Chapter 95

338 35 20
                                    

Napainat ng katawan si Apple Pie bago unti-unting binuksan ang mga mata. Napapikit siyang muli nang masilaw sa liwanag na nanggaling sa may bintana. Kinusot-kusot niya iyon bago muling binuksan. She examined her surrounding while stretching her arms. Nandito pa rin naman siya sa kaniyang silid ngunit tila disoriented pa rin siya.

Saktong paghikab niya ay ang pagpasok naman ni Nina sa kwarto niya. Nginitian siya nito nang makita na gising na siya. May dala-dala itong tray na may lamang pagkain at maingat nitong nilapag iyon sa may lamesa malapit sa kaniyang kama.

"Gising na po pala kayo, Binibining Christina." Nina was smiling so widely while saying that. "Mukhang napagod po talaga kayo sa kasiyahan kagabi," dagdag nitong komento bago nagsimulang maglinis sa kwarto niya.

Napalibot kaagad ang kaniyang mata sa buong paligid dahil sa takot na baka may naiwan si Yohan na gamit dito ngunit pasalamat na lamang siya at mukhang wala naman. "Ano bang oras na?" tanong na lamang niya sa dalaga. Based on the light coming from the window, she was sure that it was past morning already.

"Lagpas tanghali na po," sagot nito sa kaniya na agad namang nagpalingon sa kaniya dito.

"Tanghali na?" gulat niyang kumpirma na tinanguhan lamang nito.

Pisteng Yohan na iyan, pinagod ako ng sobra.

Kinamot na lamang niya ang ulo bago inutusan si Nina na ilapit sa kaniya ang tray ng pagkain. She was so freaking hungry and even though she slept almost the whole day away, she was also still sleepy. Halos nakapikit na nga siya habang kumakagat at ngumunguya. Tila ba hindi enough ang tinulog niya kanina dahil pagkatapos kumain ay nag-request siya kay Nina na ipasarado ang mga bintana upang makaidlip siyang muli.

The 20-minute quick nap that she planned became a 4-hour long sleep. Nang magising siya ay gabi na at kahit inaantok pa rin ay napagdesisyunan pa rin niyang bumaba upang kahit papaano ay mai-stretch niya ang katawan.

Nang makababa sa unang palapag ng bahay ay napag-alaman niyang ginala pala ni Heneral de Castro ang kaniyang tiya. Mukhang nagpapalakas doon sa matanda upang makuha ang loob nito. Hindi na lamang niya iyon ininda at napili na lamang hanapin ang batang babae na pinagbigyan niya ng sulat para kay Yohan.

That child just lied to her!

Syempre hindi niya papalagpasin iyon. Agad naman siyang lumabas ng bahay at inikot ang buong bakuran hanggang sa makarating siya sa dirty kitchen kung saan niya ito unang nakita. She quickly spotted the child sitting down at one of those wooden stool while carefully plucking out the leaves from the kalamunggay. Hindi kaagad nito napansin ang presensiya niya na papalapit dito kaya naman huli na ang naging reaction nito. Akma sana itong tatakbo at mukhang natakot sa kaniya ngunit hindi niya ito hinayaang makatayo man lamang.

She quickly grabbed her arm before demanding an answer, "Bakit ka nagsinungaling sa akin?" She tried her hardest not to raise her voice at the young girl, but she still looked scared of her. "Pangako, wala akong ibang pagsasabihan ng ginawa mo at hindi rin kita paparusahan basta ba't magsabi ka sa akin ng katotohanan ngayon." She then tried assuring the girl because she felt like the possibility of a punishment is what making this girl cower in fear.

Pinanood niya ang pagkagat ng ibabang labi nito na mukhang nag-aalangan. She smiled kindly at the child to at least make her trust her. Gusto niyang maramdaman nito na mapagkakatiwalaan siya. The child contemplated first before looking at their left and right. Para bang sinisigurado nitong walang ibang tao na makakakita o makakarinig sa pinag-uusapan nila ngayon.

Nang masiguradong walang ibang tao sa paligid ay mahinang hinila siya ng bata upang mapalapit ang kaniyang tenga sa bibig nito. "Si Heneral po," nanginginig nitong bulong bago siya muling binitawan. Nakakunot-noo siyang napalayo rito at kinumpirma mula sa ekspresyon nito na tama nga ang hinala niya.

It was indeed Heneral de Castro who has ordered this girl and maybe other maids too to block her communication with Yohan. Alam niyang hindi na dapat siya mabigla sa nalaman ngunit naging malapit na rin kasi sila ng lalake at sa kaunting panahon na iyon at ramdam naman niya ang angking gandang-loob nito. Mukhang ang pagmamahal kay Christina ang nagtulak dito upang gawin ang mga bagay na iyon.

Nanghihina siyang napabitaw sa pagkakahawak sa bata at walang-imik na nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. She need to confront him. Kailangan niyang diretsuhang sabihin dito ang nararamdaman. She also need to be firm and let the general understand that she was serious right now.

Kailangan niyang gawin iyon bago pa maging huli ang lahat at ikasal siya ng tiyahin sa lalake.





Kakauwi pa lamang ni Yohan nang bigla siyang salubungin ng isang katiwala. Mukhang nagmamadali ito dahil na rin sa hinihingal pa ito nang lumapit sa kaniya. Inumaga na siya ng uwi sapagkat dumaan pa siya sa isa sa mga imbakan ng kaniyang mga kalakal. Gabi na kasi nang makatanggap siya ng sulat na may nangyari daw gulo roon. Mukhang may nagtangkang sumunog sa kaniyang mga imbakan ngunit pasalamat na lamang siya at mabilis na nagawan ng paraan ng kaniyang mga tauhan ang problema. Iisang imbakan lamang ang nasunog at kalahati nga lamang ang na-damage doon. Dumaan muna siya doon kagabi pagkatapos niyang umalis kina Apple Pie bago nagsimulang maglakbay papauwi. Ngayon nga'y inumaga na siya at ang tanging nais niya lamang ay matulog ngunit agad naman siyang sinalubong ng katiwala.

"Bakit? Anong problema?" pagod niyang tanong dito habang binibigay dito ang kaniyang mga gamit. Maagap naman nitong kinuha ang mga iyon sa kaniya habang naglalakad katabi niya.

"Ahh . . . narito po si Ginoong Concepcion. Hinahanap po kayo at ang sabi ay napakahalaga daw kaya naman po pinahintay ko po muna siya sa may opisina niyo po." Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. He looked down at his watch and saw that it was still 5 in the morning.

Kuya Zy? What does he need to talk to him this early?

Dahil sa ang rami ng katanungan sa utak niya kaya naman nagmadali na rin siya sa pagpunta sa opisina kung saan pinaupo ang kaniyang kapatid. Agad naman siyang nagpasalamat sa katiwala nang nasa harapan na sila ng pintuan ng kaniyang opisina. Inutusan niya itong umalis na at huwag silang estorbohin sa loob. Agad naman itong tumango bago umalis na.

Siya naman ay hinarap muli ang pintuan at binuksan na iyon. Agad namang bumungad sa kaniya ang kapatid na nakaupo sa isa sa mga upuan sa silid na iyon. He wasn't sitting in his usual, comfortable position, rather he was sitting with his elbow joint on his knees and his hands on his face. Para bang ang laki-laki ng problema nito. As a person who knows Kuya Zy for so long, he never really do show when he was having a hard time.

Not this time.

He looked like he was about to cry.

"Kuya?" naguguluhan niyang tawag dito na nagkuha naman ng atensyon nito sa kaniya. Halos mawalan siya ng hininga nang harapin siya nito. His eyes were bloodshot even though there were no tears there. Para bang sa kakaiyak nito ay kusa ng natuyo ang mga luha nito. "Kuya . . . anong problema?" tanong na tawag niya muli dito.

"She's dead," he whispered, he almost didn't catch it.

"Who?" kinakabahan niyang tanong.

Kuya Zy looked back at him and said, "I just came back from our original time. She's dead . . . Apple Pie is already dead."



A/N: Happy New Year everyone! Another update dahil may nag-iingay ulit sa comment section~

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now