Lucifia Resort

392 36 27
                                    

Lucifia Resort

Ni: Reylin Cervantes Atibo/ Rinoreaniccolifera28 on wattpad


Masaya ang buhay ni Rhea kasama ang pamilya nya, sya ang isang klase ng anak na maaaring maipagmamalaki ng kanyang mga magulang dahil sa angkin nyang galing sa larangan ng paglangoy ngunit ang masayang buhay ppp kanya ng lalapitan na ang gripo para isara ay bigla nalang nagbago ang kulay nito, naging pula na, kulay ng dugo kaya napatakbo sya sa cubicle saan pumasok ang bata. Kinatok nya yun ngunit di sya pinagbuksan. Wala na din ang bata sa loob noon ng silipin nya to.

"R-Rhea bakit mo nagawa sakin yun?!." boses ng isang galit na nilalang mula sa kawalan ang narinig nya kaya nilibot nya ng tingin ang loob ng banyo ngunit wala syang nakita. Lalapit na sana sya ng pinto ng banyo para makalabas na sa malademonyong lugar na yun ng biglang may sumulpot na batang babaeng duguan sa kanyang harapan dahilan para mapaurong na naman sya papaloob.

Galit na galit ito sakanya, pero ilang sandali lang ay nagbago ang mukha nito. Naging isa itong maamong mukha ng bata, nawala na din ang dugo sa ulo nya.

"Tulungan mo ako." inosenteng sambit ng bata habang papalapit na ito ng papalapit kay Rhea ngunit ngayon ay bumabalik na naman sa nakakatakot nyang mukha ang bata.

"TULUNGAN MO AKO!!!!!!!" isang sobrang lakas na sigaw ang nilika ng bata.

"Uy Rhea Gising!" parang nalunod si Rhea nang magbuntong hininga sya ng gisingin sya ng kanyang Mama, panaginip lang pala ang lahat ngunit nanatili sakanya ang takot at kaba.

Nasa isang sikat na resort kami ngayon, ang Lucifia Resort ang may pinakamaganda at malalaking swimming pool dito sa Tagaytay mabuti nga at naaya ko sila Mama dito para magsummer vacation tutal wala naman ng klase.

Matapos ang tanghalian namin ay pumunta na kami sa pool. Naliligo sila Bella at Isaac sa pool ngayon samantalang ako naman ay nakahiga sa poolside recliner habang nakikinig ng mga kanta ni Taylor Swift sa Iphone ko.

"Tulong! tulungan nyo yung bata! Diyos ko po!" sigaw ng isang may edad ng babae.

Dahil gusto kong makatulong sa nalulunod, nakitakbo narin ako at sinundan ko ang babaeng humihingi ng tulong kanina.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang nalulunod ngang bata, papalubog na ang katawan nya pero sigurado akong pamilyar sakin ang suot nyang damit dahil yun mismo ang binigay ko kay Bella.

"Bella! Oh my God!" umiiyak akong tumakbo papalapit sa pool, saka tumalon at lumangoy papalapit kay Bella.

"I got you baby, please wake up!" pakiusap ko sakanya habang inaahon ko sya sa lupa.

Nang mailapag ko na sa poolside ang katawan ni Bella hinawi ko ang buhok nito para sana malapatan ko sya ng pang-unang lunas na CPR kung tawagin ngunit nagulat at nabigla ako sa nakita ko ng nahawi ko na ang mga buhok sa mukha niya, sya yung batang duguan sa panaginip ko, ang ibig sabihin hindi sya si Bella.

Tatayo na sana ako para tumakbo ng bigla nya akong dakmain sa braso at ilang minuto pa ay nasakal na pala nya ang leeg ko dahilan para maghabol ako ng hininga.

"Ate okay ka na po ba?" naiiyak na tanung ng bunso kong kapatid na si Isaac. Tumango nalang ako.

Nang ikwento sakin ni Mama ang nangyari sa akin kahapon hindi ako makapaniwala. Nakita daw ako nila Bella at Isaac na tumayo at naglakad ng nakapikit hanggang sa pool, dahil sa takot nyang mahulog ako sa pool ay tinawag nya si Mama pero pagbalik daw nila ay nasa ilalim na daw ako ng tubig, kaya agad silang humingi ng tulong sa lifeguard para mailigtas ako.

Dahil sa nangyari ay agad din kaming napauwi ng wala sa oras, alam kong di ganon ang nangyari sakin pero di ko nalang sinabi sakanila dahil ayokong magulo din ang isip nila sa mga nangyayari sakin.

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon