Chapter 19

43.5K 442 21
                                    

Chapter 19

Matapos ang gabing iyon ay natapos ang recollection na maraming activities na ginawa, maraming pinarealize sa amin na sobrang nagpaiyak sa amin. Nakakaloka nga e. Tinawanan pa ako ni Dylan dahil mugtong-mugto ang mata ko. Inirapan ko lang siya pero agad niya akong niyakap at hinalikan niya ang mga talukap ng mata ko.

Noong umuwi na kami ay agad kong sinabi kala Mommy ang tungkol sa amin ni Dylan. Masaya sila para sa akin syempre at suportado nila ang relasyon naming dalawa. Although, napapansin ko ang pag-aalala ni Mommy para sa akin, siguro ay natatakot lang siya na masaktan ako pero sinabi ko naman sa kanya na okay lang ako at masaya ako.

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Lumipas na din ang pasko at bagong taon. Iyon na ata ang pinakamasayang pasko at bagong taon sa buong buhay ko dahil nakasama ko si Dylan. Hindi man buong araw pero sapat na 'yon. Pagkagising ko nga no'ng umaga nang Christmas ay nagulat ako noong lumabas ako nang kwarto, may Carnation Pink na flowers, malaking Ferrero Rocher at card na nakalapag sa sahig. Napangiti ako at kinuha iyon tapos ay binasa ang card. Naaalala ko pa nga ang nakasulat doon.

Good morning, My Destiny! Merry Christmas, baby. See you later. Fetch you at 9am, okay? I love you.

Kahit may pagkakorni siya minsan ay hindi ko mapigilang kiligin at ngumiti. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'yon kahit na minsan masungit.

Merong isang pagkakataon no'ng January, nag-away kami dahil nakipag-away siya nang hindi ko alam noong lumabas silang magbabarkada. Nasa mall pa naman kami no'n. Sinabihan ko na siya na huwag na siyang makikipag-away pero hindi siya nakinig sa akin. Ang dahilan niya, pino-provoke daw kasi sila noong tatlong lalaki kaya hindi sila nakapagpigil. Doon ako mas nagalit. Ang mga lalaki talaga, maangasan lang sila sa isang lalaki, suntukan agad. 

Sa sobrang inis ko, iniwan ko siya doon at umuwi akong mag-isa. Tawag siya nang tawag sa akin no'ng gabi pero tiniis ko siya hanggang sa mag-umaga. Pagkagising ko ay nasa labas siya nang kwarto ko, nakanguso at may dalang Chocolate Lava Cake at sour tapes na binili niya pa sa Candy Corner. Napangiti agad ako at natunaw na agad ang galit ko sa ginawa niya. Nabanggit ko kasi sa kanya na nagke-crave ako sa Chocolate Lava Cake at sour tapes kaya hindi ko in-expect na bibilhan niya ako no'n as peace offering. Syempre, pinatawad ko na din naman siya.

Madami pang nangyari sa loob nang apat na buwan namin as couples. Syempre hindi mawawala 'yong tampuhan at away pero nagkakaayos din naman kami agad.

Ngayon ay February na. Maglilimang buwan na kaming dalawa sa 14, bukas at mas magiging espesyal iyon dahil JS Prom din namin sa araw na iyon. Sinakto ng school sa Valentine's Day ang prom para mas romantic daw. Nakakaloka ang reason nila. Hindi ba nila alam na maraming nagfa-fireworks tuwing V.Day? Nakakaloka talaga.

Ngayon ay naghahanda na kami para sa prom bukas. Oo, bukas na. Hanggang hapon lang ang practice namin at pupunta na kami agad nila Nicole sa boutique nila Janelle para kunin ang pinatahi naming gown. Actually, sila ang gumawa ng gown ko. Hindi nga nila hinayaan na makita ko ang gown, ang tanging sinabi lang nila ay pula ang kulay no'n. Syempre agad akong nag-rant dahil ayoko ng pula. Una, masyadong matingkad. Pangalawa, hindi 'yon babagay sa akin!

"Trust us, bagay 'yon sa'yo tsaka kulay pa nga lang ang sinasabi namin hindi pa 'yong itsura no'ng gown mo." napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi nilang iyon sa akin.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now