Chapter 23

40.9K 409 84
                                    


Author's Note:

Kung meron man sa inyo na nagbabasa ng comments sa comment section, I suggest na huwag dahil hindi tutugma ang mga nasa comment section sa bawat chapter na meron dito. Revised version po kasi ito, meaning madami akong binago. :) 

  ❤  

Chapter 23

Umupo kami sa malaking round table doon. Si Ashley at Nicole ang umorder ng mga pagkain at inumin namin. Habang nasa may counter sila Ashley ay pinaulanan naman ako ng mga tanong noong mga natira.

"So, kailan ka nagising sa katotohanan na kailangan mo ng mag-ayos muli, ha?" nakangiting tanong ni Eunice sa akin.

Nagkibit-balikat ako at ngumisi, "I dunno. Maybe two days after the break up?" natatawa kong sagot. Bigla silang natahimik at nakarinig pa ako ng may tumikhim. Nakatingin sila sa akin na para bang inoobserbahan nila ako. Tinaasan ko sila ng kilay, "What?!"

"Really, Cinds? Makapagsalita ka tungkol sa break up niyo ni Dylan parang wala lang sa'yo. Okay ka lang ba?" may bahid ng pag-aalala ang tono nang pagsasalita ni Steffi. Nakatitig sila sa akin na para bang isa akong ticking bomb na sasabog na lang bigla-bigla. Pinatong ko ang mga siko ko sa table at pinagsiklop ang aking mga kamay at pinatong ko ang baba ko doon. Tinitigan ko sila at ngumiti. Isang matamis na ngiti.

"Of course I am fine. Perfectly fine." kibit-balikat kong sagot.

"Sigurado ka ba?" -Janelle. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at humalukipkip habang tumatango. Bumalik na sila Ashley at umupo.

"What's with the atmosphere?" agad na tanong ni Nicole pagkaupo niya.

"Nothing." walang-gana kong sagot pero knowing Nicole, alam kong hindi 'yan maniniwala sa akin. Tinignan niya sila Steffi at tinaasan ng kilay. Bumuntong-hininga sila at sinabi ang naging usapan namin kanina. As expected, agad akong tinignan ni Nicole habang nakataas ang kilay. Binigyan ko siya ng isang 'what-did-I-do' look.

"Really?" I rolled my eyes and snorted. I heard her tsked, "Ang plastik mo." I glowered at her.

"Alin ang plastik doon? Hindi ba pwedeng maging masaya kahit recently lang nakipagbreak sa boyfriend? Two months passed by already and I'm done grieving for the love that I lost. Masaya ako at hindi iyon kaplastikan, Nicole." medyo iritable kong sabi. Hindi ko maitago ang pagka-irita ko dahil sa sinabi niya. Oo, alam ko sa sarili ko na hindi pa ako masaya at kasinungalingan lang ang sinabi ko pero hindi ko iyon sasabihin sa kanila. Ayokong maging si 'Cindy' noon na nakasandal sa mga tao sa paligid niya, ayokong isipin nila na mahina pa rin ako at ayokong kaawaan ulit nila ako. Ang nasa harapan nila ngayon ay ang bagong 'Cindy' na matapang, hindi na dedepende pa sa ibang tao at walang inu-urungan.

Nagkibit-balikat si Nicole sa akin at parang wala lang sa kanya ang iritableng tono ng pananalita ko. Iniba agad ni Ashley ang usapan namin dahil namumuo nanaman ang tensyon sa pagitan namin ni Nicole.

Pagkatapos naming magkwentuhan at tumambay sa SB ay nagshopping naman kami. Natunaw rin naman agad ang tensyon sa amin ni Nicole. Nag-sorry naman siya sa sinabi niya at nag-sorry din ako dahil minasama ko iyong sinabi niya.

Ilang oras pa kaming naglakad sa loob noong mall. Napagdesisyunan naming magpahinga dahil naramdaman na namin ang sakit ng paa. Tumigil kami sa Coffeeteria.

"I'll just go to the washroom." Paalam ko sa kanila pagkalapag ko ng mga paper bags at ng shoulder bag sa upuan ko. Tumango naman sila.

"Okay, gusto mong kami na ang um-order para sa'yo?" tanong ni Nicole sa akin.

"Yes please. Thank you."

"No problem."

Kinuha ko ang mini make-up kit ko sa aking bag bago tumalikod at naglakad papuntang c.r. May nakasalubong pa akong iilang babae na galing sa c.r noong papasok ako. Dumiretso ako sa dulong cubicle at ginawa ang dapat kong gawin. Nakarinig ako ng pagbukas at sara noong pintuan pagka-flush ko ng inidoro. Lumabas ako at naglakad papuntang sink para magretouch.

Pag-angat ko nang tingin ay nagkatinginan kami noong babaeng nasa sink, naglilipstick. We made an eye to eye contact. Nanlaki ang mga mata ko.

Nadine!

Shit. I am still not yet ready to face her! Gusto kong tumalikod at magmadaling umalis pero hindi ko gagawin iyon. It would only make me look weak and I don't want that. Nakatitig pa rin siya sa akin, siguro ay hindi niya ako mamukhaan agad. So, I composed myself and pulled a confident and stoic expression. Napagdesisyunan kong harapin ito dahil nandito na rin naman kami at hindi ko dapat palampasin ito. Pumwesto ako sa katabing sink kung nasan siya. Hindi pa rin niya tinatanggal ang kanyang tingin sa akin. Napangiti ako ng patago.

That's right. Keep staring. Titigan mo lang ang babaeng sisira sa masayang buhay mo ngayon.

"Have we met before?" tanong niya sa akin. Natigil ako sa paghuhugas ng kamay. Kumuha ako ng tissue sa gilid at nagpunas ng kamay at itinapon iyon sa basurahan na nasa ibaba lang. Humarap ako sa kanya at humalukipkip.

"Long time no see, Nadine." Nakangisi kong sabi. It took her a moment to realize who she was talking to. Nanlaki ang mga mata niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"C-Cindy?!" gulat na gulat talaga siya na para bang nakakita siya ng multo. Nakakatawa. Lumaki ang ngisi ko.

"Who else?!"

"W-wha... how.." hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa. Nakakatawa kasi talaga siya. Nakita kong na-offend siya sa ginawa kong pagtawa.

"Anong nakakatawa?!"

"Ikaw. Nakakatawa ka."

"Ano?!" humakbang siya papalapit sa akin at sasampalin sana ako pero nahuli ko agad ang kamay niya. Hinawakan ko iyon ng mahigpit. Nanlaking muli ang kanyang mga mata dahil sa ginawa ko. For sure hindi niya ine-expect na gagawin ko iyon.

"Kung ako sa iyo, hindi ko na uli tatangkaing gawin ito. Hindi na ako Cindy'ng kilala mo, Nadine. Hindi na ako ang babaeng mahina at tumatakbo na lang basta basta. Tandaan mong ang Cindy'ng nasa harapan mo ngayon ay ang babaeng matapang at walang inuurungan kaya mag-iingat ka sa mga kilos mo dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Binawi niya ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak. She snorted.

"Wow. Nagbago lang ang itsura mo, nagmamatapang ka na. Ano nga bang dahilan bakit bigla na lang nagbago ang itsura mo?" ngumisi siya, "Ah! Alam ko na. Ginawa mo yan dahil iniisip mo na babalikan ka ni Dylan? Tama ba ako?" humalakhak siya. Kinuyom ko ang kamao ko.

"Well, guess what, Nerd?! Kahit ano pang gawin mo sa sarili mo, kahit magparetoke ka pa para maging kamuka ni Sandara Park or ni Megan Fox hinding hindi ka na babalikan ni Dylan dahil akin na siya! Akin lang!"

Parang may sumuntok sa puso ko. Oo, nasaktan ako sa sinabi niya pero hinding hindi ko ipapakita iyon sa kanya. Umiling ako.

"Grabe. Nakakaawa ka, Nadine. Kung makapagsalita ka parang isang bagay lang si Dylan para angkinin mo nang ganyan at hindi ko makuha kung saan mo nakukuha ang kapal ng mukha para magsalita na parang akala mo ikaw ang original na girlfriend when in fact nakisabit ka lang naman sa relasyon namin." Umiling ako. "Ganyan nga siguro talaga ang mga kabit, makakapal ang mukha."

"Anong sabi mo!?" umamba nanaman siyang sasampalin ako pero inunahan ko na siya. Malakas ko siyang sinampal. Sa lakas nun ay namanhid ang kamay ko. Tinignan ko ang kamay kong namumula.

"Sa sobrang kapal ng mukha mo, namanhid ang kamay ko. Next time, reregaluhan kita ng liha." Hindi siya nakaimik dahil gulat pa rin siya sa nangyari. Kinuha ko ang pouch ko na nasa sink. Hindi na ako mag-aayos. Nawalan na ako ng gana. Bago ako umalis ay muli kong hinarap si Nadine.

"Don't worry, honey. Iyong iyo na si Dylan, saksak mo pa sa baga mo wala akong pake. You don't have to feel threatened because of me. Pakasaya ka lang habang nandyan pa." I blow a kiss and winked at her before leaving the washroom. Pagkalabas ay nawala agad ang ngiti sa labi ko at may luhang tumulo mula sa isa kong mata na agad ko namang pinahid.



Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now