Chapter 5

56.5K 726 42
                                    

Chapter 5

Pumasok na ako sa loob ng Ross at nakita ko naman agad sila Nicole since tatalo lang ang tao sa paligid. Kinawayan ako nila Nicole, ngumiti ako at lumapit, "sorry natagalan ako." dispensa ko.

"Ayos lang. Marami pa naman tayong oras kasi wala na daw tayong class dahil sa teacher's meeting." sabi ni Ashley.

"Really? That's great! Sa'n niyo gustong gumala after nating kumain?" excited na tanong ni Nicole.

"Well, kumain muna tayo bago natin pag-usapan 'yan. Seriously guys, I'm starving." -Steffi. Natawa naman kami at tinawag ang waiter at sinabi namin na iyong dati naming inoorder. Madalas din kasi kami dito kaya kilala na kami. Umalis din naman ang waiter at nagkwentuhan kami. Habang nag-uusap kami ay napatingin ako kay Michelle na kanina pa tahimik sa tabi ko.

"Bakit ang tahimik mo? May problema ba?" tanong ko na nagpatigil sa pag-uusap nila Nicole at nilingon kami. Tumunghay siya at tinignan kami.

"N-nagi-guilty kasi ako." kumunot naman ang noo ko, "nagi-guilty? About saan?"

"Kasi hindi man lang ako tumulong kanina noong inaapi ka no'ng babaeng iyon. Nakatayo lang ako at walang nagawa." halos pabulong niyang sabi.

"Hala! Ayos lang naman iyon, Michy. Huwag mo na masyadong iniisip 'yon." sabi ko naman sa kanya. Umiling siya, "nagulat kasi ako sa mga nangyari. Hindi ko in-expect na mangyayari 'yon. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. When I was still in Britain, I've been into fights for I don't know how many times but you know. Bago pa lang ako dito sa Pilipinas, sa lugar na ito, sa school niyo at sinasanay ko pa lang ang sarili ko sa bagong environme--"

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa lap niya kaya natigil siya sa pagsasalita at tinignan ako, "I know and I understand. 'Wag kang mag-alala dahil hindi naman ako galit sa'yo." nakangiti kong sabi.

"Really?" tumango ako, "really really. Kaya 'wag mo ng isipin 'yon. Okay?" tumango naman siya at ngumiti.

"Wait wait, sabi mo bago ka pa lang dito sa Pilipinas? You mean, you've never been here your whole life?" -Nicole.

"Yeah. Sa Britain ako pinanganak but my parents is a 100% Filipino. They migrated there while I was still in my mother's womb. So, yeah." nakangiti niyang sagot.

"Kahit visit lang for the family of your parents?" -Ashley.

"Never been here nga, Ashley e. Nakakatanga masyado 'yang tanong mo." -Steffi. Inirapan lang siya ni Ashley, "I'm not talking to you."

"Well, yeah. Wala kasing time sila Daddy na pumunta dito dahil busy sila sa business in and outside Britain. Palagi silang wala sa bahay. Kadalasan din out of the country. Kaya ako lang sa bahay namin mag-isa kasama ang yaya ko na Filipino din. Siya ang nagturo sa akin mag-Tagalog at mas nahasa ako sa pagta-Tagalog noong napagdesisyunan nila Daddy na iyon ang gamiting lenggwahe sa loob ng bahay. Although, hindi rin namin maiwasang magsalita ng English paminsan-minsan."

"Wow." -Janelle.

"Wala kang kapatid? Brother? Sister?" -Eunice.

Umiling siya at ngumiti ng malungkot, "how I really wish I have one. Only child lang ako. Gustung-gusto ko ngang magkaroon ng kapatid pero masyadong busy sila Mommy kaya ayun."

"Aww. That's kinda sad. Boring kaya kapag mag-isa lang." -Steffi. Dalawa kasi silang magkapatid, Kuya niya at siya.

"Sa ating anim pala, ikaw lang ang only child. Etong si Cindy may tatlong kapatid. Dalawang mas matanda at isang pinakabata. Si Eunice naman ay may dalawang nakababatang kapatid. Si Steffi at Ashley ay may isang kapatid. Ako naman ay may nakatatandang kapatid at nakababatang kapatid." -Nicole.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now