Chapter 10

50.9K 700 62
                                    

Chapter 10

Steffany's POV

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya ng hindi siya tinitignan. Nandito ako sa may gymnasium, nagbabasa ng libro. Pampalipas oras lang dahil maaga kaming dinismiss dahil may meeting ang mga teaches. Naghiwa-hiwalay kaming barkada dahil may kanya-kanya din silang kailangang gawin.

"Paano mo nalamang nandito ako?" hindi ko pa rin tinitignan ang taong kanina pa ako pinapanood. Naiirita ako sa presensya niya pa lang kaya hindi ko siya tinitignan.

"Hindi mo na kailangang tanungin sa akin kung paano ko nalamang nandiyan ka. Anong kailangan mo, Timothy Perez?" lumabas siya ng tuluyan sa pinagtataguan niya at nilapitan ako. Tumayos siya sa may gilid ko, hindi masyadong malayo sa kinauupuan ko.

"Nakita mo ba si Dylan? Bakit mag-isa ka lang? Nasan ang barkada mo?" padabog kong sinara ang libro at tinignan siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mukha ba akong hanapan ng nawawala? At ano bang pakialam mo kung mag-isa lang ako?" hindi ko maiwasang hindi magtaray dahil talagang naiirita ako sa kanya at sa presensya niya. Mula no'ng nakita namin sila sa cafeteria, hindi ko na talaga siya feel.

"Bakit ang taray mo? Nagtatanong naman ako ng maayos ah! Nagbabakasakali lang naman ako na baka nakita mo sila." bakas ko ang inis sa boses niya. Tumayo ako at isinukbit ang shoulder bag ko sa balikat ko.

"Mukha bang nakita ko sila? At kung makita ko man sila, hindi ko sasabihin sa'yo. Tabi nga!" hinawi ko siya para makaalis na ako kaso hinigit niya ako sa braso. Tinignan ko siya ng masama, "problema mo?"

"Ikaw, anong problema mo? Bakit ba galit na galit ka sa akin? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah!" hinawi ko ang kamay niya at hinarap siya.

"Naiinis kasi ako sa presensya mo at sa pagmumukha mo kaya pwede? Huwag kang magpapakita sa harapan ko, naaalibadbaran ako sa'yo e." tumalikod na ako. Narinig ko siyang suminghap pero hindi ko pinansin, umalis na ako. Hay kainis!

**

Nicole's POV

Naglalakad ako sa loob ng cafeteria at may hinahanap. Kikitain ko kasi ang bago kong boyfriend. Captain siya ng soccer team ng school. Super hot at pogi niya. Ano nga bang name niya? Wait... ah! Brandon! Oo, Brandon ang name niya.

Nakangiti ako habang naglalakad. Nagulat ako no'ng biglang may humigit sa braso ko at hinarap ako. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko kung sino ang hampas lupang humigit sa akin.

"Nicole." kumunot ang noo ko. Problema nito? Kita ko ang gulo ng buhok niya, ang unti-unting paglitaw ng eyebags niya at ang depressed na mukha niya. Ano bang nangyayari dito?

"Oh bakit? Problema mo?"

"I hate you." halos pabulong niyang sambit. Ano daw? Hate niya ako? Ha! Ngumisi ako sa kanya.

"Don't worry, the feeling is mutual." aalisin ko na sana ang braso ko sa pagkakahawak niya kaso bigla niyang hinigpitan ang hawak niya, nagpumiglas ako, "ano ba! Bitaw nga!"

"Why are you doing this to me?"

"Ano bang problema mo!? Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako!" piglas ko. Alam kong gumagawa nanaman kami ng eksena dito pero wala akong pakialam. Ang sakit na nang hawak niya sa braso ko.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Naiinis ako sa'yo dahil hindi ka mawala sa isip ko!" sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko at natahimik ang mga tao sa cafeteria. What the fuck?

"W-what?!"

Bumuntong-hininga siya, "after that night, hindi ka na nawala sa isip ko. Damn, Nicole! What the hell did you do to me?!" frustration is visible all over his face.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now