xliv

6.8K 628 230
                                    

Luhan

Kahit naiinis ako kay Sehun. Kahit galit na galit ako, kahit na hurt na hurt ako sa mga sinabi nya sa akin nun, I'll end up falling in and in back into his trap again. Para akong moth na attracted sa apoy kahit na alam kong masasaktan lang ako. Sehun's lips is the sweetest thing I've ever tasted. Kailan man ay hindi ako magsasawa dito. This is my addiction. He pulled me to deepen the kiss and I just found myself responding to his kisses. Nakakalunod ang sensasyon na yun. Kung panaginip lang 'to, please don't wake me up but then, I remembered what he said that night and the necklace. Pucha.

"THIS should be thrown away. Watch me, Lu Han. You have nothing to hold onto me. Just like that necklace, you mean nothing to me so I can easily throw you away." Fck. Naitulak ko si Sehun, enough para malayo sya sa akin. Nangungusap ang mata nya at muli akong hinawakan but I shove it away. Tuwing naalala ko yun parang dinudurog ang puso ko. Nakakapitingini lang mehn. Hindi ako sinuwerte sa hindi pagsusuot ng baby bra, I want to forget every words but the scars won't heal yet. Ang lalim na nito.

"Luhan," Sehun murmured.

Nanatiling tikom ang bibig ko. Tinulak ko sya at saka lumabas ng restroom. Naiiyak ako. Ang tanga ko kasi hinain na nga ang lechon pero pinili ko ang kanto fried chix but who could blame me? No one. Gusto ko muna makapagisip. Dealing with him, mas mahirap pa sa calculus. Mahal ko sya. Mahal pa rin pero napapagod na kasi ako. Ayaw kong ako nalang yung iintindi lagi. I dunno. Hindi man lang nya tinanong kung ano bang gusto ko. Ano ba, Oh Sehun?

Dumiretso na ako sa exit pero nabunggo ko si Miranda. "Oh, Luhan, okay ka lang? Nakita mo ba si Sehun? Hindi ko kasi sya mahanap eh." I lied by shaking my head. Bakit ko sasabihin? Bitter pa rin ako. Fck. Mahal pa rin ba ni Sehun si Miranda? How lucky she is. That should be me. "Um, can we talk in private?" Sumeryoso ang muka nya. Nangunot naman ang noo ko. Anong gusto nyang pagusapan namin? Mga bra?

Nahihiya ako sa cup size ko.

Sumunod ako sa kanya sa second floor ng clubhouse kung saan may private bar. She sat onto the high stool and ordered a drink. Nakakailang kasi baka maissue pa sya with me. Yuck. Ayoko nga 'no. "Ano nga palang gusto mong pagusapan natin?" Tanong ko saka inabot yung tequila. She smiled pero ang lungkot nun. Kahit naiinis ako parang hindi ko magawang magalit ng todo. Why?

"Alam mo kung bakit ako bumalik? Dahil kay Sehun pero hindi para balikan sya or, whatsoever but for closure." Naguguluhan ako. Pucha. Kaninang umaga lang e, gusto nyang angkinin si Sehun and now, it seems like she's letting him go? "Gusto ko sabihin sa kanya na napatawad ko na sya. Mahal ko si Sehun pero, hindi na katulad ng dati. Natakot ako't umalis nalang. Paano kung naging malakas ako nun at, inintindi sya? Kami pa rin kaya?" She smiled bitterly, "I dunno. It will only stay as a question. You, you're too strong to face a devil. Alam mo, he kissed me for a show." For a show? Uh. Sabi ko na. "He was thinking about you.."

"About me?" I asked.

She nodded, "Oo, knowing na magkapatid kayo, he wants to make it easy for you to forget and move on by hating him. Sehun don't know how to say I love you. Sa tagal ng pinagsamahan namin, he never said it to me not even once." Paano sila nagtagal kung hindi man lang sya sinabihan nito ng salitang yun? "He will only write it down. I got contented for what he could only offer coz I love him pero naging demanding ako sooner. I'm too weak, I gave up easily," She sniffed, "Sehun is too obsessive. Nagselos sya nun and he can't control his anger. He hurt me. Dun natapos ang lahat." Naaawa rin ako kay Miranda. Ang hirap nun.

"..." Hindi ko alam sasabihin ko.

"He loves you."

"Eh?" Dumbfounded.

HunHan [Book 1]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang