Piyesta

182 13 1
                                    

Piyesta

Ni: Althea Dyoza


" Evan, sasama ka? " Tanong ni Rico sa kaibigan. Katatapos lamang ng pagsusulit nila sa paaralan at ang sunod na mga araw ay bakasyon na.


" Saan? " Maikling sagot-tanong nito.


" Sa bario... "


Napabuntong-hininga si Evan. Nag-isip kung sasama ba sa kaibigan o magpapa-iwan na lamang siya sa dorm nila.


" Rico, ilang araw tayo doon? " Pagkuway tanong muli niya. Nagsisimula na itong mag-impake ng damit at mga gamit na dadalhin.


" Mga tatlong linggo lang. Depende kung maging maayos, at masaya tayo du'n mas magtatagal pa... Dalawang buwan naman ang bakasyon 'di ba? Bago ang pasukan nakabalik na tayo... " 


Alanganin si Evan. Gusto niyang sumama pero maraming agam-agam sa kanyang isip. Unang-una ang lugar nina Rico. Bario iyon na napakalayo sa sebelisasyon. Walang signal ang cellphone. Nakaka-panglaw.

Isa pa ang kaalamang wala doong kuryente. Pero sa mga kwento nito at ibinibida sa kanya ay parang napakaganda doon. Lalo na raw tuwing sasapit ang piyesta nang bario. Ipinagmamalaki nito iyon sa kanya.


" Sige na nga! Saglit, magpapa-alam muna ako sa Mama ko... " Sagot ni Evan sa kaibigan paglipas nang ilang sandali na pananahimik. Tumayo ito, at kinuha ang cellphone. 


Napangiti nang lihim si Rico. Masaya siya sa pagpayag na iyon ng kaibigan. May kung anong kislap sa kanyang mata na hindi nakita ni Evan nang tumalikod ito. 


Nu'ng nakaraang taon ay ang dalawa niyang kabarkada ang naisama niya. Ngayon ay ito namang bagong kasama sa kwarto, at kaibigan. Mukhang matutuwa na naman sila!


Saglit pa'y naghanda na rin si Evan ng kanyang mga gamit at nang sumapit ang dilim ay nilisan na nila ang dorm. Magkasabay silang sumakay sa bus.


" Rico, ilang oras ang byahe natin? " Si Evan.


" Pito hanggang walong oras... Makakapag-pahinga pa tayo.. " Nakangiting sagot nang tinanong. Saka inayos ang mga bag na dala.


" Ah, mabuti naman pala... " Tumango na lamang sila sa isa't-isa, at lumabas muli si Evan. Nais niya bumili ng pagkain para sa byahe. Mahabang oras pala sila uupo at matutulog lang. Alas nuebe ang alis ng bus sa terminal.


Mataman namang pinanood ni Rico si Evan sa malayo. Ngayon pa lang ay nagdidiwang na siya sa magaganap. Lalo na kung makikita ito ng kanyang pamilya at iba pa sa bario. 


Nasa ika-tatlong taon na sila sa kolehiyo. Pareho ang kanilang kurso. Transferee si Evan ng nag-daang school year, kaya ngayon lamang sila nagkakilala nito. 


" Mahal ko, malapit na! " Naibulong niya sa sarili at malungkot na napayuko. Lahat gagawin niya para sa pamilya at babaing minamahal.

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon