Chapter 13

75 7 0
                                    


Paghinto na paghinto ng sasakyan sa garahe ng bahay ko agad ko naman kinarga si twenty nine papasok sa bahay at napatigil naman ako saglit ng makita ang mga kaibigan ko dito sa loob at pasigaw na sana ng biglang makita ang karga-karga ko.

"Boss anong nangyare sakanya?"

"Hala napano yan?"

Sabay-sabay nilang sabi at lumapit saamen.

"Nanjan na ba si Jeremy?" Seryoso kong tanong.

"Ahh oo boss, nasa banyo lang" aagot ni Colt kaya tumango ako at dinala si twenty nine sa bakanteng kwarto sa tabi ng kwarto ko at marahan siyang nilapag sa kama.

Si Jeremy ay isa pa sa mga kaibigan ko na doctor at kasama din siya sa basagan ng ulo namen noon, saka tinawagan ko na siya kanina para tignan ang kundisyon ni twenty nine dahil sobrang nag-aalala ako sakanya.

"Tol" tawag saaken ni Jeremy ng makapasok siya kasama ang isang nurse.

"Bakit nagdala ka pa ng nurse?" Nakakunot noo kong tanong at mukhang nahiya pa yung nurse na kasama niya dahil biglang simiksik sa likod niya.

"Hahahahahaha eto? Dinala ko siya kasi cr– aray hahahaha bakit?" Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil mukhang kinurot siya ng nurse niya.

I smell something fishy. Maloko din to si Jeremy pero seryoso at mahigpit na tao at ngayon ko na lang ulit siya nakitang tumatawa sa harap ng babae kaya napangisi ako.

"Mamaya na yan tol, etong pasyente mo muna ang unahin mo" sabi ko at akmang lalapit siya sa tabi ni twenty nine ng pigilan ko ulit siya. "Hindi na pala, wag kang lumapit sakanya" pigil ko sakanya at iseneyas ang kamay ko na lumayo siya.

Kinunutan niya naman ako ng noo at tinignan ng naguguluhan kaya pinanlakihan ko siya ng mata kaya umatras naman siya.

"Ikaw na ang tumingin sakanya, pwede?" Sabi ko sa kasama niyang nurse kaya agad naman siyang tumango saaken at nilapitan si twenty nine.

Kinapa niya naman ang leeg at noo ni twenty nine at tumingin saaken.

"May lagnat po siya at mukhang pagod din ho ang katawan niya at kulang sa pahinga dahil sa pamumutla ng mga labi niya, kaya din ho siya nahimatay." Propesyonal niyang sabi at pinakinggan niya din ang paghinga ni twenty nine gamit ang Sthetoscope.

Maayos naman daw and kondisyon ni twenty nine at sadyang sobrang napagod lang daw ang katawan ni twenty nine at kailangan ng pahinga.

"Salamat" sabi ko sakanya at tinanguan niya naman ako at marahang ngumiti.

Nilapitan ko si twenty nine at inalis ang mga hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya at tinitigan siya ng matagal bago ako lumingon kay Jeremy na may hawak nang cellphone kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Picture" sabi niya kaya kinunutan ko na siya ng noo. "Taga hanga mo 'yang nurse ko kaya sinama ko, kaya kahit hindi ka na magbayad ayos lang basta pumayag kang magpapicture" dagdag niya.

Tinitigan ko siya ng matagal bago ko siya ngitian ng mapang-asar at tumayo.

"Magpapasalamat na ba ako niyan?" Sarkastiko kong sabi bago lumapit doon sa nurse niya at inakbayan at kita ko naman kung paano kumunot ang noo niya na halos magkadikit na. "Nice to meet you, anong pangalan mo?" nakangiti kong sabi sakanya at umiwas naman siya ng tingin saaken.

"Hindi mo na kailangan itanong tch, hala sige picture na dali ng makabalik na kami sa hospital. Storbo ka ehh" inis na sabi ni Jeremy laya tinawanan ko siya at binulungan tong nurse niya.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now