Chapter 8

220 23 12
                                    

/Loving Regine Chapter Eight/

PAREHONG nasa opisina ni Regine ang kaniyang kaibigan na sina Lea at Dawn. Kanina pa sila dito nag-uusap,at alam niyo ba kung sino ang kanilang pinag-uusapan?

Si Regine.

"Hay! Pakiramdam ko this past few days,nawawalan na ng kulay ang opisina ni Reg."sabi ni Lea at nalungkot pa ito.

"Oo nga e. Nawawalan na rin ng kulay ang kaniyang buhay. Parang may kakaiba na sa kanya." Ang sabi naman ni Dawn

"Pero,sa kabila ng lahat ng iyon. Bilib pa rin ako sa kanya." Nilingon niya si Dawn"Biruin mo gagawin, lahat para lang sa pag ibig. 'Yung kahit nasasaktan na siya parang wala lang sa kanya?."

"Ikaw naman, gano'n naman talaga si Reg e kaya nga lang sumusobra na."

"Ang masakit pa do'n, doktor siya pero sarili niyang sugat 'di niya magamot-gamot. "

"Oo nga e. Kailangan maagapan na agad iyon."

Sa bahay naman ng mag-asawa. Natutulog pa si Regine nang magising si Ogie. Pagkalingon niya dito ay hindi niya naitanggi na maganda ang kanyang asawa.

Napa-iling na lamang ito at agad na umalis ng kama. Inangat niya ang blanket hanggang sa balikat ng kanyang asawa at hinaplos pa ang buhok nito.

"Good Morning,Manang,Chin."bati ni Ogie

"Magandang umaga rin,Hijo. Gising na rin ba si Regine?"tugon ng kasambahay.

"Hindi pa ho, hayaan na muna natin siya roon. Mukhang naks niyang magpahinga muna,tutal wala naman siyang trabaho ngayon hindi ba?"

"Oo nga naman."ang saad ng kasambahay "Sige maupo ka na,ipaghahanda kita ng pagkain."

"Manang,mamaya na ho. Hindi rin naman ho ako magtutungo ng opisina. Sasabayan ko na lang ho ang asawa ko."

Ito ang unang beses na sabihin ito ni Ogie. Saka siya ngumiti.

Ang sarap palang angkinin ang para sa'yo talaga;He thought

Ilang minuto pa ang nakalipas. Nakita na ni Ogie si Regine na naglalakad pababa ng hagdanan.

Hindi namalayan ni Ogie na sinusundan na pala ng mga mata niya ang lakad ng asawa.

Natauhan na lamang siya nang makarinig ng isang tugtog. Saka niya napagtanto na binuksan pala ni Regine ang kanilang lumang vinyl.

~Tuwing ikaw,ay nariyan. Sabay kong nadarama,ang kaba at ligaya~

Sinundan uli ng mga mata ni Ogie ang kanyang asawa habang papalapit ito sa kanya.

Hindi alam ni Ogie kung bakit bawat sunod ng mata niya sa lakad ng asawa ay naaalala niya kung paano maglakad si Regine sa pasilyo tungo sa kanya.

Still the same;He thought

Loving Regine (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon