Chapter 16

60 6 0
                                    


"Excuse me, excuse me" sabi ko habang naglalakad kami sa hallway papunta sa opisina ng tatay ko.

Tumabi naman sila kaya nilingon ko si Brielle na nakayukong naglalakad at iniiwasan na makita ng ibang tao ang mukha niya, kaya naman napangiti ako ng bahagya at bumalik sakanya para hawakan ang palapulsuhan niya at sabay kaming maglakad.

"Sigurado ka ba talaga dito?" Tanong ko sakanya. "Opss! Dahan-dahan po sa paglalakad" sabi ko ng bigla na lang may umaatras na naglalakad kaya hinarang ko ang katawan ko kay Brielle para hindi siya masagi.

"Sorry po!" Sabi niya habang naglalakad na palayo.

"Para ka namang bodyguard ko" natatawa niyang sabi kaya tumawa ako ng mahina.

"Mukha kasing isang sagi sayo mababasag ka, jusmiyo" sabi ko na ikinatawa niya "So ano nga? Sigurado ka na ba talaga dito? Kung magbago isip mo pwede naman kitang ihatid pauwi ulit" sabi ko at huminto kami sa gilid ng hallway at tinignan ko siya.

Sasama siya saaken sa interview ko ngayon(⁠;⁠ŏ⁠﹏⁠ŏ⁠) at kinakabahan ako ngayon dahil baka bigla na lang may makakita at makakilala sakanya and worst baka magkita sila ni Dave dito.

"Are you really that afraid to be in the headline in news? And get caught?" Kunot noo niyang tanong kaya napatayo ako ng maayos at parehong nilagay ang kamay ko sa bulsa ng black leather jacket ko.

"Ano sa tingin mo?" Nakangisi kong tanong sakanya kaya seryoso niya naman akong tinignan. "Pwede ka naman mag relax sa bahay, walang makakakita sa'yo doon" dagdag ko pa.

Umikot naman ang dalawang mata niya bago tumalikod saaken. "Hoy, saan ka na pupunta?" Nagtatakang tanong ko kaya humarap ulit siya saaken.

"Going back to your house, what else?" Walang buhay niyang sagot kaya natawa ako ng tumalikod ulit siya saaken kaya naman hinawakan ko agad ang braso niya saka tumabi sakanya bago siya inakbayan. "Yah, do you want to die?" Banta niya saaken at tiningala ako ng may masamang tingin saaken kaya natatawa ko namang tinangal ko ang pagkakaakbay ko sakanya.

"As if mapatay mo 'ko. And for your information twenty nine, hindi 'yong makikita ko ang mukha ko sa headline kasama ka ang kinakatakot ko" sabi ko sakanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Psh, sinong niloloko mo? After three days that I've been in your house, it is like we're a couple who need to keep our relationship private from many people and should not get caught. Before I walk out to your house, you're always checking if there's someone hovering around, you always make sure that I'm wearing a mask before I leave that house even you're not there." Mahaba niyang sabi saka umirap kaya napatitig lang ako sakanya at hindi makapaniwalang nagawa niyang masabi lahat ng 'yon na parang hindi man lang huminga.

"Whaa, pwede ka na maging rapper" sabi ko at dahan-dahan at mahinang pumalakpak kaya sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko. "Hahahaha really? Really, Brielle?" Natatawa kong dagdag.

"What? Tama naman ako diba? Sabihin mong hindi?" Taas kilay niyang tanong kaya napailing-iling na lang ako at huminto ulit sa paglalakad at tinignan siya.

"I was doing that for your own safety" malumanay kong sabi at seryosi siyang tinignan sa mga mata niya. "Yes, I'm afraid to be in the news but there's always a solution to a problem but I guess your problem can't be solved that easily, so I always make sure that no one will bother you and at least you can rest properly while staying at my house. That's why." Paliwanag ko sakanya kaya bigla namang lumambot ang mukha niya.

And I was stunned to see that reaction, dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang sungitan ako araw-araw. And yes, I'm also afraid for what her parents and Dave himself and his parents can do to her while she's staying at my house.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now