Kabanata 14

420 8 0
                                    

"Are you okay?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Iba na naman ang nakita kong ekspresyon sa mukha niya. Kung kanina na galit na galit siya at parang papatay ngayon naman ay puno ng pag aalala ang mukha niya habang tinitingnan ang kamay ko.

He has this soft side as well as the side that I first saw at him earlier. He was scary when he's angry.

"Shit!"

Nakita niya ang sugat ko sa tuhod kaya nadagdagan ng takot ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

Ngayon ay nagkaroon na ako ng pagkakataong makita ang mga mata niya na walang suot na salamin. Kita ko na ngayon lalo kung gaano kaganda ang mga mata niya.

"Beatrice!"

"Huh?"

Mariin siyang pumikit na parang nagalit na din siya sa akin.

"You're bleeding—"

"Sila din. Tingnan mo nga sila," itinuro ko ang dalawang estudyante na may dugong lumalabas sa kanilang ilong.


"Then, what? Kulang pa nga 'yan sa kanila. Ikaw! Punta tayong ospital."

Bumuntong hininga ako kaya natigilan siya sa kanyang pagkataranta. Napatingin tuloy siya sa mukha ko.


"Ayos lang ako, okay? Tinawag lang naman kita kanina dahil sa parang ayaw mong tigilan ang dalawang 'yan."

"Sinong nagsabing titigilan ko sila?--"

"H-Hindi naman namin sinasadya. Nagkakatuwaan lang naman kami."

Nilingon sila ni Greg kaya natigil ang isa sa pagsasalita.

"Hindi pa ako tapos sa inyong dalawa. Binastos niyo itong si Beatrice."

"Hindi naman sinasadya–"

"Hindi sinasadya?"

Takot na umatras ang dalawa nang tatayo na sana si Greg pero nahawakan ko na ang braso niya kaya hindi na siya nakatayo pa.

"Hindi pa tayo tapos."

"Sorry na!"

Sabay-sabay na ding tumakbo ang dalawa na parang takot na takot sila.

Bakit ngayon ay natatakot sila samantalang kanina ay ang tapang tapang nilang takutin at bastusin ako.


"Hindi ko palalampasin ang pangyayaring ito!" Galit na bulong niya.

"Salamat."

Tumayo ako ng dahan-dahan pagkatapos kong magpasalamat sa kanya. Tinulungan niya ako at hindi ko na tinanggihan ang alok niyang tulong. Kailangan ko na din kasing makatayo.

Hawak niya ang kamay at braso ko ay tuluyan akong nakatayo.

"Salamat ulit."

Inayos ko ang sarili. Hindi na din naman kita ang sugat ko sa tuhod dahil sa lampas tuhod naman ang palda ko kaya hindi na mapapansin nina Lola itong sugat ko. Hindi din naman 'yun malaki. Sapat lang para makaramdam ako ng hapdi.


"How about your wound?"

"Ayos lang. Hindi naman malaki–"

"No!" He held my hand again and looked closely in my eyes.

"Wait here, okay? I'll just get my bag in our classroom. Sabay na tayong lumabas. Bili tayo ng alcohol at bandaid sa labas."

Hindi ko siya sinagot. Wala na din naman akong planong hintayin siya. Sapat nang nagpasalamat ako sa kanya.

Innocent Mistakes (High School Romance Series #5)Where stories live. Discover now