Kabanata 11

385 5 0
                                    

Galit na iniwan ko si Jack sa kung nasaan man siya. Baka kung magtagal pa ako doon ay baka makakasakit lang ako. Si Jack talaga ang sasaktan ko, hindi ko sasaktan yung babae. Kapal naman ng mukha nun.


Nakita ko sina Ashanta at hindi na natuloy ang planong pumunta kami sa photobooth dahil sa nalaman din naman nila kaagad ang nangyari.

"Putcha! Gigilitan ko ng leeg ang lalaking yun!" Galit na sabi ni Ashanta.

"Relax ka lang, Ash. Hindi naman ikaw iyong nasaktan. Maka-react ka diyan?"

Nilingon ako ni Aubrielle at hinawakan ang kamay ko. Pumunta kami dito sa likuran ng paaralan. Sa kung saan maraming mga puno. Palagi naman kami dito kapag gusto naming tumakas sa klase pero ayaw naming umalis ng paaralan.

"Ayos ka lang ba, Betz?"

Umiling ako sabay hawak sa dibdib ko. "Masakit," bulong ko.

Sunod-sunod na nagmura ang mga kaibigan ko kaya kinagat ko ang labi ko. Pinipigilan ang umiyak.

Napapatanong ako sa sarili ko kung saan ako nagkulang. Kung bakit nagawa sa akin ni Jack yun. Hindi naman kami nag aaway. Wala naman kaming problema. Wala akong makitang dahilan kung bakit nagawa niya sa akin yun.

"You can cry, Betane. We won't judge you. Release your pain."

"Hindi na. Hindi na ulit ako iiyak dahil sa lalaki."

"What?! You cried before? Sino? Ba't wala kang sinabi?"

Bakit ko naman sasabihin? I am not stupid to tell them about how I got rejected. I pleaded and still got rejected. The hell! I hate that time!

"Maybe I need to hear his side?" I asked them after a while.

They both groaned at what I said.

"Jusko! Papakinggan mo?"

"Baka nagkamali siya. Wala naman kasing perpekto. Lahat tayo nagkakamali?"

I want to convince them as well as myself. I want to think positively even when the incident keeps on appearing in my mind.

"Ano? Ikaw pa ang nagsasabi niyan? Kay ganda mong babae tapos magpapakatanga ka sa pag ibig? Gagi! Ang pangit kung tingnan."

"Wala akong masabi. Grabe! Kung ako na lang kaya ang pupunta kay Jack. Kakaratehin ko!"

Napatingin ako sa mga kaibigan ko.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking yun. Baka hindi ko mapigilan ang galit ko ay isumbong ko siya sa kuya mo."

"What?! No, Ash–" galit niya akong tinuro kaya napatigil ako.

"No! No! Huwag mo akong masabihan ng ganyan, Betane! Niloko ka nu'ng tao tapos ipagtatanggol mo pa rin?"

"Nagkamali lang yung tao. Hindi pa natin narinig yung side niya."

"Anong side?" Si Aubrielle na naman. "Kahit saan man tingnan, niloko ka niya. God! You're being fool, Betane."

"Bakit ba ipinagtatanggol mo pa 'yung tao? Bakit mo pa papakinggan yung side?"

"Hindi pa kami naghiwalay, Ash."

Dahil sa sinabi ko ay parang gusto na akong saktan ng mga kaibigan ko.

Kung tanga man tingnan ang ginagawa ko ngayon. Siguro tanga nga talaga ako. Kaya kong kalimutan ang lahat na nakita ko kanina. Kaya kong patawarin si Jack. Kayang-kaya ko basta't hindi lang kami maghihiwalay.


Innocent Mistakes (High School Romance Series #5)Where stories live. Discover now