Chapter 23

2.8K 116 14
                                    

Xiara's POV

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad nang buksan ko ang pinto.

Imbis na sumagot ay nag-lakad ito papasok sa unit ko at napaatras naman ako dahil do'n.

"Anong sabing ginagawa mo dito?" pag-uulit ko sa sinabi ko.

Nag-lakad siya papunta sa sala at tinignan pa ang paligid.

"Nice apartment tho." sabi nito. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o inaasar lang talaga niya 'ko kaya hindi ako sumagot.

"Anyway, I just came here para sabihin sa'yo na..." mula sa pag-libot ng mata niya sa apartment ko ay tinitigan niya 'ko, mata sa mata.

"Layuan mo na si Drew."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, sino siya para sabihin sa'kin 'to?

"At sino ka naman para sundin ko?"

Nakita ko ang pag-ngisi niya bago ako sagutin, "Ako lang naman ang first love ni Winter."

"Ex ka na niya, past is past." matapang na sabi ko naman.

"Obviously, I came back for him. I want him back. At hindi ko magagawa yun kung may hampaslupang dukha na katulad mo ang nakaharang sa daan ko."

Nanatili akong tahimik.

"Let me tell you a story..." pagsisimula nito at naupo pa sa sofa.

"Last last night, Winter and I went to a bar. Of course, we had fun. Uminom kami. Uminom kami ng uminom ng uminom. And knowing boys? Nagsasabi sila ng totoo kapag nalalasing sila."

"He told me he's still in love with me pero di ka niya kayang iwan. Naaawa daw siya sa'yo, at bigyan ko daw siya ng konti pang panahon bago ka niya hiwalayan." napatingin na naman siya sa'kin. Marahil ay tinitignan yung expression na ibibigay ko sa bawat sinasabi niya.

"Syempre, I felt happy. Mahal pa pala ako ni Winter eh? So I gave him what he said he wanted. Binigyan ko siya ng time. I told him that I want you out of our lives before our concert tour starts. And that is next week, Wednesday."

"He was so happy that I gave him what he asked then he kissed me." lalong lumaki ang ngisi nito habang nakatingin sakin.

"He kissed me passionately and hung-" I cut her off. Hindi ko na kaya pa. Baka anytime ay umiyak na naman ako at ang nakakahiya ay sa harapan pa niya.

"Stop. Stop these shits and go. Hindi ako naniniwala sa'yo, madaling gumawa ng kwento." naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Well, kung yan ang gusto mong paniwalaan. Basta sinabihan na kita, ayt? One more thing, kung hindi mo siya papakawalan ay isipin mo naman ang mga fans niya, ang career niya, pangarap ni Winter ang lahat ng nakasalalay dito. Pag-isipan mo. Ciao!" paalam nito at lumabas na ng pinto ng unit ko.

Pabagsak ko itong isinara at nilock bago napa-upo sa sahig at naiyak na naman.

Ang hirap hirap na.

Aalis na sila Wednesday next week para sa concert tour nila. Kasama niya si Ashley sa tour na 'yon at hindi malabong bumalik ang mga nararamdaman niya dito. Kung pipigilan ko siya ay malaki ang mawawala sa kaniya... pangarap niya yun eh.

Parang tugtog na nag-paulit ulit sa utak ko yung mga sinabi ni Winter sa'kin dati...

"Music is my life, dito na 'ko lumaki eh. Sa pag-gawa ng music."

"Pangarap ko talagang maging international artist."

"Kahit ano, kaya ko gawin para sa pangarap ko."

I cried harder. Today is Friday, I still have 4 days pero sigurado akong busy na sila sa Tuesday sa pag-eempake ng mga gamit.

Muli kong binuksan ang cellphone ko at bumungad sa'kin ang mga missed calls at messages galing kay Winter.

Pero isang multimedia message mula sa isang unknown number ang nakakuha ng atensyon ko.

In-open ko 'yon at halos matulala nalang ako sa nakikita ko.

It was a video of Winter.

while kissing Ashley.

I Want The BassistWhere stories live. Discover now