Chapter 23

51 5 0
                                    


Kinabukasan, matapos kong maligo dumiretso ako sa baba at hindi na ako nagtaka kung bakit wala pa akong naririnig na ingay dahil mukhang tulog pa silang lahat. Dumirestso ako sa kusina, pero papasok pa lang sana ako ng bigla akong may marinig na nag-uusap kaya hindi ako tumuloy sa pagpasok.

"Are you close with Miguel?" Rinig kong sabi ng pamilyar na boses kaya agad na kumunot ang noo ko.

Sino ang kausap niya? Wala naman aoong narinig na sumagot kaya papasok na sana ako ulit ako ng bigla kong marinig ang boses ni Brielle.

"M-maybe?" Hindi sigurado niyang sagot kaya natigilan ako.

Ava. What is she doing here!?

"Why are you here? With Miggy? Is he your boyfriend?" Maarteng tanong ni Ava kay Brielle kaya mas nagsalubong ang dalawa kong kilay.

At sa hindi malamang dahilan, parang gusto kong manatili dito sa pwesto ko at marinig ang isasagot ni Brielle.

Am I hoping that she would answer yes? Nako po! Malala ka na Miguel!

Bago pa makasagot si Brielle pumasok na ako at umaktong walang narinig.

"Ohh? Gising ka na pala" maang-maangan kong sabi kay Brielle bago ko tinignan si Ava. "What are you doing here?" Kunot noo kong tanong sakanya.

She's Ava, anak ng kinikilala kong tatay ngayon. Ugh! Nakakairita siya actually kaya nga binilin ko na kay papa na 'wag na 'wag papupuntahin 'tong anak niya dito dahil alam kong mambu-bwisit lang siya.

"Of course you're here, am I not allowed to come here?" Nakangiti niyang tanong saaken bago tinignan si Brielle. "Who is she?" Tanong niya ulit sabay turo ng maarte kay Brielle.

"Her?" Tanong ko sakanya bago ko ibinalik ang tingin kay Brielle bago o siya nginitian. "She's none of your business" nakangiti kong sabi kay Ava bago ako lumapit kay Brielle saka ko hinawakan ang kamay niya at hinila siya palabas ng kusina.

"Hey! What was that for? Is she your girlfriend!?" Pasigaw niyang tanong pero hindi ko na siya sinagot pa.

"May sinabi ba siya sa 'yo?" Tanong ko kay Brielle habang nagpapahila pa rin siya saaken papunta sa labas ng bahay.

"Nothing, kadarating niya pa lang" sagot niya kaya huminto ako sandali para tignan siya ng diretso sa mga mata niya. "I'm telling the truth, no need to do that, you're giving me chills" sabi niya bago ako inirapan kaya ngumiti ako.

"Did you eat?" Tanong ko sakanya kaya agad naman siyang umiling.

"I was going to cook a breakfast. What aee we doing here?" Sabi niya.

Sasagot na sana ako ng mapansin kong hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kaya napangiti ako saka ko nakagat ang ibabang labi ko bago ako tumawa.

Kinikilig ako bakit ba!! Nagmumukha talaga akong bakla pagdating sakanya.

"What is happening to you, you look like a gay, smiling, and biting your lips like you're losing your mind" sabi niya pero nakangiti pa rin akong tumingin sakanya.

"'Wag mo akong ikumpara sa iba, I'm not them, I'm yours" banat ko na ikinakunot ng noo niya.

"Ang aga-aga may topak na naman 'yang ulo mo" pairap niyang sabi kaya tumawa ako.

"Sa coffee shop ko tayo magbe-breakfast. Ano ba gusto mo? Ako magluluto para sa 'yo" sabi ko sakanya pero hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. "Ako ba gusto mo?"

"Ohh my god! You're unbelievable" sabi niya bago niya nahilot ang sintido niya kaya tumawa ako ng malakas.

"Hahahaha baka naman kasi gusto mong bitawan ang kamay ko, bibigyan mo ata ako ng heart attack. Kasalan mo kapag nangyare 'yon" sabi ko kaya agad naman siyang napatingin sa kamay namen at agad niyang binitawan ang kamay ko bago tumalikod saka naglakad palayo. "Hoy! Sasama ka saaken!" Tawag ko sakanya.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now