Chapter 43

6 0 0
                                    


"Happy birthday ulit, Kuya" nakangiting bati saakin ni Joseph nang maiabot niya saakin ang letter na ginawa niya.

"Aww thank you, nag-abala pa kayo para dito. Pero salamat" sabi ko sakanila habang nakaupo din ako sa sahig at kaharap ang mga bata.

"Plano po 'to lahat ni Ate Brielle" nakangiting sabi ni Princess kaya ngumiti din ako.

"Kuya, ano mo po siya? Ang ganda ganda niya po"

"Oo nga po"

"Ang bait niya din po! Super!"

"Binisita niya kami dito nung isang araw at maghapon nakipaglaro saamin"

Sunod-sunod nilang sabi kaya napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko si Brielle na nakikipagtawanan sa mga kaibigan ko habang kumakain kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Oyy si kuya, ang lapad ng ngiti habang nakatingin kay ate"

"Yieeeeeeeee!"

Pang-aasar nilang lahat kaya natatawa akong tinignan ulit sila.

"Mga maloko kayo" sabi ko.

"Ano mo nga po siya?" Pangungulit pa nung isa kaya ngumisi ako at bahagyang lumapit sakanila.

"Secret lang natin 'to ha?" Mahinang sabi ko at tumango naman sila. "Siya na kasi ang babaeng gusto kong pakasalan–"

"Awww! Mag-aasawa ka na kuya?"

"Paano na kami?"

"Pababayaan mo na kami?"

"Hindi mo na kami bibisitahin dito?"

Sabi niya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

"Hindi. Hindi ganon" sabi ko bago ko kinandong si Joseph na nasa tabi ko lang. "Gusto niyo si Ate Brielle diba?" Tanong ko at tumango naman sila. "Kapag kinasal kami, edi pareho na kaming pupunta dito at makikipag laro sainyo. Hindi ko kayo pababayaan dito hmm?" Malumanay kong paliwanag sakanila.

"Pero kuya, tinanong din namin si Ate Brielle nung isang araw kung ano ka sakanya," sabi ni Princess kaya napunta sakanya ang tingin ko.

"Ano sabi niya?" Tanong ko.

"That you're my savior" nagulat naman ako ng marinig ang boses ni Brielle mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya.

"Ano po ba ang ibig ninyong sabihin doon, ate?"

"Para kasi siyang superhero saakin, tuwing kailangan ko ng tulong lagi siyang dumarating para tulungan ako" nakangiting kausap sakanya ni Brielle habang umuupo sa tabi ko.

"Tama po kayo! Superhero din po si kuya para saakin" biglang sabi ni Jeeya.

"Bakit?" Malumanay na tanong ni Brielle sakanya.

"Dati po kasi akong pagala-gala sa daan, namamalimos po kasi inabanduna na din po ako ng mga magulang ko. Nasa kalagitnaan na po ako ng kagutuman noon at muntik pa po masagasaan ng mga sasakyan pero dumating po si kuya para sagipin ako. Dinala niya po ako sa isang magarang kainan po at pinakain po ako at pinasuot ng malinis na damit." kwento niya kaya naalala ko ang araw na 'yon. "Naalala ko po noon, para ako po iyong mga cartoon character na nakikita ko noon sa telebisyon na binibihisan ng maraming tao. Inalok niya din po ako na sa bahay niya lang tumira pero nahihiya po at umiyak din po ako noon kasi natakot din po ako kaya dinala ako dito ni kuya at nangako na bibisitahin niya po ako dito araw-araw" sabi niya pa kaya ginulo ko ang buhok niya.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now