Chapter 9

53.7K 673 37
                                    

Chapter 9

Cindy's POV

Tatlong araw na din ang lumipas mula no'ng nagsimula akong maging tutor ni Dylan. Kung dati ay sa English, ngayon ay lahat na ng subject. Oo lahat na. Kapal nga ng mukha no'n e. Nilubos lubos na talaga ang pagiging tutor ko sa kanya. Nakakakaasar lang. Hahaha. Joke lang.

Well, sa nakalipas na tatlong araw ay wala naman masyadong nangyari. Uhm... de joke lang, meron naman kahit papaano. Naging maayos naman ang tutoring lessons namin every after class hours. Nag-level up na kahit papaano ang aming samahan, paano? Nakakapag-usap na kami ng hindi ako naiilang, nakakapagbiruan at nagtatawanan na kaming dalawa. Minsan nga ay nag-aaway, nagsisigawan at nag-aasaran kaming dalawa pero minsan bigla bigla siyang nagsusungit kaya 'yon ang pinagmumulan ng away naming dalawa but nagkakaayos din naman kami kasi nagso-sorry siya agad. Inaasar niya pa nga ako minsan about sa suot ko, hindi naman ako nao-offend kumabaga nasanay na kasi ako kaya hinahampas ko na lang siya at tinatawanan tuwing inaasar niya ako about doon. I can say that we really are in a state of good friends now. Ang sarap sa pakiramdam. Habang tumatagal ay mas nakikilala ko siya.

Ngayon naman ay papunta ulit ako sa library pero dadaan muna ako sa locker ko para maglagay ng gamit. Sabi sa akin ni Dylan na mauna na daw ako sa library at may dadaanan lang siya saglit sa D.O (Discpline Office). Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit na gagamitin ko para bukas at isasara ko na sana iyon no'ng biglang may humigit sa buhok ko. Sa gulat ko hindi ako agad nakareact.

"Hay sa wakas! Matapos ang ilang araw, naabutan ka din namin. Kamusta ang panlalandi mo kay Dylan?" sabi noong babaeng sumasabunot sa akin. Masakit at pakiramdam ko matatanggal na ang anit ko.

"Nadine?" hinigit niya ulit ang buhok ko, napangiwi ako.

"Oo, ako nga." hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko.

"Nadine, bitawan mo na ako, masakit." ngiwi at paki-usap ko pero imbis na tanggalin niya ay mas lalo niya lang akong sinabunutan.

"Bakit kita bibitawan? Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng banta namin sa'yo ay nagagawa mo pa ring lapitan si Dylan at ang kapal ng mukha mo para makipagtawanan sa kanya." sinubukan kong tanggalin ang kamay niya. Hindi ko alam kung nandito din ba sila Pam pero mukhang nandito nga sila. Sa kasusubok kong tanggalin ang kamay niya sa buhok ko ay hindi ko sinasadyang makalmot ang braso at kamay niya, napasigaw siya at agad na nabitawan ang buhok ko. Humakbang agad ako palayo sa kanila at nakita kong hawak-hawak ni Nadine ang kamay niya, nagmumura siya at agad siyang dinaluhan nila Pam. Nakita kong nagdudugo iyon. Omg, hindi ko talaga sinasadya.

"I'm sorry, Nadine hindi ko sinasadyang saktan ka." tinignan niya ako ng masama.

"You!" sigaw niya sa akin sabay lapit ng mabili at itinaas ang kamay niya, ambang sasampalin ako. Nanlaki ang mga mata ko no'ng biglang may humarang sa harapan ko at dahil doon ay siya ang nasampal. Nagulat kaming lahat lalo na si Nadine, "D-Dylan."

Hindi ako makakilos dahil sa sobrang gulat. Walang nagsasalita sa aming lahat. Bakit siya nandito? Bakit niya ginawa 'yon?

"Dylan, I'm so sorry! Hindi ko sinasadyang sampalin ka. Dapat kasi kay Cindy 'yon pero bigla kang humarang. I'm sorry." halata ang pagkataranta sa boses ni Nadine. Lalapit na sana siya kaya lang biglang nagsalita si Dylan.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now