Chapter 15

44.1K 592 33
                                    

Chapter 15

Dalawang linggo. Dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Gabi-gabi akong naghihintay, nagbabakasakali na tatawagan niya ako at magpapaliwanag kung anong nangyayari. Alam kong hindi kami pero wala ba akong karapatan para magalit at masaktan? Bigla niya akong iniwan sa ere. Matapos niyang ipakita at iparamdam sa akin na masaya siya kapag magkasama kami, ganito na lang bigla ang mangyayari? Nakakagago lang.

Bumuntong-hininga ako habang naglalakad sa corridor papunta sa locker ko. Ang bigat bigat nang pakiramdam ko dahil lagi akong puyat at stress. Nakakaasar.

Walang tao sa paligid, siguro ay nagpasukan na sila sa kanya-kanya nilang classroom dahil malapit ng magtime. Late akong nagising dahil nga puyat ulit ako kagabi. Bumuntong-hininga ako. Ayoko sanang pumasok dahil ang bigat talaga nang pakiramdam ko kaso may tatlo kaming long quiz ngayon kaya hindi ako pwedeng umabsent.

Malapit na ako sa locker ko no'ng napansin ko ang taong naglalakad sa harapan ko. Napatigil agad ako sa paglalakad at napatitig sa taong iyon, "Dylan."

Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa niya at nakatingin nang diretso na para bang hindi niya ako napansin. Tinitigan ko siya, umaasa ako na paglapit niya sa akin ay papansinin niya ulit ako, na ngingitian niya ulit ako gaya nang dati pero nasaktan lang ako. Dinaanan lang niya ako na para bang isa lang akong multo. Nabangga niya ang kaliwang balikat ko kaya alam kong alam niyang nandoon ako, nakatayo at hinihintay siyang pansinin ako.

Umiinit ang mata ko at may bumabara sa lalamunan ko. Nilingon ko siya at tatawagin sana kaso hindi ko na lang tinuloy. Pinanood ko na lang siya habang naglalakad palayo sa akin. Eto na ba? Tapos na ba talaga? Ganon na lang ba 'yon? Matapos niyang iparamdam sa akin na gusto niya ako, ganito na lang? Damn it!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napaluhod ako at umiyak. Wala na akong pakialam sa bell, hindi ako pwedeng pumasok sa klase ng ganito ang nangyayari sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. Damn. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbing gustong tumakas sa bibig ko. Hindi ako pwedeng gumawa ng ingay dahil baka may makarinig sa akin.

Ilang minuto din akong umiiyak doon no'ng napagdesisyunan kong tumigil na sa pag-iyak. Sumasakit ang ulo ko, para bang pumipintig ito. Mas bumigat ang pakiramdam ko pero tiniis ko lang ang sakit ng ulo ko. Tumayo ako, nahihirapan akong huminga kaya kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko dala ang inhaler ko kaya hindi ako pwedeng atakihin ng asthma. Oo, may asthma ako, matagal na.

Pumunta ako sa locker ko at ginawa ulit ang palagi kong ginagawa doon. Tatambay na lang ako sa library hanggang sa magbreak time. Sinarado ko na ang locker at naglakad na.

**

Steffi's POV

"Nakita mo ba si Cindy?" bulong ko kay Ashley na katabi ko. Nagdi-discuss ang teacher namin, pangalawang subject na pero wala pa rin si Cindy. Ano kayang nangyari doon? Bakit hindi siya pumasok? Kahit kailan hindi siya umabsent.

"Hindi e. Nagtataka din ako kung bakit hindi siya pumasok. Hindi siya nakapagtake ng unang quiz." nag-aalalang sagot ni Ashley. Hindi na lang ako sumagot. May quiz kami next subject pagkatapos no'n ay break time na pagkatapos ay quiz ulit. Nasaan kaya siya?

Habang nasa gitna nang discussion ay biglang bumukas ang pintuan. Lahat kami napatingin doon at nagulat kami nang makita si Cindy. Nakayuko siya. Bakit ngayon lang siya pumasok?

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now