Once Upon a Summer

209 17 4
                                    

ONCE UPON A SUMMER

Ni: Ash Lee

Nakatingin lang ako sa malalakas na hampas ng alon  habang sinasariwa ko ang mga pinakaimportanteng pangyayare sa buhay ko, kung pano ako natutong  maglakad, magsalita, at higit sa lahat kung pano ako natutong magmahal at mabuhay.

Lahat tayo ay may mga pinaka hindi  makakalimutang ala- ala sa ating buhay.  Mga ala- alang nag iwan ng malaking papel sa mga puso natin.  Hindi  na importante kung masaya man 'yun o malungkot, ang mahalaga nagbigay 'yun sa atin ng  mga aral na alam nating dadalhin natin hanggang sa kahuli hulihan ng ating hininga.

Parang kwento natin, Rain.

Parang ikaw lang at ako.

Parang ako at ikaw.

Every story begins with a  once upon a time but let me begin this story with a  once upon a summer. 

Summer ang pinakamasayang dalawang buwan para sa mga estudyanteng  bugbog- sarado na ang utak sa kakasulat ng assignment, kakasagot ng exam  at kakagawa ng project sa school,   summer ang pinaka perfect moment  para magsaya at maglakwatsa, pero para sakin summer ang buhay ko.

Eto na naman ako sa puntong to, ngingiti, sisimangot, iiyak, tatahimik, at magiisip.  Ano na naman bang ginagawa ko ?  Bakit nga ba nandito na naman ako at sinasaktan ang sarili ko?  Hindi ko din alam.  Ang alam ko lang gusto ko na nandito lang ako,  dahil kahit ganu kasakit ang inihatid nito sakin hindi parin maipagkakailang dito ako unang naging masaya.

Mula rito sa may banda liblib at tahimik  na parte ng beach,  rinig ko na naman ang mga  tawanan ng mga batang  gumagawa ng kastilyong buhangin sa dalampasigan at ang mga hagikhikan ng mga teen ager na nagtatampisaw sa tubig.  Summer na naman, beach na naman, at heto na naman ako at bumabalik sa mga alaalang minsan nating pinagsaluhan.   Mga ala-alang ilang beses ko nang tinapon  pero paulit ulit ko din namang pinupulot.

  Limang taon narin ang nakakalipas simula nang iwan kita sa lugar na 'to,  Rain,   pero hanggang ngayon hinahanap hanap ko  parin ang bawat sandaling magkasama tayo,  ang malarosas na amoy ng buhok mo at  ang pabango mong  amoy cotton candy.

Marami akong gustong sabihin sayo,  Rain at sa sobrang dami hindi ko na alam kung pano magsisimula.  Pano nga ba,  Rain?

Natatandaan ko pa nung una tayong magkita dito mismo sa lugar na 'to sa ilalim ng bilog na buwan at mga bituin.   Kinaladkad ako ni papa papunta rito sa palawan para parusahan  dahil sa gulo at kahihiyang dinala ko sa pamilya nila.   Ayaw nila saken Rain, pero  okay lang kasi mas ayaw ko rin sa kanila. Ang sama sama ng loob ko nang gabing iyon na itinanggi nya sa media na anak nya ako,  kaya naman  naglasing ako at tinangkang  lunurin ang sarili ko  sa ilalim ng dagat,   pero  iniligtas mo ako, Rain.   Nagalit ako sayo nun dahil pinigilan mo ako sa gusto kong mangyare at madaragdagan na naman ang mga walang kwentang araw ko dahil sayo.

Ayokong mabuhay,  Rain.  Pagod na akong mabuhay sa mundong puno ng kasinungalingan. Ayoko sa magulang ko, ayoko sa mga tao sa paligid ko, ayoko sa lahat.   Gusto ko nalang magpahinga, Rain.  'Yun nalang ang gusto ko,  pero pinigilan mo pa ako.  Sobra akong nainis nang ginawa mo 'yun.   Sinigawan kita at  ibinunton ko sayo lahat ng galit ko sa mundo. Umabot pa sa puntong lahat ng mura na alam ko naibato ko na sayo,  pero sa halip na  magalit ka  ay nginitian mo lang ako at sinabi ang mga katagang nagpaputol sa dila ko.  "Alam mo bang crush na crush kita.   Madalas kitang makita sa mga  news at magazine.  Mas gwapo  ka pala sa personal.  Sayang ka, kung  mamamatay ka lang. Kung iniisip mong walang may pakialam sayo,  isipin mo ako, hindi mo ako kilala pero may pakialam ako sayo........  at alam kong madami kami sa paligid mo na hindi mo kilala  pero  nagmamalasakit sayo , kaya chill up! " 

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon