xxxiv

6.3K 564 108
                                    

Luhan

"What?!" Nagulat ako sa biglang pagtataas ng boses ni Sehun. Kunot ang noo nya and, he's clenching his fist now, "Are you fcking kidding me!?" Napalingon sya sa akin saka binalingan ang kausap nya. Nakakagigil ah. Ano kaya 'tong pinaguusapan nila't nabitin pa ang yadong na sana. Chos. Bakit ganito nalang ang expression nya? Ibinaba na nya ang tawag. "Lu Xiang is. . the name of your mother?" Why so sudden ang question nya sa pangalan ni Eomma? Nakakagulat kasi.

"Ah? Oo? Bakit?" I answered.

"By any chance, nasa hospital din ba sya nung unang nagkakilala kayo ni Appa?" I was taken aback. Tumango ako. "Anong ginagawa nyo dun??" Walang expression na tanong nya. Napahawak ako bigla sa laylayan ng shirt ko. Nasa hot seat ba ako ngayon? Alam na ba nya? Sasabihin ko na bang binayaran ni Mr. Oh ang hospital bill o, ang pagiging anak ng babaeng minahal ng Appa nya na dahilan ng pagdurusa nya? He really hates this woman for his Mom's sufferings. He took all the blow and blame it to his father and the woman he loves.

I took a deep breath, "Ang totoo-"

"Nagsinungaling ka!?" He asked.

"Hindi naman, ang totoo nyan.. binayaran ng Appa mo ang hospital bill ni Eomma. At nandito ako ngayon para mabayaran yun. I will be your PA for 100 days. Yun ang deal namin.." Pageexplain ko, "Hindi ko sinabi dahil hindi ko alam kung paano sisimulan. Baka kasi-" Napatigil ako nang iangat nya ang kamay nya. Biglang kinabahan ako sa expression nya. "Makinig ka muna, Sehun, hindi pa ako tapos, puhlease oh." I begged him, "Oo, nagsinungaling ako tungkol dun sa resume dahil, nagalala ako sa iisipin mo sa akin lalo siguro kapag nalaman mong-"

"I'm tired." He simply said.

"Magpahinga ka na muna kahit na sandali lang. Meron pa kayong recording mamaya sa Mcountdown. Onga pala, gusto pala ng Appa mo na-" Hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok na sya sa loob ng kuwarto nya. Napatitig nalang ako sa pintuan nya. In a second, ang sweet nya and for another second, ang cold nya. Sino kaya yung tumawag sa kanya at ano bang sinabi nya kay Sehun? Oh Dimunyu , para bang nabuhay na naman sya at sumingaw sa ilalim ng lupa. His fierce eyes, it's back.

A dinner with his Dad, ruined.

"Sehun-ah, magaantay ako ulit sa labas ah. Remember, recording in an hour nalang." I sighed, "Don't be late. You know how strict Mcountdown can be." Para akong tanga na tila kinakausap ang hangin. Pagod nga ba talaga sya? Napasandal ako sa pinto para magisip. "Sehun, naalala mo pa ba? Hindi ba may promise ka sa akin," I bit my lower lips, "Can you keep that promise until 100 days end? Sabi ko sayo, iintindihin kita." I bowed, "Even if you push me away." I said.

Huminga ako ng malalim saka tumayo ng maayos. I inserted my hands inside both of my pocket at saka dumiretso sa may living room. Dahil hapon na at ang init pa, bigla akong nakaramdam ng antok. Pag-gising ko, ang tahimik. Alas-singko na? Hala sya! Chineck ko si Sehun pero wala na sya dun. Tinawagan ko sya but he's not picking it. I dialled Junmyeon's number to confirm his attendance and yes, he's there but why he didn't wake me up? Nagmadali agad ako.

Pagdating ko sa building, tapos na. Hindi ko na rin naabutan si Sehun. "Oy, Luhan! Bakit ngayon ka lang? Matanong ko nga. I wonder kung nagaway kayo ni Sehun," He said which made me crumpled my face in confusion, "Pinapasabi nya kasi na huwag ka munang papasukin." He scratched his head, "Maghanap daw ako ng panibagong PA. I wonder what's wrong with that kid?! Wala kasi sya sa mood ngayong araw eh? Oh sya, kokontakin nalang kita about sa last na sahod mo. Tell me kung meron ka bang ipapareimburse. Kung meron man, total mo na." Tinapik nya ang balikat ko.

HunHan [Book 1]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Where stories live. Discover now