Chapter 26

3.1K 218 45
                                    

Xiara's POV

Maaga akong nagising para ipaghanda si Winter ng breakfast. Tulog na tulog siya nang bumangon ako. Dahan dahan ko pa ngang inalis yung braso niyang nakayakap sa'kin.

Ang saya ng feeling kasi para kaming mag-asawa na live-in na. Wish ko lang diba? Haha.

Second day na namin ngayon dito sa rest house nila sa Tagaytay at bukas ng gabi ay babalik na kami sa realidad. Sa realidad na magkaiba talaga ang mga mundong ginagalawan namin.

Siya, sa career niya at pagbabanda. Ako, sa pagtatrabaho at pag-aaral... at syempre sa pag-suporta sa kaniya kahit mula lang sa malayo.

Nabalik ako sa katinuan nang may yumakap sa'kin mula sa likod habang nag-didilig ako ng halaman dito sa garden.

"Good morning, babe." bulong nito malapit sa tenga ko at isinubsob ang mukha sa balikat ko.

"Good morning din. Kinain mo na yung breakfast na hinanda ko?" tanong ko sa kaniya at umiling lang siya habang inaamoy ang leeg ko.

"Bakit hindi pa? Tara, kain ka na." ibinaba ko muna yung pandilig at hinawakan yung kamay niya; pagkatapos ay naglakad kami papunta sa dining area.

Pinaupo ko siya sa isang upuan katapat ng hinanda kong breakfast niya.

"Kumain ka na?" tanong nito sa'kin. Tinanguan ko lang siya at tinuloy ang pag-titig sa kaniya habang kumakain. Minememorya ang bawat detalye at hugis ng mukha niya.

"Don't you know that staring is rude, hm babe?" biglang sabi nito kaya nabalik ako sa huwisyo.

"Sorry, cute mo kasi." natatawa kong sabi.

"By the way, tumawag si Katsumi kanina." pag-oopen niya ng bagong topic.

"Ano daw sabi?"

"Kailangan na daw kami bukas ng management para sa preparation ng tour."

"Maaga tayo uuwi?"

"Yep, we'll leave here at 6:30 kasi 12:00 kailangan na kami sa studio. Then bukas baka di na kita makita the whole day pag nahatid na kita sa bahay niyo kasi magiging busy na kami sa pag-pack ng gamit."

So konti nalang yung oras naming dalawa para mag bonding?

"Where do you want to go today?" tanong niya.

Ngumiti ako, hindi abot sa mata. "Can we just stay here and cuddle?" tanong ko.

"Sure, let's..." huminto pa siya bago ituloy habang nag-tataas baba ang kilay. "...cuddle."

"Perv." kumento ko sabay irap. Utak talaga ng lalaking 'to eh.

"Babe, you sure cuddle lang talaga gusto mo?" tanong ni Winter habang naka-yakap sa'kin.

Hinampas ko nga sa braso. Napaka talaga. Haynako!!!

Nag-kwentuhan lang kami at nag-tawanan sa mga kalokohan namin dati. Hanggang sa sumeryoso siya.

"I'll be gone for a year because of the tour... will you be fine?"

Tumango ako at umayos ng pwesto para makita ko yung mukha niya.

"I will be fine."

Ilang saglit na namang katahimikan.

"Will you wait for me?"

Natahimik kami pareho sa tanong niya. Will I wait for him?

"1 year lang yun, ano ka ba. Hanggat kaya ko, maghihintay ako." then I smiled at him, a sad one.

I Want The BassistWhere stories live. Discover now