Chapter 2

3.7K 148 2
                                    

Xiara's POV

"Now it's time for them to pick five lucky fans in the crowd to play our game!" sabi nung host at nag-ingay na naman lahat ng kababaihan dito sa mall.

"Lord, sana piliin ako ni Kats." Rinig kong bulong ng katabi ko, si Mizzy. Psh. Ang adik nito kay 'Kats'.

"Whatever." Pag-paparinig ko naman kaya sinamaan niya 'ko ng tingin.

Ayaw ko naman kasi talagang pumunta dito. Isinama – I mean, kinaladkad lang ako nina Mizzy, Lily at Cara papunta dito. -.-

Nakita kong bumaba na isa-isa yung members ng banda at nung bumaba na yung Kats ni Mizzy ay agad-agad itong tumakbo palapit kaya naman siya na ang napili.

Last naman yung pinakasikat sa kanilang lima.

Kanina pa 'ko naiirita sa aura niya. May pagka-bad boy kasi na ang cold at ayaw na ayaw ko pa naman sa bad boys.

Pagkababa palang niya ng stage ay nag-sigawan na lahat ng mga kababaihan at halos ipag-pilitan na yung sarili nila sa bad boy na yun. Pero ako? Hindi. Hindi naman kasi ako fan ng mga banda 'no.

Tahimik lang akong nag-mamasid sa paligid, nag-hahanap ng pwede nang exit-an. Siguro itetext ko nalang si Mizzy na sumunod nalang silang tatlo sa KFC. Nakita ko pang napa-tingin siya sa'kin at nag-smirk. Nag-smirk? 'Yang taong yelo na yan nag-smirk?

Napa-iling nalang ako. Kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

Nang tumayo na 'ko ay sakto namang may nag-lahad ng kamay sa harap ko at nakita ko yung bad boy na yun na naka-tingin sa'kin.

Ugh! Kung minamalas ka nga naman talaga, Xiara Kaethe!

Ayaw ko sanang kunin kaso ayoko namang gumawa ng eksena dito. Duh! Ang daming fans baka kuyugin ako. Madami pa 'kong pangarap sa buhay.

Tinanggap ko yung kamay niya at magka-hawak kaming nag-lakad papuntang stage.

Paakyat na kami nang may maalala ako na sinabi ni Mizzy kanina. "Wag kang mag-alala, Xi! Hindi ka naman madadamay kasi for sure walang band member ang kukuha sa'yo. They prefer girls who scream their names and girls who can go crazy for them. Parang ako."

They prefer girls who scream their names and girls who can go crazy for them.

They prefer girls who scream their names and girls who can go crazy for them.

They prefer girls who scream their names and girls who can go crazy for them.

Eh loko pala 'tong lalaking 'to eh! Ni hindi nga ako nag-papakita ng kahit na anong kagustuhan ko sa banda nila tapos ako yung kukunin niya?

Inabutan siya ng isang monoblock chair ng staff at doon ay pinaupo niya 'ko. Pero bago pa man ako tuluyang maka-upo ay may binulong siya sa'kin.

"Hey, I love your shirt."

I looked down to scan my shirt and, fuuu– dge!

It says... I Want The Bassist.

Lagot talaga yang si Mizzy sa'kin mamaya pag-uwi! Ang dami na niyang kasalanan sa'kin ngayong araw na 'to!

"Okay. Mukhang nakapili na ang lahat ng band members natin. So here's the game..."

In-explain na nung host yung gagawin. May mga tao na mag-hahawak ng apple na naka-tali. Paunahan kami kung sinong makakaubos ng apple in 5 minutes. Meron siyang twist. Kailangang nasa likod lang yung kamay at bawal hawakan yung apple. And one more thing, kailangang naka-piring kaming lahat.

I Want The BassistWhere stories live. Discover now