Chapter 36

70 5 1
                                    


"What the h*ck, Miguel. This is a crime for pete's sake!" Reklamo ni Richard mula sa kabilang linya kaya napairap ako.

"Sinabi ko na sa 'yo, Gabriel can do it if you don't want to do this" pairap kong sabi habang nakaupo sa driver's seat at kausap sina Richard, Colt at Azeri mula sa earpiece na suot ko.

Pinahiram pa 'to saamin ni Gabriel. Eto yung tipo ng earpiece na ginagamit niya as an bodyguard na kahit anong oras pwede mo makausap ang isang tao mula sa device na 'to na hindi mo na kailangan ng load pang tawag.

"And I told you, I just wanted to help, not to be criminal!" Madiin niyang sabi kaya napairap ulit ako.

"No one will sue you" sabi ko.

"Tch. I can't see her" sabi niya ulit. "How about you, Colt and Azeri?" Tanong niya sa dalawa.

"Hindi ko rin siya makita" sabi ni Colt

"Me neither. Nasaan na kaya siya? Malapit na magsimula" sabi naman ni Azeri.

"Ow! Ow! Ow! I see her! I see her!" Biglang sabi ni Richard kaya napaupo naman ako ng maayos bago ako tumingin sa nakasarang bintana ng sasakyan ko at sinilip ko si Colt at Azeri na parehong nakasandal sa isang poste habang si Richard naman ay nakaupo sa isang bench at parareho silang nakasuot ng itim na sumbrero.

"Nasaan? Nasa'n?" Tanong ko naman dahil hindi ko nakikita si Brielle.

Tama. Si Brielle.

Kagabi, simula nung marinig ko mula sa bibig ni Brielle na gusto niya ako, handa na akong harapin ang mga gulong mangyayare kapag gumawa ako ng hakbang na alam kong magkakagulo ang lahat.

At heto na nga 'yon, ako lang din naman ang gagawa ng gulo.

"May mga kasama siya! Putek!" Naiinis na sabi ni Azeri kaya pinagmasdan ko naman silang tatlo mula dito sa loob ng kotse ko.

Bumalik sa pagkakasandal sa posre sina Colt habang si Richard naman ay yumuko at nagkunwareng nagbabasa ng dyaryo.

"The fvck! I'm not even reading this." rinig kong sabi ni Richard kaya bahagya akong natawa dahil mukhang naiinis na siya. "What should we do now, Miguel?" Madiin pero mahina niyang sabi na rinig ko mula sa earpiece na suot ko.

"Sundan niyo papasok" sagot ko kaya sabay-sabay silang tatlo na napalingon sa direksyon ko.

"Ng ganito ang suot? Talaga ba boss?" Sarkastikong sabi ni Colt kaya napairap ako.

"Gawin niyo na lang, tsaka diba sabi niyo nga inabutan kayo ng invitation ni Dave kagabi, oh kaya makakapasok kayo sa loob. Sabihin niyo may ibibigay lang kayo." sabi ko naman kaya narinig ko naman ang nagrereklamong boses ni Richard bago siya nagsalita.

"Tara na. Papasok lang kami sa loob, susundan si Brielle, at kapag wala ng kasama at tao sa paligid saka namin siya kukunin. Let's go" linaw niya sa gagawin nila bago siya tumayo.

Umikot naman sina Colt at Azeri sa poste at agad na napangiwi ako ng sabay-sabay nilang tanggalin ang sumbrero nila bago nila sinuklay ang mahahaba nilang buhok pataas.

"Paniguradong may mga baby girls sa loob kaya dapat pogi tayo" rinig kong sabi ni Azeri kaya naisandal ko na lang ang ulo ko sa upuan.

"G*go ka talaga, si Brielle lang ang tignan niyo. Baka kung saan-saan naman kayo mahila-"

"That's normal. Ganito ba naman kagwapo ang mga mukha namin, sinong hindi papatol" putol ni Richard sa sasabihin ko kaya napairap na la'ng ako. "We're in" sabi niya pa kaya naghintay na lang ulit ako.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now