Villa Majika

238 17 0
                                    

Villa Majika

Ni: Chaotic Violet

Sa pagsapit ng dilim ay nagsisimula palang ang araw ni Vin. Kasama nito ang bestfriend na si Gino. Nakaugalian na nilang magpaligsahan gamit ang kanilang mga motorsiklo.

"Kapag ako ang unang nakabalik dito, iiwan mo na ang mga girlfriends mo." Ani Gino.

"At kapag ako naman ang nanalo, ililibre mo kami sa villa ninyo." Sagot naman ni Vin.

Nagsimula na ang paligsahan ng magkaibigan. Katulad nang inaasahan, nahirapan si Gino na talunin si Vin. Sa bandang huli, si Vin nanaman ang nanalo sa paligsahan.

~

Sumapit ang araw nang pagtungo nila sa Villa Majika. Malaki ang swimming pool at may mga performers na nakakalat sa paligid.

Parang nasa magical world ang pakiramdam ni Vin.

Nagsimula nang lumangoy si Vin.

"Dive! dive! dive!"

Narinig ni Vin ang masayang tinig ng dalawang batang babae. Lumangoy ang binata palapit sa pinanggagalingan ng mga boses na iyon. At nakita nito ang mga batang babae na niyayayang mag-dive ang isang maganda at seksing babae na nasa gilid ng swimming pool, sa tingin ni Vin ay 'ate' ito ng mga bata.

Ang ganda ng babaeng iyon, dalagang-dalaga ang katawan.

Biglang may bumatok kay Vin.

"Pare, kung saan-saan ka nanaman nakatingin, hinahanap ka na ng girlfriend mo." Pang-aasar ng kaibigan nitong si Gino na siyang bumatok sa kanya.

"Gino naman, wala akong syota dito."

"Eh anong tawag mo kay Girlie?"

"Manliligaw ko. Kababaeng tao, naghahabol sa lalaki." Iyon lang ang nasabi ni Vin at lumapit na ito sa babaeng nakita nito kanina.

"Hi miss, sinong kasama mo dito?"

Hindi agad sumagot ang babae. Lumingon pa ito upang malaman kung siya ba talaga ang kinakausap ng binata.

Nginitian lang ni Vin ang tila nagtatakang kausap.

"Mga kaklase ko po. Field trip namin." Tila nag-aalangang sagot ng babae na boses-bata pala.

"Nag-aaral ka pa?" Pagtataka ni Vin.

"Na-extend po kasi ang class namin dahil palaging may bagyo noong June at July last year. Kaya po may klase pa rin po kami kahit summer."

"Can I get your number?" Tanong ni Vin sa babae. Sa tingin ni Vin ay posibleng teacher ang babae. Sa hubog kasi ng katawan ng babae ay hindi ito mukhang estudyante.

"Wala pa po akong celphone kuya."

"Wag ka na masyadong magalang, magkaedad lang naman tayo." Natatawang puna ng binata.

Kumunot ang noo ng babae "Twelve-years-old lang din po kayo?"

Naputol ang kanilang usapan dahil may dumating na babaeng mukhang guro.

"Grade six Faith, it's time for lunch." Anunsyo nito at umahon na ang mga bata mula sa swimming pool, kasama na doon ang batang babaeng kausap ni Vin kanina.

Hindi pa rin makapaniwala si Vin na napagkamalan niyang kaedad niya ang isang twelve-year-old grade six girl.

~

Kinagabihan, naikuwento ni Vin ang kaganapang iyon sa kanyang mga kaibigan.

Tawa lang nang tawa si Gino habang may hawak na barbecue. "Haha Vin haha ang tanga mo pare haha. Judgmental ka masyado haha di ka naman perfect haha. Hindi ba pumasa yung bata sa standards mo para sa nararapat na itsura ng mga ka-edad niya? Bakit mo naman naisip na kaedaran natin ni Girlie yung bata? Nakakatanga pala ang pagiging playboy? Haha."

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon