Chapter 100

316 30 6
                                    

"Hayaan niyo po at ako'y tutulong sa paghahanap kay Binibining Christina." Malakas na bumuntung-hininga si Xavier matapos sabihin iyon. They just found out that Apple Pie was missing. Si Kuya Zy ang nagbalita sa kanila niyon ngunit siya lamang ang nakapunta sa pamamahay ng tiya ni Christina. Hindi kasi dapat kilala ni Christina si Kuya Zy sa panahong ito kaya naman hindi ito makasama. Si Kuya Yohan naman ay hindi lingid sa kaalaman nila na hindi ito gusto ng tiya ni Christina para kay Apple Pie. He was the only one who can visit the Zaldua's residence and ask some questions regarding Apple Pie's disappearance. Tiyak na hindi maghihinala ang mga ito sa kaniya dahil nagkakilala na sila ni Apple Pie at personal doctor siya ng babae. "Kung hindi niyo po masasamain . . . maaari bang maitanong kung ano pong huling nangyari bago po nawala si Binibining Christina?"

He watched as the old lady started drying her puffy eyes and glanced at him. "Nag-ikot lamang ako at si Heneral de Castro sa lupain nito at nagpaalam si Christina na matutulog na lamang daw siya sapagkat siya'y pagod. Nang pagbalik naman namin ay hinanap ng heneral ang aking pamangkin sa pangalawang palapag ngunit wala na daw ito doon. Inikot na namin ng paulit-ulit ang buong lupain ng heneral ngunit hindi na namin siya matagpuan. Hinala ko ay tumakas na naman si Christina katulad ng ginawa nito noon." Matapos ikwento iyon ay napaiyak na naman ang ginang. 

Siya naman ay napakunot ang noo at napaisip. Apple Pie never said she would run away. Malaki ang tiwala niya na magsasabi muna ito sa kanila bago ito gumalaw. Ayaw man niyang maniwala ay nagbakasakali na rin lang sila. Umuwi si Yohan sa mansyon nito at baka daw doon bumalik si Apple Pie. Si Kuya Zy naman ay pinapagalaw na ang mga tauhan upang makatulong sa paghahanap. They still can't disregard the fact that someone wants Apple Pie dead. 

Paano kung na-kidnap pala ito at ngayon ay pinapahirapan? Every second counts so the three of them were all doing their best to find her. 

"Maraming salamat sa iyo, Ginoong Torres. Malaking tulong na ang binibigay mo sa amin ngunit huwag kang mag-alala sapagkat narito ang heneral upang hanapin rin ang aking pamangkin," the old woman reassured her. At the same time, the young general came in with a glass of water. Binigay nito iyon sa nakaupong matanda sabay hagod sa likod nito upang pakalmahin ito.

He squinted his eyes upon seeing a patch of dried-up red blood on the right sleeve of the general. "Heneral," tawag niya dito na nagpalingon naman sa lalake. His eyes were also puffy as if he just came from an intense cry session. Hindi niya ito masisisi, alam ng lahat na nais nitong pakasalan si Christina at ngayon nga'y nawawala ang sinta nito. "Anong nangyari sa iyong kamay? Mukhang may dugong puminta sa puti mong manggas."

Without permission, he took his hand and examined it.

Dumungo ang lalake at mukhang ngayon lang nito napansin ang dumi sa manggas nito. Mukhang nabigla rin ito sa ginawa niya dahil dali-dali nitong inagaw ang kamay. "Nasugatan ako kanina, mukhang hindi ko napansin na nadumihan pala ang aking damit," nakangiting sagot nito sa kaniya bago binalik ang atensyon sa matanda.

Kumunot muli ang kaniyang noo bago nag-ika, "Ako'y uuna na po, hayaan niyo po at babalitaan ko po kayo kung sakaling may makuha akong impormasyon tungkol kay Binibining Christina."

Nginitian lamang siya ng ginang at nagpasalamat. Matapos iyon ay tumalikod na siya upang umalis ngunit nang nasa pintuan na siya banda ay napatigil siya at nilingong muli ang heneral.

He's lying. I am not dumb, and I can see through his lies. I need to tell these to my brothers.

Tuluyan na siyang lumabas at nagmadaling umalis. Kailangan niyang makausap kaagad ang kaniyang mga kapatid.






"What did they say?" Kakapasok pa lamang ni Xavier sa bahay ni Kuya Zy ay iyon na kaagad ang bumungad sa kaniya. Naroon na pala si Yohan na mukhang kagagaling pa sa bahay nito dahil pinagpapawisan pa ang lalake. Nakatayo ito sa harapan niya na para bang hindi ito mapakali hangga't hindi niya mabalita dito ang nalaman niya sa pamamahay ng mga Zaldua. Si Kuya Zy naman ay kalmadong nakaupo sa sofa ngunit halata pa ring nag-aalala rin ito.

"Yohan, paupuin mo muna si Xav," mahinahong sita ng nakatatandang kapatid nila. Tinapik lamang niya ang balikat ni Yohan bago ito nilagpasan. Dumiretso siya sa upuan na katapat ni Kuya Zy at doon umupo. Si Yohan naman ay mukhang hindi pa rin mapakali dahil nanatili itong nakatayo. "What happened?" paunang salita ni Kuya Zy.

Tinignan muna niya ang dalawa bago nagsimulang magsalita, "They said that Apple Pie excused herself from the trip and said that she would be sleeping instead. Pagdating nila ay wala na daw ito sa mansyon. Did you think she ran away?"

"Impossible. Wala siya sa bahay, alam kong sa akin siya uuwi kung sakaling tumakas man siya," agad na iling ni Yohan. 

"Any eyewitness, Xav? Sinong huling nakakita sa kaniya?" tanong naman ni Kuya Zy.

"A maid but according to her, she never saw Apple Pie leave the room, let alone the mansion."

"But where is she?" frustrated na ika ni Yohan habang palakad-lakad sa silid na iyon. If he kept on doing that, he would surely burn a path on the floor. "Apple Pie can be reckless most of the time and I'm afraid that she made a plan without informing us. Kilala natin siya at alam nating kaya niyang gawin iyon," nag-aalalang bulong nito. Kulang na lang ay sabunutan nito ang sarili dahil sa tinding emosyon na nararamdaman.

"Anything you wanted to add, Xav? More information, perhaps?" baling sa kaniya ni Kuya Zy dahil mukhang hindi kayang mag-function ng tama ni Yohan ngayon.

He cleared his throat and contemplated whether to tell them what he observed earlier. Alam kasi niyang paniniwalaan kaagad siya ng mga ito. They all said that he was really good when it comes to reading people's true emotions and feelings. He can also point out a factual person from a room full of liars. Kahit ang lolo nila ay nagsabi ring siya ang pinakabagay na sumunod sa yapak nito bilang psychologist.

"Uhmm . . . it was something simple, really . . ."

"Say it. We need every single lead that we can have," putol ni Kuya Zy sa pag-aalangan niya.

"Heneral de Castro lied to me earlier," siwalat niya na nagpataas ng kilay sa kaniyang kapatid. Hindi ito nagsalita ngunit ang tingin nito sa kaniya ay para bang nag-uudyok na magpatuloy siya. Si Yohan naman ay naglakad papalapit sa kaniya. "I saw a tiny speck of dried-up blood on his sleeves. I asked him about it and he said he just got injured somewhere, but I'm not totally convinced."

"Why?"

"Because of this," ika niya bago dumukot sa kaniyang bulsa at nilabas ang kaniyang panyo. Tinanggal niya ang maayos nitong pagkakatupi at nilantad sa mga kapatid ang nakita niya kanina. It was a single green thread. 

"Saan mo ito nakuha?" nagtatakang tanong ni Yohan.

"On the general's sleeves," ika niya. "I took his hand and made it look like I was examining it but truthfully, I was trying to get that from his clothes. I know this is not enough to pin down the suspicion on him but I just can't whisk away the fact that a piece of Apple Pie's dress is glued to his clothes, and take note, it is very near where the blood stain is."

"But why would he kidnap, Apple Pie? Everything is going well for him. Ni hindi na nga ako makalapit kay Apple Pie dahil ayaw sa akin ng tiya niya. Pabor ang buong mundo sa kaniya, bakit kailangan niyang itago si Apple Pie?" sunod-sunod na tanong ni Yohan.

"Maybe because he had to do it," biglang salita ni Kuya Zy na kanina pa tahimik. Sabay silang napalingon ni Yohan dito.

"Kung totoo ngang kinuha niya si Apple Pie, saan naman niya dadalhin ito. I just came from his house and from my observation, I believe he wouldn't be able to hide Apple Pie there. Walang nakakita na lumabas siya, saan tayo magsisimula sa paghahanap? It's impossible for him to sneak her away without anyone noticing them. Nakausap ko ang lahat ng mga katulong ng heneral at lahat sila ay nagsabing hindi nila nakitang umalis si Apple Pie. I can swear that no one from them was lying," sabi naman niya sa kapatid 

"What if she never left?" Kuya Zy simply said.

"Huh?" takang-tanong nila ni Yohan.

Biglang tumayo si Kuya Zy at nag-ika, "No one saw her leave because she never left. She's still inside that house. The real question is, which part of the house is she being kept in?"

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now