vi

11.1K 689 206
                                    

"A Mammal." Hoseok said.

"A Mammal?! Ano yun?! Nakakain ba yun? Hindi ata namin napagaralan sa math yun. Hahaha!" sabad ni Jackson, "Ako ang tipo ko, simple lang, isang tao." Nagapir sila ni Hoseok, "Ikaw, Namjoon anong tipo mo?" Tanong nya kay Namjoon na tahimik lang sa isang sulok habang nagbabasa ng libro. Yung totoo, matalino naman talaga sya, e, pero hindi nya maiwan ang Kanto Boys I.

"One who wears a converse."

"A. K. Tara kain tayo!" sigaw ni Hoseok.

Nasapo ko ang mukha ko. Matutuyuan ako ng dugo sa boarders ko. Bakit ba kasi ang gagu nilang lahat? "Guys, ang Konyo boys. Nagpapaimpress na naman sa may kanto natin. Tirahin natin! Teritoryo natin yun!" ani ni Suga, "Sandali lang at pakikintabin ko ang gums ko para masilaw sila dito!" I sighed. Pitingini. Shabu pa more! Hayup!

Naglabasan na agad silang lahat. Naiwan lang si Jongin at Kyungsoo. Nagtutupi pa rin sya ng undewear ni Jongin. Alipin ang peg. "Kyungsoo, okay na yan. Kaya ko na. Hindi mo naman kailangang gawin 'to, e. Sa susunod, huwag mo ng susungkitin sa samapayan ah. Akala ko kasi ninanakaw." Pinagpapawisang sabi ni Jongin. Isa pa si Kyunggie. Nagdrudrugs na rin ata, baliw.

"Okay lang, nagprapractice na ako bilang house wife. Ahihi!" I snapped my forehead. Ngumisi nalang si Jongin. Mukhang gusto nya rin naman si Kyungsoo. Masyado lang kasing malandi si Kyunggie kaya hindi sya makabwelo. Kinurot-kurot nya ang pisngi ni Jongin tapos nang makita ako ay agad nyang tinulak. "Luhan, andyan ka na pala? Hahah? A-Akala ko gagabihin ka? Sayang. Saka nalang siguro kami mageexercise ni Jongin. Magpapapawis sana kasi kami, e."

"Lul, landi mo! Si Eomma?" ani ko.

"Natutulog na sa loob." sagot nya.

Papasok na sana ako sa loob para silipin si Eomma pero biglang nagring ang CP ko. Si Junmyeon, tumatawag. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sasagutin ko ba? Sigurado na si Sehun lang naman hahanapin nya. Ewan ko ba kung nasaan ang hayup na yun. Aish. Binulsa ko ulit pero tumawag ulit sya. Fine.

"Hello, Sir Junmyeon?"

"Nasaan si Sehun?!"

"Hindi ko alam," I answered, biting my lips. Paniguradong ako sisisihin nila kapag may nangyaring masama kay Sehun. May sakit sya pero pinabayaan ko. "Iniwan nya ako, e." Argh. Bakit ba hindi ko masabi? Bakit ang kapakanan nya pa rin ang iniisip ko?! Aish. "Hahanapin ko po. Sorry kung hindi ko na sya sinundan." sabi ko. Naibagsak ko ang balikat ko. Boset ka, Sehun. Binaba na nya ang tawag. But, where can I find him?

Tinitigan ko ang CP ko, tatawagan ko ba sya o hindi? I rolled my eyes. Tinawagan ko sya, "Oh? Bakit ka napatawag?" Hala? Lasing ba sya? Delikado kapag nagwala sya. Paano na ang image nya? Ang sakit nito sa ulo talaga. "Huwag mo na akong tatawagan!!" sigaw nya. Sumabay ito sa ingay ng background. Nasa club ba sya?

"Nasaan ka? Pupuntahan kita!"

"Nasa puso mo." I puked. Baduy nito.

The line went dead. Napasabunot ako sa buhok ko. Nasa club sya, I'm positive. Yari na kapag may nakakitang paparazzi. Nasa headline na sya kinabukasan. Saang club? Hindi kaya sa dati nyang pinuntahan nun? Napatakbo ako palabas at pumara ng taxi. Pinuntahan ko yung dating club, hinanap ko sya sa loob. Napansin ko ang lalaking pagewang-gewang habang pababa dun sa hagdan. Nabangga nya ang isang lalaki na tinulak naman sya. Tumakbo ako palapit.

"Nananadya ka ba ha!? Ano?!"

"Paano kung oo, ha?!" Sehun said.

Humarang ako, "Hep hep hurray!!" Inayos ko ang sumbrero ni Sehun at sinuotan sya ng mask. Ang dami ng nakapalibot sa amin at nagsisimula na ang mga bulungan dahil sa nakilala sya ng ilan dun. "Ipapatira kita kay Hulk kapag humirit ka pa." sabi ko dun sa lalaki. Inalalayan ko makatayo si Sehun. Sa sobrang kalasingan nya, hindi na halos sya makatayo ng maayos. "Tingini, Sehun. I-rereimburse ko lahat ng gasto ko ngayon ah! Rereglahin ako sayong lalaki ka. Listi!"

HunHan [Book 1]: Dealing With Oh Sehun [BoyxBoy]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang