xxx

8.4K 599 181
                                    

"Sehun, you fool!" I murmured, "Mabuti na lang at malaki ang bulge mong lalaki ka at may pambawi ka este -- aish! Kasi naman! Bakit ba atat ako? No, hindi ako atat! I just want some assurance. Wala namang taong gusto masaktan 'di ba? Natatakot lang ako lalo na't ito ang una ko." Napatigil ako dun sa harap ng pintuan habang hawak ko ang silver door knocker. "He's not playing with me so the value of 'I' is still unknown, hay, and. . here I am, lunod na lunod sa kanya."

Hugutin nyo sya sa pagkakabaon..

sa puso ko. Akala nyo kung ano no?

Napasabunot ako sa ulo ko. Kanina lang eh galit ako dahil sa pakikipaglandian nya kay Sora tapos hinalikan lang ako, wala na and then what? Balik na naman. Luhan naman kasi, huwag kang masyadong bumigay sa sweetness nya. Pahirapan mo rin sya para naman maramdaman din nya. Ipinadyak ko ang paa ko. Akala ko yun na. Akala ko sasabihin na nya sa akin pero hindi pala't ito ako ngayon, nganga ako. Binuksan ko ang pinto. Pisti. Nakita ko si Kyungsoo na nagzuzumba sa living room namin.

Kembot to the left and right..

"Kyungsoo, masakit sa mata!"

"Don't talk to me, you traitor!"

Isa pa 'tong problema ko. Nagtatampo pa rin sa akin ang bestfriend ko. "Tsuri na nga 'di ba? Bati na tayo!" Umupo ako sa sofa at sya naman ay patuloy sa pagsasayaw. Litsi. Gusto kong humagalpak ng tawa na ewan. Para syang si Lola ko sumayaw. "Ano bang gusto mong pambawi? At isa pa, anong trip mo ngayon at nagzuzumba ka ng ganitong oras?" Humiga ako dun at pinanuod syang gumigiling. Happy feet talaga 'tong BFF ko.

"Wala! Hindi na maayos pa ang nawasak nating pagkakaibigan! Kausapin mo ang bago mong BFF na kasing kapal ng kalyo ng kapitbahay natin ang eyeliner! I hate you, Luhandi!" Pagdradrama nya na sya namang tinawanan ko. Sensitive 'tong si Kyungsoo pero bibigay din yan. Sasabihin din nya kung anong gusto nya mamaya. I will start counting. One.. two.. three and..

"Sigurado ka ba dyan?"

Ngumisi sya ng nakakaloko, "Gusto ko ng bagong kepkep short. Osya, ang ganda ko. Matutulog na-" Nagulat kaming pareho sa biglang pagpasok ni Taehyung, "Ano ka ba naman, Kim Taehyun! Papatayin mo ba ako ha!? Makukunan ako sayo eh!" Wala naman syang MATRES, paano kaya sya makukunan? Hinimas nya ang tyan nya. "Limang buwan na 'tong anak namin ni Jongin. Magkakababy na kami."

Edi wow, partey na ba? Illusyunada.

"Pitingini mocha, Kyungsoo! Tigil-tigilan mo ako! Drugs pa more! Hilig mo kasing tumira." I rolled my eyes, "Haha. Naalala ko pala yung picture mo nung HS na ang laki ng tyan mo. Sandali nga't hahanapin ko." Natatawang sabi ko't saka tumakbo papunta sa kuwarto. Kinalkal ko lahat sa cabinet pero hindi ko makita. Sa kuwarto kaya nila Eomma? Pumasok ako. I tried to control my steps para hindi sya magising.

"Hoy, ako kaya tinitira. Lel." Bestes.

Ang lende telege ni Happy Feet.

Hanap dito. hanap doon. Tada. Nakita ko rin sya sa wakas. Ang weird pa ng ngiti ni Kyungsoo dito habang nakapiece sign at ang laki pa ng tyan nya. Hindi pa ata sya napupurga nang kuhain ito. Bwahehehe. Aalis na sana ako pero napansin ko ang litrato sa may ilalim ng unan ni Eomma. Parang itim yun. Dahil sa nacurious ako kung ano, hinila ko ito ng dahan-dahan.

Nangunot ang noo ko. Ultrasound?

"Ultrasound ko o ni Ziyu?" I asked myself habang sinusuri ang naturang ultrasound. Teka, may mali. "Pero hindi, ang date dito ay apat na taon palang ako? Impossibleng si Ziyu dahil ang laki ng agwat namin? No. Mom and Dad are expecting a baby when I was four years old? Pero nasaan na sya at bakit wala sya dito?" I don't know what to think. Never nyang nabanggit ito sa amin. Hindi ko na rin maalala dahil bata pa ako.

HunHan [Book 1]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Where stories live. Discover now