Chapter 7

3.2K 134 2
                                    

Xiara's POV

"Class Dismissed." Sabi ng prof na sana ay ikatutuwa ko dahil uwian na, pero hindi.

"Hi Xiara!"

"Xiara can we be friends?"

"Xiara, kayo na ba talaga ni Winter?"

"Xiara, pakibigay naman kay Winter nito oh?"

"Xiara, pakisabi naman kay Winter na fan na fan niya 'ko."

Yan agad ang narinig ko nang makaalis ang prof namin. Shemay. Ito na naman sila.

"Tara na Xi?" aya sa'kin ni Mizzy. Geez! Thank you Mitz! Ililibre kita ng Ice Cream mamaya!

"Uh... uwi na 'ko guys. Ingat kayo. Bukas ko nalang kayo i-eentertain ah? Bye!"

Nag-frown yung iba tapos yung iba umirap. Psh. Kanina lang ang babait nila sa'kin ah? Anyare?

"Grabe! Celebrity ka na, Xi! Pa-autograph nga?" pag-bibiro ni Mizzy sa'kin.

"Tumigil ka nga!" at nag-tawanan kami.

"Iba talaga pag may ka-close kang artista. Pinaplastik ka ng lahat." Sabi ni Mizzy at umirap. Totoo naman yung sinabi niya eh. Hays.

"Ay, oo nga pala Xi! May utang ka pang kwento sa'min nila Cara at Lily ah!" pag-papaalala niya.

"Eh? Wala nga kasing dapat ikwento!" inis na sabi ko nang maalala ko yung nangyari kahapon.

"Basta may ikukwento ka. Hindi ka makakatakas sa'ming tatlo." Sabi nalang niya at nag-lakad na kami palabas ng gate.

Tatawid na kami para dumaan muna saglit sa Mini Stop dahil bibili kami ng pagkain mamaya sa Movie Marathon namin. Dun na naman silang tatlo sa apartment tatambay. Ewan ko ba sa mga yan, ayaw na magsi-uwi sa mga bahay nila.

Nagkukwentuhan kami ni Mizzy nang biglang may tumawag sa mga pangalan naming kaya napalingon kami at mula sa kinatatayuan namin ay nakita naming sila Katsumi at Winter.

Lumapit na si Mizzy kay Katsumi habang ako naka-cross arms lang kaya si Winter na ang lumapit sa'kin. Hah! Anong akala niya? Siya pa lalapitan ko? NO.

"Tatakasan mo na naman ako." Sabi niya nang maka-lapit sa'kin.

"Anong tatakasan? Uuwi naman na kami ni Mizzy ah? Tsaka sa pagkakaalala ko wala naman tayong pag-uusapan ngayon. Saan kita tatakasan?" tanong ko.

"Tss. Diba nga ihahatid-sundo na kita simula ngayon?" sabay irap niya. Kanina pa 'to eh! Bakla ba 'to?

"Sorry naman ah? Di kasi importanteng bagay kaya nakalimutan ko- Aray ah!" tinignan ko siya ng masama dahil sa ginawa niya. Pitikin ba naman ako sa ilong?

"Hmm... Xi? Sabay nalang ako kay Katsumi ah? Ikaw, gusto mo sumabay ka na rin sa'min?" tanong ni Mizzy.

Bago pa man ako makasagot ay si Winter na ang sumagot para sa'kin, "No, sa'kin siya sasabay."

"Hmm... Okay!" sabi nalang ni Mizzy at pumasok na sa kotse nung Katsumi.

"Tara na." sabi ni Winter at hinatak ako papunta sa kotse niya.

Nang pareho na kaming nasa loob ay nag-salita siya.

"Pwede ka rin naman palang sumama sa'kin nang hindi tayo nag-babangayan eh."

"Ikaw lang naman dahilan ba't tayo nag-babangayan eh. Nga pala, may kasalanan ka pa sa'kin." Sabi ko sa kaniya.

Napa-kunot naman yung noo niya at napa-tingin siya sa'kin, "And what is that?"

"Kaninang lunch hindi ako nakakain dahil sa mga fangirls mo. Napaka-wild, jusko!" pag-rereklamo ko.

"Oh... sorry nga pala kaninang lunch kung hindi kita nasabayan. Pinatawag kasi kami ng dean eh." Tumango nalang ako. Pakielam ko naman kung pinatawag siya ng dean?

Nakauwi naman ako ng maayos at buo sa apartment ko. Sabi ni Winter, susunduin daw niya ulit ako bukas kaya wag na daw akong mag-tangkang tumakas. -.-

Pumasok na 'ko sa loob ng apartment at wala paring tao sa loob. Nasaan naman kaya nag-punta yung tatlong yun?

Nag-bihis na muna ako ng pambahay at nilabas yung journal ko pati ang ballpen.

Well, di naman talaga siya yung journal. More like, a bucket list. Dito ko nilalagay yung mga bagay na gusto kong gawin kasama ang isang tao o ang mga kaibigan ko. Ilang minuto din ay naka-isip na ako ng pwede kong isulat, My Future Boyfriend's To Do List.

 Bring her Pizza and Ice Cream when she get mad, sad or stressed.

Di ko alam, favorite ko lang kasi talaga yung Pizza at Ice Cream. Kailangan ko talaga yun pag stressed na 'ko or naiinis. Yun lang ang nakakapag-pakalma sa'kin.

 Stay awake til' dawn and talk about random things with her.

Tingin ko sweet yun kung mag-uusap kami ng boyfriend ko hanggang midnight. Tapos di na naming mamamalayan yung oras sa dami naming pinag-uusapan.

 Play with her under the rain.

Dati kasi sila mommy at daddy, hindi nila ako pinapayagang maligo sa ulan at mag-laro nung bata ako. Magkakasakit daw kasi ako at ayaw nilang mangyari yun.

 Be there for her always.

I want someone whom I can trust and will always be here for me kahit na anong mangyari. Kahit na anong magawa ko. At kahit na minsan beastmode ako.

 Bring her to the most beautiful places.

I took tourism because of this reason. I want to travel the world and see the most beautiful places pero syempre, sabi nga nila, mas masayang mag-libot pag may kasama.

 Bring her to her favorite artist/band's concert.

Siguradong sobrang saya kung makakasama ko yung boyfriend ko sa isang concert. Lalo na kung ayaw niya dun sa artist/band pero sasamahan parin niya 'ko kasi ako yun. Gusto ko yun. At sinusuportahan niya 'ko sa gusto ko.

 Go inside a horror house with her and hold her hand til' both of you got out.

Takot ako sa mga nasa loob ng horror house kaya never ko pang na-try na pumasok. And I want to try it, soon.

 Mess with her lip stick, not with her mascara.

 Be the best boyfriend ever.

 Be her every 'best'.

Napa-ngiti nalang ako habang isinasara yung notebook ko. Sana siya na.

I Want The BassistWhere stories live. Discover now