Kabanata 8

414 7 0
                                    

Hindi ako nagsalita pagkatapos niyang sabihin 'yun. Hindi na din siya nagsalita pa. Parang pinapakiramdaman niya ang buong paligid.

Umayos ako ng upo at tumingala. Ngayon ay kaharap namin ang papalubog na araw. I didn't know if he can clearly see how beautiful the sky right now.

Kung nandito lang si Aubrielle ay baka tuwang-tuwa yun. She likes–loves the skies when it changes its color.

"Palagi ka ba dito?" Hindi ko na napigilan pa ang magtanong.

"Hindi naman. Minsan lang kapag wala akong masyadong ginagawa sa bahay. Dito muna ako nananatili."

He's here without wearing his glasses? Paano kung may masasamang loob na pumunta dito? Paaralan ito pero pagabi na. Baka may mga estudyanteng pumupunta dito sa mga ganitong oras para lang tumambay. Knowing St. Vincent National High School, there's a lot of bad students studying here.

"Why? Pwede namang sa inyong bahay?"

Matagal siya bago nagsalita pero nang magsalita siya ay nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako nagtanong.

"Naalala ko palagi ang Mama ko kapag nasa bahay ako. Kung pwede pa lang na hindi na ako umuwi ay ginawa ko na. Pero hindi ko yun magawa dahil nandu'n ang lahat ng ala-ala ni Mama. Kahit nahihirapan ako, nanatili pa rin ako."

Rinig ko ang lungkot sa boses niya. Sino ba naman ang hindi? Sa lahat na pwedeng mawala, magulang pa talaga.

Nawalan na ako ng ganang magtanong. Baka kung ano pa ang tanong na lumabas sa bibig ko, masaktan ko pa siya.

Dahil pagabi na at nandito kami sa kung saan nakatanim ang maraming puno, rinig na rinig ko tuloy ang mga kuliglig. Kahit ang simoy ng hangin ay lumalamig na din. Hudyat na yata para umuwi.

"Wala ka nang itatanong?" Tanong niya pagkatapos ng kong tumahimik.

Lumunok ako at pinisil-pisil ang magkabilang kamay. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

"That's your personal life so, I guess–"

"But I will answer all your questions. If you want to know more about me," his voice became faint when he uttered his last words.

"Baka hindi mo magustuhan."

"No, it's okay. You're the only person who let me out of my shell, that's why I am going to tell everything to you. If you're curious."

Am I curious? Maybe yes. Simula pa man noong una ko siyang nakita, gusto ko nang malaman kung bakit siya mailap sa lahat. Kung bakit sobrang tahimik niya. Lumala lang noong sinabi ni Lolo ang tungkol sa mga magulang niya.

Siguro isa sa mga dahilan kung bakit ko siya palaging nilalapitan noong summer ay dahil gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya.

"My mother died when I was eight years old. Masakitin naman talaga siya simula noong nagkaisip ako. Mas lumala lang noong nagsimula na kaming nag aral ni Kuya. Kailangan niya kasi kaming buhayin…..Kung alam ko lang na iiwanan niya kami, hindi ko na sana siya hinayaan magtrabaho."

Inangat ko ang kamay sa likuran niya at dahan-dahan yung hinaplos. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil sa hindi ko naman naranasan ang nararanasan niya. At ayaw kong maranasan.


Hindi ko kakayaning mawalan ng magulang. Mas mabuting ako na ang unang mawala kaysa makikita ko silang mawala. I can't handle my pain. Iniisip ko pa lang na may mamamatay na mahal ko sa buhay ay gusto ko na ding mamatay.

Innocent Mistakes (High School Romance Series #5)Where stories live. Discover now