Chapter 18

2.5K 123 22
                                    

Xiara's POV

It's Saturday, November 26. Yep, it's Winter's birthday. Wala pa rin siyang kaalam-alam tungkol sa surprise na gagawin ko mamaya. Tinulungan ako ng CM (Cali Mix) sa pag-iisip ng magandang surprise at masasabi ko na todo effort ako doon. Halos magka-sugat sugat na nga kamay ko dahil sa pag-gawa ng surprise na 'yon eh.

Nandito ako ngayon sa TriNoma para bumili ng regalo ko para kay Winter. Kanina pa 'ko paikot-ikot pero wala pa rin akong maisip na iregalo sa kaniya.

Ayaw ko naman siya regaluhan ng relo dahil naman na siya no'n.

Kapag polo shirt naman, hindi ko alam ang size niya.

Kapag sapatos, madami na siya no'n.

Pabango? Di ko alam kung anong pabango ang gamit niya.

Bass? Kulang pa ata allowance ko para sa bass na 'yon.

Totoo nga yung sinabi nila, "Mahirap mag-isip ng regalo kung yung reregaluhan mo kaya naman bumili ng kahit ano."

Nag-tanong na rin ako kanila Mizzy, Cara at Lily kung anong mga hilig ni Winter dahil fan nga sila so syempre mas madami silang alam. Sabi nila bukod sa pagiging bassist ng Daydream, mahilig si Winter mag-skateboard kapag may spare time siya. He loves music so much. He plays basketball. He loves shoes. He idolizes Stephen Curry. At madami pang iba! Sobrang dami kong nalaman tungkol kay Winter kaya naisipan ko na mas kilalanin na din siya mamayang gabi.

Simula kahapon ay hindi pa kami nagka-usap ni Winter. Ewan, di rin siya tumatawag at busy rin kasi kami pareho. Friday kahapon at sabi niya na next week na daw yung launch ng album nila so baka pinatawag sila para pag-usapan yung tungkol doon.

Nag-lalakad lakad lang ako nang mapadaan ako sa isang store na nag-titinda ng skateboards.

Pumasok ako sa loob at nag-tanong sa babae sa counter.

"Hi! Can I just ask kung pwedeng magpa-customize ng skateboard dito?" tanong ko.

Ngumiti naman sa'kin yung babae. "Opo Ma'am. Just give us the details and we'll do it right away."

Isinulat ko yung gusto kong maging design ng mga skateboard na bibilhin ko at umalis muna saglit para kumain. Balikan ko nalang daw after 2-3 hours.

Pumasok ako sa loob ng McDo at umorder. Pagkatapos kong umorder ay nag-hanap na din ako ng bakanteng upuan at doon pumwesto.

Naki-wifi na din ako para mag-online sa twitter at nagulat ako sa dami ng notifications ko. I clicked it and I was shocked.

Paanong nakalimutan ko?!

Birthday ko din ngayon!

Winter's POV

Napa-ugh nalang ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko mula sa bintana ng condo ko na naka-bukas. I looked at the clock, it's 3:09PM already. Hinilot ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit no'n. Hangover!

Kagabi kasi ay sobrang nalasing siguro ako kaya sobrang sakit ng ulo ko. Kahapon kasi namin pinag-usapan ang tungkol sa album launch at nagpa-party si Manager sa amin. Nagpa-party siya kasi daw sila na ng matagal na niyang manliligaw, ilalaunch na ang 3rd album namin at may bago kaming band member. Well, mamaya pa lang namin siya makikilala.

Napa-tingin ako sa cellphone ko at wala ni isang text galing kay Xiara kaya medyo na-badtrip ako. Di manlang ba siya nag-alala para sa'kin? Dalawang araw na kaming di nagkikita at di nagkakausap o text manlang tapos di niya 'ko itetext? Hindi ba niya 'ko namimiss? Ugh, I'm being clingy af. Stop it, Winter.

Pumasok nalang ako sa CR at naligo saglit.

7:00 na nang maisipan kong umalis para pumunta sa studio. Ngayon na nga kasi ipapakilala yung bago naming band member.

Pagka-pasok ko sa loob ng studio ay bumungad na naman sa akin ang isang pang-party na set up. Talaga nga naman! Tomorrow's another day for hangover!

Binuksan ko na ng tuluyan ang ilaw at nagulat ako nang may biglang pumutok na party poppers at nakita ko ang buong management pati na ang Daydream and they aall shouted 'Happy Birthday!'

Napa-face palm nalang ako. How can I forgot that it's my birthday?

Well, Xiara forgot about it too. Ni hindi manlang siya nag-abalang itext ako na birthday ko na pala. Whatever.

"So Winter, ito na ang gift namin sa'yo. Daydream's newest member," napa-tingin naman ako kay Manager na nag-aannounce. "ASHLEY GONZALES!!!"

Napa-tayo ako bigla at sumalubong sa'kin si Ashley na naka-ngiti at bigla nalang akong niyakap at hinalikan sa labi.

"I missed you so much, sweetheart! I came back for you! Surprise! Happy Birthday!" sunod-sunod na sabi nito.

I was too stunned to talk. She's here.

Ilang oras na din ang itinagal naming lahat sa loob ng studio. Lahat halos tulog na dahil sa kalasingan. Even Ashley's asleep beside me. Naka-higa siya sa balikat ko.

Tinignan ko ang cellphone ko na kanina pa ring ng ring.

Xiara calling...

Naiirita lang ako so I decided to turn it off. She's being too clingy. Idegaf.

Xiara's POV

I looked at the clock. 11:45PM na pero wala pa din siya. Nandito ako sa condo unit niya at hinihintay siya para sana sa surprise pero mukhang matatapos ang araw ng birthday namin na hindi siya uuwi at hindi ko siya mababati.

Ilag beses ko siyang tinawagan pero hindi siya sumasagot. Huling tawag ko pa nga ay pinatayan na niya ako ng phone.

Napa-buntong hininga ako at napa-tingin sa mga inihanda ko sa mesa.

May favorite niyang Adobo at Sinigang. Meron ding cake na ako pa mismo ang nag-bake. Carbonara, barbeque at madami pang iba. Lahat, ako ang nag-luto. Oo hindi ako marunong mag-luto pero para dito sa surprise ay nagpaturo ako kanila Mizzy kung paano. Ilang ingredients din ang nasayang ko sa cake dahil laging overcooked, pangit ang pagkakashape o maitatapon ko dahil sa katangahan ko na hindi gumamit ng pot holder. Meron ding mga cut-outs ng Happy Birthday Winter na ako din ang gumawa. Halos gupitin ko na nga pati balat ko dahil jan eh.

I looked at my hands. Puro sugat na 'yon dahil sa paso at cuts pero wala akong pakielam. Para naman kay Winter eh.

Naalala ko yung mga binili kong customized skateboards. Isa sa kaniya at isa sa akin. I used to skate but then something bad happened that's why I stopped.

11:50 nang maisipan kong mag-bukas ng social media accounts ko. I opened my instagram at napa-ngiti nalang ako ng mapait sa bumungad sa feeds ko.

It was Winter with a girl sleeping on his shoulder. I felt a pang of pain in my chest but I just ignored it and still waited for him to come home.

11:57PM na at tingin ko'y hindi na aabot. Wala na talaga. Parang nanlumo naman ako at nasayang lahat ng efforts na nagawa ko. Sayang yung mga pagkain, mapapanis lang.

I took my phone out at tinext si Winter,

Xiara:
Happiest birthday to you (and to me)! Akalain mong sabay pa pala tayong ipinanganak? Meant to be! Haha. Anyways, I hope you enjoyed your day. Ingat sa pag-uwi. Goodnight Winter, happy birthday again. :)

Iniligpit ko na muna lahat ng nasa mesa at iniwan yung skateboard na para sa kaniya sa sofa ng condo niya.

Lumabas na ako ng condo niya at nilock iyon. I looked at the time on my phone 11:59PM. I sighed. I guess this is it? Happy Birthday Xiara Kaethe.

I Want The BassistWhere stories live. Discover now