Kabanata 15

434 5 0
                                    

Pumikit ako ng mariin nang makita ang isang tangkay ng sunflower na maayos na nakalagay sa armchair ko.

Pang ilang bulaklak ko na ba ito sa Linggong ito? Wala na nga akong paglalagyan ng bulaklak sa kwarto dahil nalagyan ko na naman ang vase na nasa kwarto ko. Hindi ko din naman pwedeng ilagay sa flower vase sa buong bahay dahil hindi lang naman basta-basta bulaklak itong mga natatanggap ko. Galing ito kay Greg. Inalagaan at itinanim itong lahat ni Greg.

Nakangiting kinuha ko ang isang note na nakadikit doon. As usual, the flowers he always gave me, there's always a note in it.

'Smile, my effortlessly beautiful girl.'

Mas napangiti tuloy lalo ako. Hindi ko na din mapigilan ang maramdaman ang pag init ng mga pisngi.

Gregory, you're also an effortlessly overreacting guy. You keep on giving me flowers. I am not a garden.

"Ey! Sana all! Kaya palaging maaga kung pumasok."

Nilingon ko ang kaklase na kakapasok lang sa classroom. Ako ang unang tao dito sa classroom kaya malaya akong ngumiti pero ngayon ay hindi na ako nag iisa. Isa-isa na kasing nagsidatingan ang mga kaklase ko.


"Araw-araw kang nakakatanggap ng bulaklak, a? May bagong admirer ka yata, Beatrice. Katulad din ba ito ng mga tagasagot ng mga activities mo? Anonymous din?"


"Baka swerte yan? Hindi kasi kami nakakaranas ng ganyan. Iba talaga kapag maganda. Kami nito ay mamamatay nalang siguro kami kakasagot sa mga activities at kapag liliban kami ng klase kahit isang araw man lang ay walang sasagot ng mga activities namin."

"Wala ding magbibigay ng bulaklak sa atin. Kahit lemon grass walang mabibigay sa atin."

Nagtawanan sila kaya napatawa na din ako. Kay aga-aga naman, mga classmates, mas natutuwa tuloy ako dahil sa inyo.

"Kung gusto mong makatanggap ng bulaklak edi bumili ka," sagot ng isa sa mga lalaki kong kaklase.

"O 'di kaya ay magtanim ka ng sarili mong bulaklak. Bigyan mo ng bulaklak ang sarili mo kung walang magbibigay sa'yo. Easy!"


"Kapag talaga ako gumanda, Harold, who you ka sa akin. Kahit anong klaseng bulaklak pa ang ibibigay mo sa akin, wala kang mapapala sa akin."

"Hala! Taas ng pangarap mo! Kung kasing-ganda ka lang ni Beatrice, Agatha, baka nga. Pero hindi, e. Bibigyan siguro kita ng bulaklak pero galing sementeryo—"

Nag takbuhan na ang dalawa sa loob ng classroom. Hinahabol na ni Agatha si Harold.

Kung saan-saan na umaabot ang pinag-uusapan. Tungkol lang naman sa bulaklak na bigay sa akin.


"So, who's the new admirer? Ganda talaga ng kaibigan ko."


"Sinasabi ko sa'yo, Beatrice. Ngiti ka ngayon, iyak 'yan sa susunod—"

"Ano ba?" sinamaan ng tingin  ni Ashanta si Aubrielle. "Kapag talaga iiyak 'tong kaibigan natin, ikaw ang sisisihin ko. Isinusumpa mo na, e!"

"E, saan pa ba pupunta 'yan? Sa iyakan din naman."

Bitter naman isang 'to.

Ganu'n palagi ang naririnig ko sa tuwing may bagong natatanggap akong bulaklak. Pare-pareho lang ang mga naririnig ko galing sa mga kaklase at sa mga kaibigan.

Kung alam ba nilang si Greg ang nagpapadala ng mga bulaklak, pareho lang din ba ang reaksyon nila?


"Are you really okay here?"


Innocent Mistakes (High School Romance Series #5)Where stories live. Discover now