Kabanata 2

1.1K 15 0
                                    

Nilingon ko si Aubrielle nang marinig ang mahina niyang paghikab.

"Tsk," I clicked my tongue while looking at her, which made her look at me.

"The lesson made me sleepy," she explained.

Palagi lang naman. Wala naman siyang gana palagi kapag nagtuturo ang guro. Wala yatang pakialam kung matututo man siya o hindi. Tamad talaga kung mag aral.

"Binomials! Algebra! Makakatulong ba yan sa pang araw-araw nating pamumuhay? Makakatulong ba yan kapag may trabaho na tayo?"

Mas magaling pa yata siya kung mag isip kaysa sa guro namin, e.

"O? Example," nasa amin na ni Ashanta ang kanyang buong atensyon.

"Kapag ipinamana ni Papa sa akin ang lupain namin, anong pagagamitan ko sa binomials? Ang lupa? Ang tubuhan? Ang mga nagtatrabaho?"

Bakit parang galit siya?

"Huwag ka nang mag aral, beh. Mag asawa ka na lang—"

"I am not talking to you!" Aubrielle cut Ashanta in a firm voice.

Kahit na may guro sa harapan ay nag aaway pa din sila. Walang pinipiling oras at lugar ang pagbabangayan nilang dalawa.

"Tama na, okay? Huwag na kayong mag away. Mukha kayong aso at pusa—"

Kinagat ko ang labi ko at napatingin na lamang sa harapan kung nasaan ang guro namin na nagsusulat sa chalkboard. Pareho naman kasi nila akong binato ng masama na tingin. Ngayon ay parang pagtutulungan na yata nila ako. Ayos din. Gusto ko lang naman silang ipatigil sa kanilang sagutan pero napagitnaan nila ako.


"Nakatingin siya sa'yo, Betz," natatawang bulong ni Ashanta. Base sa tono niya ay parang tawang-tawa siya o di kaya ay binibiro niya lang ako.

"Sino?" Gulong gulo kong tanong.

"Si Jack."

Tss! Whatever!

Umiling na lamang ako at tiningnan ang guro na nasa harapan. Kahit tumingin man yan o hindi, wala pa din naman akong pakialam. Puro mga katarantaduhan naman ang pinaggagawa niya.

Isa sa ayaw kong maging kaklase ay yang si Jack. Puro kalokohan lang alam na gawin. Kaya palaging magulo itong loob ng classroom, siya ang pasimuno.

"How about Mysterious guy naman? He's been eyeing you every now and then—"

"Huwag ka ngang maingay diyan, Nikita Ashanta! Nakikinig ako sa leksyon!" Madiin kong bulong sa maingay kong katabi pero mahina lang siyang tumawa kaya problemado ko siyang nilingon.


"Ano ba? Nang-i-istorbo ka naman. Kung ayaw mong makinig, shhh ka lang," bulong ko sa kanya habang nasa bibig ang hintuturo.


Nagtaas siya ng kilay pero hindi na din naman nagsalita pa. Tatahimik din naman pala.

Kilala ko na naman kung sino ang ibig niyang sabihin na mysterious guy. Si Gregory lang naman ang bininyagan niya ng ganu'ng klaseng pangalan. Hindi alam nu'ng tao ay may iba na pala siyang pangalan.

Dahan-dahan kong nilingon si Gregory dahil nga sa gusto kong malaman kung totoo nga ba ang sinabi ni Ashanta. Gusto ko na lang matawa nang makitang nakatingin nga siya sa akin. Subalit nang makita nitong nakatingin ako sa kanya ay agad niyang iniwas ang kanyang tingin at nag ayos ng salamin.

Ayaw ba niyang nakatingin ako sa kanya? Kahit na palagi ko naman siyang naaabutan na nakatingin sa akin pero kapag titingnan ko siya ay iiwas din naman siya ng tingin.

Innocent Mistakes (High School Romance Series #5)Where stories live. Discover now