Chapter 17

53 6 0
                                    


Pagkatapos na pagkatapos ng show agad akong naglakad palabas ng lugar na 'yon kaso lang hinarang naman ako ng mga staff para magpa autograph.

"Ahh pasensya na po, may importante lang akong pupuntahan" sabi ko sakanila at pinilit na makaalis sakanila pero mas humaharang lang sila sa dadaanan ko kaya napabuntong hininga ako.

Narinig ko naman na nag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa ng jacket ko at sinagot ang tawag.

"Utol, si Brielle nawawala! Anak ng tinapa naman ohh" rinig kong sabi ni Vanessa mula sa kabilang linya

"Siksikan kasi kanina nung pababa kami tapos paglingon namen wala na siya, nandito kami sa exit baka sakaling makita namen siya" rinig kong sabi naman ni Yvonne sa kabilang linya kaya agad kong binaba ang tawag at naiinis na napapikit.

"Omo! Is that Prince!?" Sigaw ng kung sino kaya sabay-sabay kaming napalingon sakanya at nagpasalamat akong nakita ko siya ngayon.

Sinenyasan niya naman akong umalis na ng magsialisan ang mga staff sa harapan ko kaya nagmadali akong tumakbo papuntang parking lot saka ko inilabas ulit ang phone ko para sana tawagan si Brielle pero bigla na lang may sasakyan na mabilis na lumihis sa harapan ko kaya muntik pa akong masagasaan.

Hindi ko na sana papansinin 'yon dahil nagmamadali ako kaso lang nakita ko ang mukha ng isang lalake mula sa side mirror sa kaliwa ng kotse na nakatingin saaken kaya agad kong sinunod ang instinct ko na parang nandoon si Brielle.

I immediately got into my car and didn't bother to put on my seatbelt and immediately sped off to chase that car.

When I came out of the parking lot, I saw Vanessa outside and I'm sure they saw me pass by, and just less than three minutes they were already following me with their big motorbikes.

Itinuon ko naman ang mga mata ko sa kotseng sinusundan ko at hindi ko mailapit-lapit ang kotse ko sa sasakyan nila dahil masyadong maraming sasakyan ang nakaharang sa daan.

I'm very nervous and all I want now is to find Brielle, because I feel like it's my fault and my responsibility if something bad happens to her.

Well, it's really my fault when something bad happens to her, she lives in my house isn't it?

Sinubukan kong tumapat sa sasakyan nila at tiim bagang akong nakatingin sa daan ng makita ko ang taong nasa loob ng kotseng 'yon.  Mahigpit ko namang hinawakan ang gear level ng kotse ko at mas diniinan pa ang pagkakaapak sa gas pedal para mapantayan ko ang bilis ng kotse kung saan nandoon si Brielle na walang malay.

Napatingin naman ako sa rear mirror ko sa kanan ng marinig ko ang tunog ng sirena ng police at akala ko kotse ang sumusunod saaken, si Yvonne pala ang may gawan.

Right. She's a police officer, I forgot.

"This bullshits" bulong ko at hindi ko hinahayaang mawala sa paningin ko.

Napansin ko naman na medyo maluwag-luwag na ang kalsadang tinatakbuhan ng mga sasakyan namen kaya kinuha ko 'yong pagkakataon para mas bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan na halos mas mabilis pa 'tong takbo ng sasakyan kesa sa takbo kapag nasa karera ako.

Nilagpasan ko ang kotseng sinusundan ko at agad na iniliko sa kaliwa ang manibela para iharang ang kotse ko sa kotse kung nasaan si Brielle.

Agad akong bumaba at sakto namang pagbaba ko ay siyang pagdating ng tatlong police car na nakapalibot din sa sasakyan na 'yon. Lumapit ako sa sasakyan na 'yon ng seryoso ang mukha at agad kong binuksan ang pintuan sa kanan ng backseat at hindi na ako nagulat ng bigla na lang may umatakeng suntok sa mukha ko.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now