablot ng lalakeng naka-mascot ang beywang ni Regine dahilan para mapasubsob ito sa kaniyang dibdib.

"I'm sorry for inviting you here. I don't know na,uulan pala."

Lumalakas lalo ang ulan at nilalamig na si Regine. Naiwan pa naman niya ang jacket niya sa loob ng kotse niya. Nang makaramdam ng awkwardness si Regine ay kumawala siya sa braso ng lalake.

"It's okay. Yael?"

Narinig ni Regine ang pagtawa ng mahina ng lalakeng naka-mascot. Natawa naman ng bahagya si Regine. Natigil lamang siya ng tumunog ang cellphone niya.

Lumayo siya ng kunti sa lalake, siniguro niyang hindi siya mababasa ng ulan at saka nilingon ang caller ID. Napa-awang ang bibig niya ng makitang pangalan ni Yael ang naka flash sa screen.

Ngayon,hindi niya na lamang sinagot ang tawag. Pinatay niya ito at saka nilingon muli ang lalakeng naka mascot.

"Who are you?A stalker?"

"Who do you think am I,Miss Villarama?"tugon ng lalake

Pinaikot na lamang ni Regine ang mga mata ng walang nakuhang matinong sagot sa lalake. I shouldn't ask him.

"By the way,ice cream? Avocado?"

Ito na naman si Regine. Maraming tanong na naman ang naglalaro sa kaniyang isipan. Paano't alam ng lalakeng ito na paborito ni Regine ang abokado?

Mga kaibigan niya lamang at si---Ogie?

"Ah"Regine cleared her throat"It's weird? Malamig na nga e. Ikaw na lang."

"Oh! It's sad. Ayoko ng alone e. That's why I invited you here."sabi ng lalake

"Sorry, pumunta lang talaga ako dito para personal kang pasalamatan."ngumiti si Regine sa lalake"Thank you sa flowers at chocolate. Hindi ko siya kinain actually. Pero na-appreciate ko. Thank you again."

Niyakap ni Regine ang lalakeng naka mascot. Komportable siya sa malaking teddy bear na ito. Masarap sa balat. Kumawala rin agad si Regine sa lalake.

"Sorry ha?Pwede mo ba akong ihatid,ayon ang sasakyan ko oh."tinuro ni Regine ang puting kotse niya.

"Yeah sure."

Sinigurado ng lalake na hindi mababasā si Regine. Ang lalake na rin ang nagbukas ng pinto para kay Regine. Nang makapasok ay ngumiti si Regine sa lalake.

"I really don't want to leave you here. Pero, kailangan ko kasing umuwi ng QC."nalulungkot na sabi ni Regine

"Yeah, it's okay."nag thumbs up pa siya kay Regine"By the way,can I get your number?"

Loving Regine (Love Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora