Chapter 17

510 54 23
                                    

Napatingin sa ibaba si Apple Pie at pinagmasdan ang natutulog na porma ni Yohan na nasa kaniyang kandungan. He just asked her to caress his hair and he already fell asleep in a matter of seconds. Halatang inaantok na talaga at tulog ang hinahanap. Ang hindi niya lang maintindihan ay bakit kailangan pa nitong pumunta sa kaniya para makatulog.

Normal lang ba ito sa mag-jowa?

Wala naman siyang karanasan sa pagbo-boyfriend kaya naman hindi niya alam kung normal ba ang pagiging clingy ni Yohan sa kaniya, ngunit aaminin niya na gustong-gusto niya iyon. Hindi  siya sanay na may taong laging nakadikit sa kaniya. Hindi niya nasubukan ang magkaroon ng pamilya kaya naman naninibago talaga siya sa lahat. 

Malakas na lamang siyang napabuntung-hininga bago inabot ang cellphone na inilapag niya kanina noong tumawag si Yohan na nasa gate daw ito. Napili na lang niyang magbasa sa Wattpad habang hinihintay itong magising muli. Hindi rin naman siya makakagalaw dahil sa kaniya nakahiga ang lalake. 

Truthfully ay akala niya na ilang minuto lang o baka isang oras lang ang itutulog ni Yohan ngunit dumating na lang ang tanghali ay tulog pa rin ito. Ayaw niya sana itong gisingin at bibili na lang sana ng pangtanghalian sa labas para may makain ito paggising, pero ang higpit ng yakap nito sa kaniya. Alam niyang kung saka-sakaling ihihiwalay niya ang pagkakayakap nito sa kaniya ay tiyak na magigising ito. Kaya naman ay wala siyang ibang choice kundi gisingin ito. Simula pa naman kaninang 8 AM ang tulog nito at malapit ng mag-12 o'clock ngayon.

"Yohan." She gently tugged on his t-shirt because she still felt a little bit of shyness around him. Nang mapansin na hindi pa rin ito nagigising sa pagtawag niya dito ay kaniya namang yinugyog ng malakas ang braso nito. "Yohan, gising na."

"Hmm . . ." he murmured before hugging her more tightly. He just snuggled closer to her and went back to sleep.

Siya naman ay pagod na napabuntung-hininga bago sinubukan itong gisingin muli. "Yohan . . . gising na. Tanghali na." He didn't even move and just ignored her attempts to wake him up. "Gutom na ako," dagdag niyang bulong at maggi-give up na sana sa paggising dito ngunit biglang tumayo ang lalake at papungay-pungay pang tumingin sa kaniya.

"Gutom ka na?" he asked, and she shyly nodded. 

"Come on. Let's eat out," aya nito habang kinukusot-kusot pa ang mata. Halatang gusto pang matulog ngunit mukhang nag-iba ang isip dahil sa sinabi niya. 

"Ok lang naman kahit dito ka na lang. Bibili na lang ako ng pagkain," saad niya dito ngunit umiling-iling lamang si Yohan habang tumatayo. 

"First day natin ngayon. I want to at least make this special. Bihis ka na. Hihintayin kita sa labas," he said before walking towards the door. Binuksan na nito ang pintuan ngunit bago pa ito makalabas ay huminto ito doon at tumingin sa kaniya "Langga . . . the next time I'm here, please wear a bra. I can clearly see the outline of your nipples." Napatigalgal naman siya hanggang sa marinig ang pagsarado ng pintuan. Tila ba nagising siya at mabilis na tiningnan ang kaniyang t-shirt. 

"Putragis! Naka-white t-shirt ako!" panic niyang saad habang naghahanap ng maipangtatakip sa kaniyang taas. Dali-dali niyang kinuha ang towel at pinulupot iyon sa katawan. 

Matapos iyon ay nanghihina siyang napaupo sa sahig at tinakpan ang mukha. Alam niyang namumula na siya ngayon dahil sa hiya. Hindi niya napansin na bakat na pala ang dibdib niya sa t-shirt niya dahil sanay na siya na ganuon ang suot dito sa boarding house. Never pa naman siyang nagkabisita na lalake dito kaya naman hindi rin niya nai-consider na baka nga ay halata masyado ang nipples niya.

"Ang bobo mo Apple Pie!" kastigo niya habang binabatukan ang sarili. Ilang minuto rin ang ginugol niya sa pangangaway sa tangang self niya bago siya nakapagbihis at lumabas na ng kwarto niya. Hindi nga niya alam kung paano niya haharapin si Yohan dahil sa nangyari kanina. 

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now