Chapter 5

139 12 1
                                    


Napakamot naman ako sa ulo ko habang nakasandal dito sa mismong poste nung gate ko at inip na pinagcross ang dalawang braso.

"Number twenty nine, alam mo ako ang napapagod sayo sa ginagawa mong yan" sabi ko at tumayo ng maayos at tinignan si number twenty nine na nakasandal sa maganda niyang motor tch.

"What? Who? Me?" Takang tanong niya ng lingunin niya ako sabay turo pa sa sarlli niya.

"Ayy hindi, ako. Kinakausap ko yung sarili ko" sarkastiko kong sabi at inirapan siya. "Natural ikaw" dagdag ko.

"Ehh... sino ba kasing nagsabi sayo na tumayo ka jan? I can handle, you can go inside now. I'm sorry for disturbing you again" sabi niya at tumingin ulit sa daan.

Oo nga pala, bakit ba ako nandito pa? Tch makapasok na nga lang. Pasarado na ang gate ng bigla akong napahinto at may naisip kaya kumunot naman ang noo ko at nilagay sa ibaba ng baba ko ang kaliwa kong kamay.

Humarap ulit ako sa gate at lumabas ulit at tinawag si number twenty nine.

"Pst woii" tawag ko sakanya at lumingon naman siya at binigyan ako nang nagtatanong na mukha. "Pasok dito, dali" sabi ko at nagpalinga-linga sa paligid.

"Why? I said I'm fine here–"

"Shunga! Nag-iisip ka ba? Nasa harap ka ng bahay ko, ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao kapag may nakakita sayo jan ha? Pasok dali" sabi ko at sinenyasan siyang lumapit saaken.

"Then lalayo na lang ako–"

"Ang kulit mo noh? Pumasok ka na nga at baka may pagala-gala jan na chismosa dalian mo" sabi ko at lumapit na sakanya at hinila siya.

"What about my motorbike?" Tanong niya kaya napahinto ako sa paghila sakanya at lalapitan na sana yung motor niya pero tumingin ako sakanya.

"Ipasok mo sa garahe" sabi ko dahil ayokong mag-iwan ng bakas ng hand print doon tch.

Hindi ko pa nakakalimutan yung pagsabi niya ng filthy sa kotse ko hmpt. Pinasok naman niya sa garahe ang motor niya bago ko isinara ulit ang gate.

"I'm ok here" sabi niya kaya nagkibit balikat naman ako at pumasok na sa loob ng bahay ko.

"Psh. Buti na lang naisip ko yun dahil kung hindi baka may maling balita na naman ang kakalat jusme." Kausap ko sa sarili ko habang papasok ng kusina pero napahinto ulit ako ng may biglang may pumasok na naman sa utak ko.

*Ding Dong*

At nanlaki naman ang mata ko ng marinig yun kaya dali dali akong napatakbo palabas ng bahay para pigilan si number twenty nine na buksan ang gate.

"Wag" pabulong kong sabi habang hawak ang kamay niya na akmang bubuksan ang gate.

"Bakit–" tinakpan ko naman ang bibig niya at dali-daling naglakaf papasok ulit ng bahay.

"Sandali lang ho!" Sigaw ko bago kami makapasok sa bahay ko.

"Hey! What is your problem?" Tanong niya ng maitanggal ko ang kamag ko sa bibig niya.

"Gagi! Delikado tong ginagawa mo sinasabi ko sayo" problemado kong sabi at hinilot-hilot ko ang sintido ko.

"Bakit ba kasi?" Naguguluhang tanong ni number twenty nine na mukhang naiinis na saaken.

"Baka makilala ka ng mga magdedeliver na pupunta dito, malilintikan tayong pareho niyan" sabi ko sabaya lahad ng kamay ko sa harapan niya.

"Bakit takot kang mabalita?" Nang-aasar niyang sabi kaya nailagay ko sa bewang ko ang pareho kong kamay at tinignan siya ng seryoso.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now