Chapter 14

3K 132 7
                                    

Winter's POV

Nakarating din kami ni Xiara sa KFC. Dito namin napiling kumain sa MOA. Pa-gabi na kasi at magandang manuod ng sunset sa sea side.

"B... Kadiri talaga. Ugh. Bahala na! Baby boy ko, pwede mag-take out nalang tayo? Dun nalang natin sa sea side kainin mamaya?" sabi ni Xiara. Medyo may binulong pa siya pero hindi ko naman narinig.

Deal naming yun ngayon, tatawagin niya 'ko sa endearment niya sa'kin ngayong araw. Ayaw pa nga niya nung una pero napa-payag ko na rin naman siya.

"Sige, ano bang gusto mo?" tanong ko, naka-pila na kasi kami.

"Snack box nalang tapos Krushers and... Fries." Tumango naman ako at hinapit siya sa bewang para mas malapit siya sa'kin.

"Huy, grabe ka naman maka-lingkis jan. Ang higpit!" bulong niya.

"Eh baka mamaya may humila sa'yo jan tapos pakasalan ka bigla. Wala na 'kong pakakasalan pag nagkataon." Sabi ko at narinig ko na naman yung mahihina niyang tawa.

"Loko ka! Kung anu-ano na namang sinasabi mo. Baka nga ikaw pa ang hilain jan eh. Ikaw kaya yung sikat sa'ting dalawa. Di ka kasi nag-disguise manlang. Psh." Sabi niya.

"Bakit naman ako mag-didisguise? Maitatago yung kapogian ko kapag ginawa ko yun." Sabay pogi sign ko pa.

"Pfft. Mukha kang jeje." At tumawa na naman siya.

"Ehem!" napa-lingon kami dun sa counter. Kami na pala ang oorder.

"Good afternoon Sir, order po nila?"

Xiara's POV

"Good afternoon Sir, order po nila?" tanong nung malanding cashier kay Winter.

Hindi ako nang-jujudge. I'm just stating the fact. Kitang kita na kasi ang cleavage niya mula sa suot niyang uniform at naka-todo liyad pa siya dun sa counter.

"Snack box, fries and mango krushers. 2 of each please." Sabi ni Winter at nag-wink pa sa'kin. Isa rin 'tong malandi eh.

"For dine in, Sir?" aba, kanina pa 'to sir ng sir ah? Hello! Nandito kaya ako!

"Take out." Pag-singit ko na pero inirapan lang ako nung cashier at humarap na naman kay Winter.

"Sir?" Tss. Inaasar ako ng babaeng 'to ah!

"Excuse me, Miss. Kakasabi ko lang na take out diba?" singit ko na naman.

"Ano ba? Si sir yung kausap ko, hindi ikaw! Mamaya ka nalang umorder! Bwisit!" binulong niya yung huling word pero narinig ko pa rin kaya lalong nag-init yung ulo ko.

"Call your manager." Sabi ko.

"Sino ka naman para utusan ako?" sabi naman nung cashier.

"Ako lang naman yung girlfriend ng lalaking nilalandi mo! Flirt!" sigaw ko.

"Ako? Flirt? Hoy-" naputol yung pag-sigaw niya nang may dumating na lalaki na may 'Manager' na pin.

"Ano pong problema dito?" tanong ng Manager nila.

"Eh ayan kasing cashier niyo. Pinagsasalitaan ako. Umoorder kami ng maayos ng boyfriend ko tapos ganyan na siya maka-asta! And may I also add na nilalandi niya ang boyfriend ko!" pag-sasabi ko sa Manager.

"Huy, babe. Chill lang. Ang init ng ulo mo." Bulong ni Winter sa'kin. Tss. Wala akong pake, isa ring malandi 'to eh!

"Sir... Sir, hindi po. H-hindi po totoo yun, wag kayong maniwala sa kaniya." Sabi nung babae. Tss. Sinungaling!

"Liar! Let's check the CCTV camera! What now, huh?" pag-hahamon ko sa kaniya.

"Let's check it. Let's go to my office." Sabi ng Manager at sinundan namin siya sa loob ng office niya.

"Huy Xiara! Babe! Teka lang, ang bilis mo mag-lakad!" habol sa'kin ni Winter nang maka-labas na kami ng KFC. Ginawa nang libre ng Manager lahat ng binili namin ni Winter dahil nakakahiya daw yung ginawa nung flirt na 'yon. And as for her, fired na siya sa trabaho. Maaawa pa sana ako pero nalaman kong pang-ilang ulit nang ginawa ng babae 'yon kaya hindi na rin ako tumutol.

"Babe! Babe naman eh!" sabi niya at nahatak na niya yung braso ko.

"Bakit hindi na maipinta yang mukha mo babe?" tanong niya.

"Eh kasi naman! Naiinis ako sa'yo! Ang landi landi mo rin! Alam mo na ngang nilalandi ka na, nag-palandi ka naman! Grrr!" inis na sabi ko at inikuyom yung kamay ko.

Unti-unting bumaba yung hawak ni Winter sa braso ko papunta sa kamay kong naka-kuyom at inalis niya ang pagkaka-sara no'n. Inilahad niya yung kamay niya at ipinatong yung kamay ko doon sabay pinag intertwine niya. Shit.

"Ang cute mo kasing mag-selos. Nakita ko na naman yung isang side mo. Selosa ka pala. Hahahahaha." Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Selos ka jan? Nakakain ba yun? Tss. Ewan ko sa'yo. Bahala ka." Sabi ko.

"Tara na, may sunset na oh!" at hinila na niya 'ko palapit sa sea side.

Nakayakap lang yung kaliwa niyang braso sa bewang ko habang sinusubuan ko nalang siya ng fries at pinaiinom ng Krushers.

"Wow! Ang ganda!" sabi ko nang makita ko na ang papalubog na araw.

"Oo nga eh." Sabi ni Winter pero nang humarap ako sa kaniya ay nakita kong sa'kin siya naka-tingin at hindi sa araw kaya tinulak ko siya ng mahina sa mukha.

"Aray ko ah! Grabe, siguro pag ikinasal na tayo under ako sa'yo?"

Binatukan ko naman siya, "Loko! Dami mong alam! Paasa ka masyado!"

Winter's POV

Hininto ko na yung kotse sa tapat ng apartment building ni Xiara. Naka-tulog na siya habang nasa biyahe. Napagod ata.

Tinignan ko siya habang natutulog. Di ko maisip na dadating yung araw na masasaktan ko siya at alam kong kaiinisan niya 'ko ng sobra.

"I'm sorry..." sabi ko nalang habang tulog siya.

Ilang minuto pa ay naisipan ko nang gisingin si Xiara. Mag-eeleven na kasi.

"Xiara, wake up. Nandito na tayo sa apartment mo. Wake up, babe." Marahan kong tinapik yung pisnge niya.

"Babe..." tawag ko ulit sa kaniya pero hinampas lang niya paalis yung kamay ko sa pisnge niya.

"Beeeyyybbb!!!" tawag ko ulit at pinisil yung cheeks niya.

"Aww!" react niya at unti-unting dumilat.

"Ang sakit, Winter!" sabi niya.

"Haha. Sorry, babe. Ayaw mo kasing gumising eh." Sabi ko at nag-peace sign pa sa kaniya.

"Tsk. Sorry naman diba? Nakakaantok yung byahe eh." Lumabas na 'ko ng kotse ko at lumipat sa side niya para pagbuksan siya ng pinto.

Hinatid ko siya hanggang sa tapat ng elevator at nag-paalam na rin.

"Sige na, umakyat ka na. Uuwi na rin ako. I had fun." Sabi ko ng naka-ngiti.

"Sige. Ingat ka pauwi. Wag na kung saan-saan pumunta." Sabi niya at nag-paalam na rin. Tatalikod na sana ako nang hatakin niya yung kamay ko at ipaharap ako sa kaniya. Nagulat ako nang halikan niya yung kanang pisnge ko sabay sabing...

"Thank you for today. I had fun too. Happy 2nd Weeksary, baby boy!" nag-smile lang siya at tumakbo na papasok ng elevator.

Nestatwa ako sa kinatatayuan ko habang naka-tingin lang sa elevator na pinasukan niya. Shit. I'm not falling right? I can't.

Xiara's POV

Napatili ako ng mahina pagka-sara ko ng pinto ng apartment ko. Nagulat nalang ako nang makita ang nag-kalat na wrapper ng chips, tin cans at tissues sa sala. Nandito yung tatlo.

Nag-bihis na 'ko ng pambahay at humiga na sa kama.

Omg. Anong ginawa ko? Bakit ko siya kiniss sa cheeks? Am I falling? Pero... maaga pa! 2 weeks palang kaming magkakilala at pretend lang naman lahat ng 'to. De javu.

I Want The BassistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon