iii

13K 756 220
                                    

"What the fck -- LUHAN!"

"One point for me, zero ka." I said.

Napasandal ako sa pinto ng kuwarto nya. I really hate his guts. Stubborn na nga, bato pa ang puso. I seriously don't know what's his problem, lagi nalang mabigat ang aura nya na para bang pinaglihi sya sa sama ng loob. Cold, baka sipunin sya sa kalamigan nyang yan. Mas malamig pa nga ata sya sa bangkay, e. Ewan. Bahala sya sa buhay nya but at the same time, it's making me want to know him more. Digging what he hides or what makes him cold as ice? Bakit ba?

Kinuha ko ang apron at sinuot. I knuckled, thinking of what to cook. Tinignan ko ang laman ng refrigerator. Mag-isa lang sya sa bahay na 'to pero daming laman ng ref ah. Ayaw nya bang tumira sa bahay ng Daddy nya? Dalawa nalang naman sila, why does he needs to buy another house for himself plus, this is quiet big for one person?? Rich people, spending their money is their only problem. I decided to make French Toast.

Shake shake ng butt habang nagbabatil ng itlog and nakikinig sa kanta ng EKSO sa CP ko. Kapag nalaman ni Sehun na nakikinig ako ng kanta nila lalo akong aasarin nun. I seriously love their songs. Napatigil ako sa part ni Sehun at napatingala. Naliligo sya ngayon. Tingini. Green thoughts, go away.

"LUHAN!" Here we go again..

"Monster XXX," bulong ko.

Isinalin ko ang huling toast sa platito bago hinubad ang apron at umakyat sa kuwarto nya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Aba, mahirap na no. Baka kung anong anaconda pa ang makita ko. I sniffed some air. His scent filled the entire room. Ang bango, fuchsia. Sinuot nya ang relo nya. Nanatili lang akong nakatayo.

"Buy me a cake." He said.

"Cake? Birthday mo ba?" I asked.

"None of your business. Just buy me what I need and what I told you to. Oh, and some flowers too." Napangiwi ako. May sinat na nga sya pero heto at manliligaw pa talaga ah. Aba gagu lang. Walang pinipili nga ang kalandian ng hayop na 'to. He snapped his fingers right in my face which brought me back to my senses. "Narinig mo ba sinabi ko? Cake and flowers. Be here in an hour."

Napangiwi ako. An hour? Hindi ba pwede magextend? Computer shop nga pwede. I sighed. "Anong cake?? Chocolate o ube?? How about the flowers? Assorted, parang donut lang o red roses? Peke ba o, tunay? Dine-in or take out? Upgrade na po ba ang drinks? Anything else?" I zipped my mouth when he glared at me, "Atat lang, ganun?! Sino ba bibigyan mo? Isa pa, sinabi ko na may sakit ka. Kapag may nakakita sayong paparazzi-ng nakikipaglandian. Yari ako!"

"Gusto mo ikaw landiin ko?"

"Mukha mo, may kanto."

"One hour, I'll give it to someone special. Baka gabihin tayo kung hindi mo aagahan. Naiintindihan mo?" Someone special? Luh. Mukhang may lalandiin nga ang hayup oh. Isasama pa ako sa kalandian. Inosente ako sa ganun. Tingini. Pero sino nga kaya ano? Si Ji Hyun? Haliparot yun. Ang arte pa nya atsaka walang delikadesa o pakundangan.

"Oo na. Ito na. Aalis na ako. Kitams? Cake and flowers," Inulit-ulit kong sabi habang papalabas na ng kuwarto nya. "Cakes and flowers. Ang sweet ah. Eddie woow! Ikaw na, Sir. Ikaw na ang malandi. Ito korona." Napangiwi nalang ako. Boset. Susunduin ko pa pala si Eomma sa ospital. Today na kasi sya madidischarge. Tatawagan ko si Kyungsoo. Sya na muna bahala sa kanya.

"Wait, nagbreakfast ka na ba?"

Napalingon ako sa pinto, "Nope?"

"Good," Napangiti ako, "Panuorin mo ako kumain. Wash the dishes and you can go." sabi nya saka ako nilagpasan. Naibagsak ko ang balikat ko sa sinabi nya. Akala ko yayayain nya ako magalmusal. Akala ko lang pala yun. Maraming namamatay sa maling akala. Ayoko pa mamatay! Pisti.

HunHan [Book 1]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon