Kabanata 7

453 11 0
                                    


"Libre mo na," rinig kong bulong ni Aubrielle.

"Wala ka bang baon o kuripot ka lang?"

"May baon ako pero ayaw kong gumastos. Kuripot nga ako, 'di ba?"

"May lahi ka bang Chinese? Ano bang gagawin mo sa pera?"

"Bibili ako ng bagong kaibigan. Ingay mo kasi."


"Loko ka, a!---"

"Perez! Rivera! Kayo na naman?" Madiing tanong ng guro namin.

Nahuli na naman kasing nagbubulungan habang nagtuturo pa ang guro.

Nandito ako sa gitna nilang dalawa kaya rinig ko ang mga bulungan nila, dadamayin pa talaga ako.

"Ano bang pinag-uusapan niyo diyan? Araw-araw na lang ay may mga sarili kayong discussions diyan sa likuran."

"Ikaw kasi," reklamo ni Ashanta.

"Anong ako?," Pabalik na bulong ni Aubrielle. "Ikaw naman ang pasimuno ng usapan na ito."

"Sino bang nagpapalibre?" Tanong ni Ashanta.

"Sino ba sa atin ang recess na ang iniisip kahit nagtuturo pa naman ang guro?"


These two.

"Ano bang gagawin ko sa inyong dalawa–minsan tatlo pa nga kayo. Trio kayo sa mga kalokohan."

Nadamay lang naman ako.


"Ang mga pinsan mo De Guzman ay napapatawag sa opisina dahil sa babae. Lalo na ang kapatid mo, Rivera. Grupo talaga kayo!"

Siniko ako ni Ashanta pero hindi ko siya nilingon. Baka sa akin na naman ibuhos ni Ma'am ang galit niya. Baka buong oras ni Ma'am ngayon ay pagagalitan niya lang kami.

Ito kasing dalawa, recess na ang iniisip kahit na may klase pa. Minsan ay uwian lang ang hinihintay tapos mababagot lang naman sa mga bahay. Estudyante talaga.

"Prepare for a long quiz!"

Marami tuloy ang nagrereklamo at inis na nilingon kaming tatlo. Wala naman akong kinalaman dito. Tahimik nga lang ako kahit na napagitnaan nila ako.

Baka bukas ay lilipat na ako ng upo. Ayaw ko nang mapagitnaan nitong dalawa. Baka araw-araw kaming mapapagalitan.

"Share answer, ha," Aubrielle whispered.

"Si Betane. Siya lang naman ang nakikinig sa ating tatlo."

"Don't cover your paper, Betz, ha. Huwag madamot sa answer."

Tss!

Kailan ba ako naging madamot. Ayaw ko lang naman mahuli ng guro. Baka mapunit lang ang papel ko or worse, ipapatawag si Lola dito. Ayaw kong pagalitan ako. Magdaramdam talaga ako.

"Prepare one-half lengthwise."

Nagkakagulo ang buong klase dahil sa paghahanap ng papel. Pati na din si Aubrielle. May papel naman sa bag niya pero ayaw niyang ilabas. Puro hingi lang naman ang nagagawa niya simula pa man noong grade seven kami hanggang ngayon. Baka hanggang grade ten ay hindi pa din mauubos ang intermediate paper niya.


"Hati na tayo, Beh," si Ashanta pagkatapos ay kumuha ng one whole.

Ngayon ay nagkakasundo na sila. Mamaya magkakasagutan na naman sila. Ganyan naman sila palagi.

The quiz started and the two friends of mine keep on looking on my paper. Magaling naman silang tumingin iyong hindi sila mahuhuli ng guro. Trabaho nila yun, e.

Innocent Mistakes (High School Romance Series #5)Where stories live. Discover now