Chapter 3

65.1K 807 79
                                    

Chapter 3

"Una na ako ha? May klase pa kasi ako." sabi niya. Tumango ako. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad paalis. Nakatitig lang ako sa likod niya. Nalagay ko yung kamay ko sa may dibdib ko at pinakiramdaman ang puso kong malakas pa ding kumakabog. At naramdaman ko nanamang nag-iinit ang mukha ko.

"Huy!"

"Ay kabayo!" napatalon ako dahil sa biglang pagsulpot ng mukha ni Nicole, "Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong ko.

"Ako dapat ang magtatanong niyan, anong ginagawa mo dyan? Tapos na ang klase, bakit ngayon ka lang nakabalik?" tumaas ang isang kilay nya. Napatingin ako sa mga kaklase kong naglalabasan na.

"Ha? Ah ano kasi.. ano..." pinaglaruan ko ang laylayan ng damit ko. Paano ko ba sasabihin sa kanila ang nangyari?

"Ano ano ano? Puro ka ano. Hala siya, eto na ang gamit mo tara na sa cafeteria." sabi niya at iniabot sa akin ang bag ko tapos ay sinuot ko na 'yon. Lumabas na din ang mga kaibigan ko pero pinigilan ko sila.

"Ah, guys, wait lang." sabi ko. Tumigil naman sila at tumingin sa akin. Hindi muna ako nagsalita hanggang sa nakaalis na lahat ng kaklase namin. Sumilip ako sa loob ng classroom. Humarap ako sa kanila.

"Huy, Cinds ano na?"-Steffi.

"Ano.. samahan niyo ko." Nakakahiya!

Kumunot yung noo nila, "Samahan? Saan ba?" huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Sa C.R." mahina kong sambit.

"Ano namang gagawin mo sa c.r?"-Ashley

"Basta!"

"Oh sige, halika na." at pumunta nga kami ng C.R. Diretso ako sa cubicle. Hindi ako tumae. Naihi lang ako. Nung natapos ako naghugas ako ng kamay, sila naman hinihintay ako at nakatingin sa akin.

"Sabihin mo nga sa amin, may nangyari ba?"-Nicole. Pinatay ko yung gripo at itinapat sa hand dryer yung kamay ko.

"Huy! Uso magsalita." Kalabit ni Steffi sa akin. Umiling ako.

"Wala namang nangyari e." pagsisinungaling ko.

"Wala? Eh nung nakita ka namin sa tapat ng classroom, namumula ka at nakangiti ka." Humalukipkip si Nicole habang nakatingin sa akin. Bumintong-hining ako. No choice. Humarap ako sa kanila at sumandal sa may sink.

"Eh kasi girls, hinatid ako ni Dylan sa tapat ng classroom kanina." nakangiti kong sabi. Napanganga sila at nagkatinginan.

"Seriously?"

Dahan-dahan akong tumango habang nakangiti pa din, "Magsisinungaling ba ako sa inyo?" para bang hindi pa nagsi-sink in sa kanila ang sinabi ko kasi nakatitig lang sila sa akin. Natawa naman ako sa mga reaksyon nila. Tumalikod ako at kinuha ang bag ko, isinuot 'yon at naglakad na palabas.

"Cindy Mae Mercado!" rinig kong tawag nila sa akin at agad naman silang nakasunod.

"May hindi ka sinasabi sa amin!" bigla akong hinampas ni Ashley.

"Aray ko naman!"

"Ikaw ha! Magkukwento ka!" –Eunice. Natawa ako sa reaksyon nila.

"Oo na. Mamaya na sa cafeteria." nakangiti kong sabi. At di sila natigil sa kakadaldal. Oh my God! Maybe I made a mistake of telling them what happened. Yung mga babae na nadadaanan namin, tinitignan ako ng masama. Ayoko nito! Masyadong madaming fan girls sila Dylan kaya nga nag-iingat din ako kaso etong mga babaeng ito, salita nang salita, "Pst! Wag na nga kayong maingay dyan! Tinitignan na ako ng masama ng mga fangirls ni Dylan oh!" bulong ko. Tumigil naman sila at tumingin sa paligid.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now