Kabanata 10

434 7 0
                                    

"Hindi mo gusto tapos umabot kayo ng one year? Are you even for real, Beatrice Celestiene?"

Hindi ko pinansin ang aking kaibigan. Isang taon na din niya akong tinatanong pero wala akong maisagot sa kanya. Ano naman ang isasagot ko sa kanya? Na noong una ay hindi ko talaga gusto si Jack pero nang makilala ko talaga kung sino siya at kung gaano niya ipinakita na mahal niya talaga ako ay unti-unti na din akong nahuhulog sa kanya?

Hindi ko naman talaga gusto noong una pero natagalan naman kami. Umabot pa nga kami ng isang taon. Ang sinabi ko noong hindi ako mag-bo-boyfriend ay hindi ko na tinotoo.

"You love him. That's the reason. Kung hindi mo talaga siya gusto, e bakit ka pumayag noong sinabi niyang kayo na? Sa mga panahong yun ay pwede ka pang tumanggi, Betz–"

"O? Kung tinanggihan ko siya? Malalaman ko ba ang totoong siya? Mamahalin ko ba siya ng ganito?"


Kunwaring nagsusuka si Ashanta dahil sa sinabi ko kaya hindi na ulit ako nagsalita. Kontra talaga sila ni Aubrielle sa relasyon namin ni Jack pero kapag muntikan na akong mahuli ng kapatid at mga pinsan ay sila din naman mismo ang magsisinungaling para lang hindi ako mapahamak.

Umabot kami ng isang taon na walang alam ang buong pamilya ko na hindi ko sila sinunod na bawal pang mag-boyfriend.

"And what are you doing now, Betane?" She asked and then looked at the paper on my table.

We're here inside the library. Aubrielle was sleeping while Ashanta kept on disturbing me. She can't even give me a peace to write an essay.

"You're doing his essay?"

Bumuntong hininga siya at inis na tinampal ang noo.

"Utusan ka ba niya? Tagagawa ng assignment? O girlfriend? Dahil sa nakikita ko ay ikaw lang naman ang gumagawa lahat para sa kanya. Wake up, Betz. You're being crazy because of that damn love of yours. Stupid love!"

"Hindi siya ang nagsabi na gawin ko ang mga activities niya, Ash. Ako ang may gusto–"

"Kasi kung wala kang gagawin ay baka babagsak yang boyfriend mo! Wala na nga yang ginagawang matino. Puro basketball na lang. Pumapasok lang dito sa paaralan para lang makapaglaro. Jusko! Nag aaral pa ba siya?"

"Student-athlete nga, Ash."

"I don't—"

"Students at the table no. 4, keep quiet. We will drag you out if you keep on talking. You're disturbing the other students."

Naiiling na ibinalik ko ang aking atensyon sa aking ginagawa. Nadadamay talaga ako dahil sa kaingayan ni Ashanta. Mabuti at hindi nakitang natutulog si Aubrielle. Baka palalabasin na talaga kami dito.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat at nang mag-bell ay sabay-sabay na din kaming tatlo pumasok ng classroom.

Dumaan muna kami sa kabilang seksyon bago pumasok sa sarili naming classroom. Hindi ko na kaklase si Jack kaya kailangan ko pang pumunta ss classroom nila para lang ipasa ang assignment niya.

"Cass," tawag ko sa pinsan na nasa labas ng classroom. Nakikipag-usap sa mga kaklase.

"Oh! Hi! Assignment ni Jack?" Tanong niya nang papalapit siya sa amin at nakatingin sa hawak ko.

"Oo, e. Gaya ng dati, Cass, ha? Can you pass it?"

"Oo naman. Maliit na bagay."

Nakangiting ibinigay ko sa kanya ang one whole intermediate na dala ko.

Innocent Mistakes (High School Romance Series #5)Where stories live. Discover now