Chapter 10

2.8K 133 3
                                    

Xiara's POV

"Hi Xiara!" bati sa'kin ng iba pang members ng Daydream.

Excused na pala kaming anim sabi ng dean sa lahat ng natitira pa naming classes. Nag-paalam na rin ako kay Mizzy at okay lang naman daw. Di ko nga alam kung bakit kailangang kasama pa 'ko sa lakad nilang lima eh.

Sumakay na yung apat sa kani-kanilang kotse at nag-simula na ding paandarin ni Winter yung kotse niya.

"Winter, bakit ba kailangang kasama ako? Tsaka, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko.

"Pupunta tayo sa studio. Kakausapin lang kami para sa album. Saglit lang naman tayo dun." Sagot niya.

"Eh bakit nga kailangang kasama pa 'ko?" pangungulit ko.

"Ipapakilala kasi kita kay Manager Clar." Tumango nalang ako sa sagot niya.

Palabas pa lang kami ng area nang ma-traffic na agad kami kaya naisipan kong pumikit nalang muna at matulog.

(Studio)

"Babe, Mahal, Baby, gising na." sabi ng isang boses at nakaramdam ako ng marahang pag-tapik sa pisnge ko.

"Hmm..." ungol ko at gumalaw ng onti. Nangangalay na 'ko sa pwesto ko eh.

"Xiara, gising na. Nandito na tayo." At kagaya ng kanina ay nakaramdam na naman ako nang pag-tapik sa pisnge ko.

"Okay, I'm up!" sabi ko at dumilat ng marahan. Nandito na pala kami sa studio nila.

"Ang cute mong matulog, Xiara ko." Sabi niya.

"Anong Xiara mo? Kailan ako naging iyo?" masungit kong sabi.

"Di ka pa sa'kin pero malay mo, soon diba?" sabay kindat niya.

Umirap nalang ako, "Yeah, right. Sabi mo eh."

"Tara na sa loob." Sabi niya at sumunod na lang ako.

People say we shouldn't be together

We're too young to know about forever

But I say, they don't know

What they're (talk, talk) talkin' about

Bored na bored na ko kakahintay dito sa labas ng studio nila. Nag-uusap pa rin sila sa loob. Mag-iisang oras na nga ata sila doon eh. Kaya ito, nag-mumusic nalang ako ng 1D songs.

Magfo-4:30 na. 2:00 kami umalis sa school, 30 minutes lang tulog ko kasi 2:30 kami dumating dito. Tapos 4:30 na nasa loob pa rin sila? Haaay. Di ko tuloy mapigilan na magutom at maantok. Puyat kasi ako ng puyat eh.

Isinandal ko nalang yung ulo ko sa pader sa likod ko at hinayaang dalawin ako ng antok.

Winter's POV

"Hay, grabe. Ang saya! Akalain niyo magkaka-3rd album na agad tayo?" sabi ni Katsumi. Nandito pa rin kami sa loob ng studio at umiinom ng wine kasama si Big Boss. Siya ang may ari ng buong studio. Si Manager naman, umalis na kanina pa dahil may date ata sila nung lalaking kasama niya last time.

Nagpa-inom si Big Boss dahil daw sa success ng first two albums namin at sa bagong album naming na malapit na rin i-launch. Kaya itoo kami ngayon ang daming pinagkukwentuhan.

"Oh. It's almost 9:30 in the evening, I gotta go boys! Mapapagalitan na naman ako ni misis eh." Sabi ni Big Boss.

"Sige ho! Salamat, babye!" kaming apat, umuwi na si JC dahil hinahanap siya ni Mama sa bahay.

"Kayo ba? Wala pa kayong mga uuwian? Girlfriend, wala?" tanong ni Big Boss.

"Si JC at Lester po meron na. Si Katsumi naman at Seth, dating. Ako, single and ready to mingle~!" sabi ko nang bigla akong batukan ni Lester.

"Brad naman, wag mo kaming niloloko!" sabi ni Lester at humarap kay Big Boss.

"May girlfriend na po yan si Winter! Nanjan nga po sa labas eh, hinihintay kami."

"Huy, Winter! Si Xiara nasa labas iniwan mo diba? Pakilala mo na kay Big Boss!" sabi ni Seth.

"Ha? Sinong— Ay shit!" napa-dilat ako at parang nawala lahat ng ininom kong alak sa sistema ko nang maalala ko si Xiara. Napa-takbo ako palabas ng studio para tignan kung nandun pa ba siya. Ugh! Sabi ko pa naman sa kaniya na saglit lang ako tapos ganito naman! Ilang oras kaya siyang nag-hintay?

"Aw, fuck!" napa-mura na naman ako nang makitang wala na si Xiara sa upuan sa labas ng studio.

Saan naman nag-punta yun? Umuwi na kaya yun?

Bumalik muna ako sa loob para magpaalam kay Big Boss at dun sa tatlong natira na aalis na 'ko dahil hahanapin ko si Xiara at um-oo nalang sila.

Dumiretso agad ako sa kotse ko at nag-drive paalis ng studio. Kung 2:30 nandito na kami tapos magte-10:00 na ngayon... Shit! Matagal nga siyang nag-hintay!"

"Xiara. Xiara, answer the phone. I'm sorry." Sabi ko nang hindi siya sumasagot sa tawag ko. Tinawagan ko siya ng paulit-ulit pero wala pa rin kaya si Katsumi na ang tinawagan ko.

"Kats!"

"Oh? May naiwan ka?"

"Hindi. Wala. Hihingiin ko lang sana yung number ng bestfriend ni Xiara? Si Mizzy? Kinuha mo number nun diba?"

"Wag ganyan 'tol! Walang sulutan!"

"Langya! Gago! Di ko susulutin! Tatawagan ko lang. Itatanong ko kung nakauwi na ba si Xiara. Hindi kasi sumasagot sa tawag ko."

"Yiiieee! Nag-aalala na siya!"

"Ano ba Kats! Wag ka nang mang-asar, pwede ba? Isend mo na lang!"

"Oo na! Wag mo susulutin ah! Kundi isusumbong kita kay Xiara!" at tumawa siya ng malakas. Palibhasa lasing eh. -.-

"Oo nga!" at inend call ko na.

Ilang minuto pa ay na-send na sa'kin ni Katsumi kaya tinawagan ko na si Mizzy.

"Hello? Sino 'to?" tanong niya sa kabilang linya.

"Hello. Mizzy?"

"Hala. Oh my God! Tinawagan ako ni Winter! Hala. Bakit?"

"Hmm... tatanong ko sana kung nanjan na si Xiara sa apartment? Nasabi kasi niya na jan daw kayong apat matutulog ngayon?"

"A-ah... Eh... Wala pa nga eh."

"Ay sige, salamat." Inend call ko na.

Saan ba nag-punta yung babaeng yun? Nakatanggap naman ako ng text galing kay Mizzy.

Mizzy:
Nandito na si Xiara. Actually, kanina pa nga eh. Sabi niya wag ko daw sabihin na nandito na siya. Nag-away ata kayo? Wag mo na daw siyang hanapin.

Napa-buntong hininga ako sa text ni Mizzy. Tsk. Galit sa'kin si Xiara.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon