Chapter 81

379 37 18
                                    

Napatahimik si Apple Pie dahil sa sinabi ni Xav, ngunit agad rin siyang naka-recover at naiilang na napatawa. "Don't worry, Xav . . . I got everything handled." 

Akma na niya sana itong tatalikuran ngunit mariin siya nitong hinawakan sa kaliwang braso. Napatigil siya dahil doon at napalingon muli sa lalake. "Don't take my warning lightly. Kung hindi mo natatandaan Apple Pie, pwes ipapaalala ko sa iyo. Doktor ako. I don't overexaggerate any medical condition. Mahina na ang katawan mo. Hindi mo kakayanin na magtagal dito. Kung may tinatago ka sa amin ay mabuting sabihin mo na bago pa maging huli ang lahat."

She stare at him and saw the genuine concern and worry in his eyes. Tila ba sinasabing natatakot ito sa maaaring mangyari sa kaniya sa mga susunod na araw. She carefully took his hand away from her before slightly squeezing it in comfort. "I have a plan, Xav. Huwag kang mag-alala dahil naplano ko na ang lahat. You just need to trust me." She let go of his hand and smiled sweetly before leaving.

Hindi pa siya maaaring bumalik sa hinaharap ngayon, lalong-lalo na dahil sa nagiging transition sa buhay ni Christina. They just found out about Christina's true history and who knows what might happen today or tomorrow. Hindi nila alam kung anong pagbabago ang maaaring mangyari kaya naman mas mainam na nandito siya sa loob ng katawan ni Christina habang nangyayari iyon.

What if bigla siyang ipakasal ng tiyahin niya sa ibang lalake? Christina doesn't know Yohan, tiyak na hindi nito pipiliin si Yohan na mapangasawa. Ang selfish mang pakinggan pero kailangan niyang masiguradong may full control siya sa buhay ni Christina upang masigurado ang kinabukasan niya kasama si Yohan. She liked being here. She would stay here forever if fate would permit. Kung gustong kunin ni Christina ang katawan niya sa hinaharap ay agad siyang papayag. 

Her head was so full of these questions until she noticed that the time has already passed and she now needed to go with her aunt. Nasa labas silang lahat kasama ang tiyahin niya pwera na lamang kay Kuya Zy na hanggang ngayon ay MIA pa rin. Masayang nakikipag-usap ang kaniyang tiyahin kay Elisa kaya naman nakapuslit ng ilang sandali si Yohan upang makapagpaalam.

"I'll miss you," he whispered before sneaking a peck on her lips.

"Isa pa," she giggled before pointing to her lips. Para atang bumalik siya sa pagiging highschooler na hindi mawalay-walay sa jowa niya. 

Nakita niya ang pagngisi ni Yohan bago tumingin sa direksyon kung saan nag-uusap sina Tiya Lourdes at Elisa. Buti na lamang at hindi nakatingin ang mga ito. Si Xav ang nakatingin sa kanila habang umiiling-iling pa na para bang tatay na nakukunsimisyon sa ginagawa ng anak nito.

Mas lalo pa siyang napangiti dahil sa nakita ngunit agad ring nawala iyon nang maingat na hinawakan ni Yohan ang kaniyang baba at bahagyang inangkla pataas upang mapatingala siya dito. He then quickly captured her lips in a searing kiss. The type of kiss that would make you think that no one was in the room with them. Makahalik ito ay para bang hindi lamang nakatayo ang kaniyang tiyahin sa may di-kalayuan at kung lilingon man ito ay tiyak na makikita ang paghahalikan nila.

He kissed her like there was no tomorrow. He kissed her like it would be their last one. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi at nagkatitigan ang kanilang mga mata ay tila ba may munting pangako na nabuo sa pagitan nila.

He would come back for her and she would wait for him. 


After finally saying the final goodbye, she and Tiya Lourdes started their journey toward the old woman's home. Sa pagkakaalam niya ay nasa kabilang bayan pa iyon kaya naman tiyak siyang matatagalan ang biyahe nila. Ang awkward ng buong biyahe nila dahil sa hindi siya marunong magsalita ng Espanyol at mukhang kung ano-anong kasinungalingan ang sinabi ni Yohan sa kaniyang tiya dahil tila ba naniwala ito sa "aksidente" kuno niya. The old woman didn't press for more information from her, in fact, it seems to think that it would be better for her to absorb everything first before berating her with questions. Pabor iyon sa kaniya, at least hindi na siya mamomroblema sa mga kasinungalingang dapat sabihin dito. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now